SABAY tayong nangarap sa ilalim ng araw at ng buwan—ang ating kamusmusan,

Sabay tayong naligaw, nagkatagpo, sumuko’t muling naligaw.

Sabay tayong humakbang, naglakad, tumakbo’t lumundag.

Kulang na lang, pumagaspas nang marating na ang mga pangarap.

Sabay tayong nagdasal sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo,

Humingi ng gabay… ‘di ko inasahang sa Kaniya mo itutuloy ang paglalakbay.

Sa bawat taon na lumisan ang pagkabata, gumuhit ang pagnanais lumaya,

Tumanda ang isip at dumunong ang puso… ang bukas lamang ang nanatiling bubot.

Ikaw ang pumuno sa dapat punan, ikaw ang lumiban sa bawat puwang.

Sabay tayong nasaktan, pumiglas, lumuha at naiwanan ng tadhana,

Kalayaa’y may kapalit, maiwana’y mas masakit kaysa mamatayan, kaysa mamatayan.

READ
Benavides on Paskuhan

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.