TAPAT sa kaniyang adhikain na payabungin ang pantikan sa Unibersidad, ang Gawad Ustetika ay patuloy na pinagyayaman ang panitikang Tomasino sa ika-27 taon nito.

Muli nitong pararangalan ang mga mag-aaral na may angking galing at talento sa pagsusulat ng panitikan sa ika-3 ng DIsyembre sa Plaza Mayor.

Igagawad ngayong taon ang Parangal Hagbong kina Florentino Hornedo, isang premyadong manunulat at guro mula sa Batanes, at kay Federico Licsi Espino, isang makata sa wikang Tagalog. Ang Parangal Hagbong ay ibinibigay bilang pagkilala sa mga Tomasinong may natatanging ambag sa sining at panitikang Filipino.

Kamakailan ay ginawaran ang Ustetika ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) dahil sa mga naging katangi-tangi nitong ambag sa panitikan sa bansa.

Nagsilbing mitsa ang Ustetika para sa ilang mga respetadong manunulat sa bansa gaya nina Jun Lana, Jose Wendell Capili, Francezca “Kit” Kwe, Angelo Suarez, at marami pang iba.

READ
Ballet for the masses

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.