KUMUSTA na nga ba ang pagkakakilanlan ni Andres Bonifacio sa makabagong henerasyon?

Nararapat na muling kilalanin, unawain, at mahalin si Bonifacio—ito ang panukala ni Virgilio Almario, pambansang alagad ng sining, sa kaniyang aklat na “Ang Pag-ibig sa Bayan ni Andres Bonifacio” (UST Publishing House, 2012) na inilunsad kasabay sa pagdiriwang nang kamatayan ni Bonifacio noong ika-30 ng Nobyembre 2012.

Matutunghayan sa akda hindi lamang ang mga paniniwala ni Almario ukol sa kay Bonifacio bilang bayani, kundi makababasa rin ng iba’t ibang pananaw at saliksik ng mga historyador ukol dito.

Ayon kay Almario, ilang taon din ang kaniyang iginugol upang maisatitik ang librong nahahati sa pitong bahaging magpapamalas ng kakaibang mukha ng kabayanihan at pagmamahal sa bayan ni Bonifacio.

Pagkakaahon kay Bonifacio

Tumatalakay ang unang bahagi ng aklat sa iba’t ibang pagkakakilala kay Bonifacio na nakatala sa kasaysayan. Dito ibinahagi ni Almario ang negatibo’t positibong pananaw sa nakahong bayani. Ayon sa akda, minamata ni T.A. Agoncillo si Bonifacio bilang bayani at ‘di rin kinikilala ni Agoncillo si Bonifacio bilang isang makata.

“Naniniwala si T.A. Agoncillo na ang tinig na mapanghimok ay isang mababang ‘layunin’ alinsunod sa pamantayang pampanitikang lumaganap sa panahon niya at naisaloob niya bilang kritiko,” ani Almario.

Mababasa rin ang ilang kaganapang nagpapatunay sa ‘di pagkilala kay Bonifacio bilang bayani. Noong 1910, may inilathalang proyekto para magpatayo ng bantayog para kay Bonifacio. Kaagad itong tinuligsa ng pahayagang Libertas noong Pebrero 10 ng naturang taon bilang “estatua al crimen.”

Ayon sa aklat, iniharap ni Lope K. Santos noong Nobyembre 30, 1920 ang panukalang kautusan na ipagdiwang bilang pambansang pista ang kaarawan ni Bonifacio. Ang panukala’y napagtibay na Batas Blg. 2946 kaya’t ito’y sinimulang ipatupad noong Nobyembre 30, 1921. Bago pa man ang pagpapatupad ng panukalang ito, simula 1901 pa lamang ay ipinagdiriwang na sa Kalye Alvarado, Binondo, Maynila ang araw ng pagsilang ni Bonifacio.

READ
Sec-Gen unblocks Facebook for 'Quadri' updates

Ang pagsulat ni Almario sa pagkilala at ‘di pagkilala kay Bonifacio bilang bayani ay nagbigay ng mas malawak na pananaw sa mga mambabasa. Hindi ikinakahon ng libro ang imp

Ang dalawang sumunod na bahagi ng libro ay naglahad ng isa sa mga pinakabantog na paraan ng pagpapahayag noong panahon ni Bonifacio—ang rebolusyon.

Tampok din ang mga pasyon bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaisipan at kahalagahang kolonyal at feudal sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Sa isang banda, nagdulot din ang pasyon ng pagkakataon upang maipagtanggol ng mga indio ang ilang piraso ng kanilang katutubong kasangkapan sa harap ng kapangyarihang banyaga.

Sa panig ni Bonifacio bilang isang makata, ang kaniyang payak na wika, kung ihahambing kay Jose Rizal, ang pambansang bayani, ay isang usapin ng kaniyang sukatan bilang isang makata.

“Ang tula ni Rizal ay para sa tradisyong edukado at Espanyol, [samantalang] ang tula ni Bonifacio ay para sa tradisyong katutubo at Filipino,” ani Almario.

Bilang patunay sa pagiging makata ni Bonifacio, ayon kay Almario, si Bonifacio ang unang nagsalin ng Mi Ultimo Adios ni Rizal; katibayan ni Almario sa turing na ito ang pagsasadiwang Katipunero ng “redencion final.”

Dagdag sa mas malalim na pag-unawa ng mambabasa ang hayag na pagkukumpara kay Bonifacio sa iba pang mga bayani.

Ang huling dalawang bahagi ng libro ni Almario ay inilaan para sa dalawang likhang-panitikan: Ang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan ni Andres Bonifacio at Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Marcel del Pilar (kalakip ng orihinal na “El amor patrio” ni Jose Rizal.)

Ayon kay Almario, magandang simula ang muling-pagpapaliwayway sa “pag-ibig sa bayan” alinsunod sa tula ni Bonifacio, ang banal na pag-ibig sa nilambungan ng magkasabwat na kataksilan ng repormistang naghaharing-uri at ng pananakop na Amerikano, ngunit nag-iisang bihi ng liwanag upang maging “dakila at iginagalang” ang Filipinas.

READ
'K to 12' to shorten Eng'g, liberal arts courses

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.