Bilang pakikiisa sa pagpapalawig ng mataas na edukasyon ng bansa at sa pagtugon na rin sa Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education na isinasagawa ngayon sa bagong kurikulum, isang internasyonal na komperensiya ang naganap upang talakayin ang pagsasalin sa iba’t iba nitong aspeto, partikular na ang kultural na aspeto nito.

Sa pangunguna ng Kritika Kultura, isang online journal tungkol sa mga usaping kultural, ang pagpupulong na pinamagatang "Traveling Texts: Translation and Globalization" ay ginanap sa Bulwagang Leong sa Ateneo de Manila University noong Agosto 31.

Sinabi ni Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan at isa ring Tomasino, na bago isalin ang isang banyagang akda sa katutubong wika, dapat munang alamin ng tagapagsalin ang kultura ng naturang lugar.

“The translator has the task to do given the blindness resulting from his dealing of another culture, thus, the daunting experience that he has to overcome, thus, the insufficiency of the language alone. That’s the call of the problematic culture of the text is translating,” ani Lumbera.

Iginiit ni Lumbera na ang pagsasalin ay ang pag-uugnay ng isang kultura sa isa pang kultura upang ang naturang banyagang akda ay mas madaling maintindihan ng mga mambabasa.

“To compensate the distance created to the original text and to the translation, the translator has to invent a rough equivalent in his native language and culture, so that the translated text would convey the same point that the original text intended to communicate,” ani Lumbera.

Sa kaniyang pag-aaral na Translation and Cultural Text, binanggit ni Lumbera ang tatlong mga dulang kaniyang isinalin—ang Julius Caesar ni William Shakespeare, ang Bodas de Sangre (Blood Wedding) ni Federico Garcia Lorca, at ang Portrait of the Artist as a Filipino ni Nick Joaquin.

READ
Survey of mediocrity

Dagdag pa ni Lumbera, ang mga naturang banyagang dula ay isinalin sa paraang maiiugnay pa rin ng mga tao ang kanilang mga pang-araw-araw na karanasan kahit na ang mga ito ay isinulat sa iba pang bansa.

“This means that the audience is an all important factor to consider in translating the dialogues of a foreign play being rendered into the language of the audience. The audience is being exposed to a strange new experience and this experience needs to be adjusted to the accustomed features of the culture.”

Samantala, tinalakay naman ni Michael Coroza, isang Tomasinong makata’t guro, ang kaniyang pag-aaral na Translation by Appropriation: The Poetics of Saling-awit, kung saan nilalapatan ng katutubong wika ng bayan gamit ang isang popular na banyagang tono.

“The translator of the saling-awit will have to do something in order for that song can make sense to him and to his audience. Marami rin ang tinatanggal. There comes a time na halos iniiba na rin ang lahat,” ani Coroza.

Pinuri rin ni Coroza ang pagka-malikhain ng tagapagsalin ng saling-awit.

“Higit na malikhain sa halip na mangongopya ang tagapagsalaysay ng awit. Bagaman, hindi niya talagang pinapalitan ang orihinal at ang totoo ay wala naman siyang kinokopya dahil sa popularidad ng orihinal [na kanta]. Sa ilang pagkakataon, nahihigatan ng kaniyang saling-awit dahil sa wika at kulturang pinagsasalin.”

Ibinigay na halimbawa ni Coroza ang mga kantang sinulat ni Levi Celerio, pambansang alagad sa musika, bilang mga saling-awit na mas naging tanyag pa kaysa sa mga orihinal tulad ng “Makapangyarihan,” “Maligayang Pasko at Manibagong Bagong Taon,” “Kahit Kaunting Pagtingin,” at “Pretty Baby.”

READ
The darkest years remembered

“He did not have to translate the words, the phrases,” ani Coroza. “But what he actually did was to appropriate the idea that was in the original.”

Sa naturang komperensiya, iginawad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang unang Gawad Wika Kultura sa Pagsasalin kay Celerio na tinanggap naman ng kaniyang mga anak.

Pagsasalin sa mga silid-aralan

Ipinaliwanag ni Fr. Jose Ramon Villarin, S.J., pangulo ng Ateneo, na ang pagsasalin ay isang mahalagang disiplina dahil hindi lamang ito paglalapat ng mga salita kundi pagsasalin at pagsasama rin ng iba’t ibang kultura ng bayan.

“As for our students, who are formed to help this nation and at the same time our global citizens, they must learn to understand other cultures, both within and outside our nation,” ani Villarin.

Ipinaliwanag sa kapulungan ng mga naging tagapagsalita na kailangan maging angkop ang pagsasalin lalo na sa mga tula at iba pang akda.

Ayon kay Benilda Santos, propesor ng Filipino sa Ateneo, isang epektibong paraan ang paggamit ng translation-based methodology kung saan ang mga isinalin na mga salita ay ginagamit upang mas maintindihan pa ang kahulugan ng isang akda.

“The translation-based methodology focuses on words,” ani Santos.“The basic unit of denotation is vocabulary while the stanza and the paragraphs serve as vehicles of connotation or in structuring a context.”

Aniya, ang mahalaga sa mga isinaling akda ay maintindihan ang mga ito ng mga mag-aaral.

“Language is for communication, but is not just to communicate message. But here, it reminds us that it communicates communicability itself.”

READ
Annual piano concert rocks; UST Conservatory plays 'Moves Like Jagger' by Maroon 5

Sinabi naman ni Marne Kilates, isang makata, na may mga salitang hindi kayang isalin dahil maaaring mawala ang kahulugan nito sa isang akda.

“There are some tendencies that translation cannot grasp,” aniya. “We translate to find an equivalent while we have to invent words.”

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.