Dibuho ni Rey Ian M. CruzMGA PAA nati’y lumilibot,
lumiligid nang walang humpay
habang sumasayaw sa saliw
ng musikang kaindak-indak.

Lahat ng mata’y nakakadena
sa mga walang lamang upuan
at sa biglang paghinto ng tugtog,
tayo ay hindi magkandaugaga.

Nag-uunahan, hilahan, at nanghahawian
walang alinlangang nangunguyog,
handang manakit at mang-iwan
para sa ginhawa ng pag-upo.

Ang karamiha’y masayang nakaupo,
komportable’t buo ang mga ngiti
habang ang isang kasamaha’y
nakatayo at nag-iisang talunan.

Isang nakahihilong biyahe
patungo sa sinasabing Herusalem,
nakakakonsensya at nakasusuka
na nagmula sa bakanteng silya.

READ
Tatlong alumni, pinarangalan ng 'Q' award

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.