Dibuho ni Jasmine C. SantosNAGKAKATITIGAN
ang mga hindi mapanatag
na kaba
habang tahimik
at palihim
na tumatakas
ang mga kamay
ng nalalabing pag-asa.
Nakalulugmok
ang malamig na pagbabanta
ng unti-unting
paghina
ng mga alingasngas
ng pagliligtas.
Sa pagtakas
ng pintuan ng paghihintay,
sumalubong
ang nakatalukbong
na pamamaalam
at ang lumalangitngit
na paglisan.

*Mula sa koleksiyong “Atbp.” na nagwagi ng unang gantimpala para sa Tula sa Gawad Ustetika Taunang Parangal Pampanitikan noong 2001. Si Suba ay dalawang beses nang hinirang na Makata ng Taon noong 1999 at 2000.

READ
Katatasan sa pagtuturo ng wikang Filipino, binigyang-diin sa pambansang kongreso

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.