SA PAGPAPATULOY ng isinasagawang seryeng panayam ng Kritika Kultura, isang online journal tungkol sa mga usaping kultural ng Department of English sa Ateneo de Manila University, naganap ang isang komperensiya tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga bansang decolonized, partikular na ang Pilipinas, noong Hunyo 28.

Pinamagatang “The World-System of Decolonization,” binigyang kahulugan ni Charlie Samuya Veric, isang propesor ng naturang unibersidad at miyembro ng Techncal Panel on Literature Education ng Commission on Higher Education, ang dekolonisasyon bilang pagiging malaya ng isang bansa mula sa mga mananakop.

Sinabi niya na habang ang Pilipinas ay kasalukuyang malaya sa pananakop ng mga dayuhan, hindi ito maituturing na “decolonized” na nasyon dahil patuloy pa rin nitong tinatangkilik ang iniwang kultura ng mga banyaga.

“We can’t deny that globalization is among us. We all go to McDonald’s, we all go to KFC,” ani Veric.

Aniya, maituturing lamang na malaya ang isang bansa sa makabagong panahon kung ipagtitibay nito ang sariling kultura.

Binaggit din ni Veric na normal ang ganitong sitwasyon sa mga third world countries. Aniya, pinatunayan ito ng mga librong “The Wretched of the Earth” ni Frantz Fanon, “Pedagogy of the Oppressed” ni Paulo Freire at “Struggle for National Democracy” ni Jose Maria Sison.

Dito na nabuo ang konseptong “third world project” ni Vijay Prashad, isang kilalang historyador at mamamahayag sa India.

Ang naturang proyektong ito ay tinawag ni Veric na isang utopia o isang perpektong estado ng bansa, ang kasarinlan bilang pangunahing salik ng proyekto.

Sinabi niya na ang kasarinlan ay maaaring makamit ng mga kabataan kung maraming pinto ang papasukin para sa pagpapalago ng pansariling karanasan.

READ
2013: loss and redemption

“Students may open [themselves] to a lot of experiences then could therefore make a decision,” ani Veric.

Samantala, mababasa sa libro ni Prachad na matagal nang ipinakilala sa mga tao ang Third world project ngunit hindi ito nagtagumpay.

“The third world project is a failed project but the main thing with that book (Prachad’s) is it understands decolonization from the perspective of state leaders,” aniya.

Ayon kay Veric, hindi man naisakatuparan ang proyekto ay malaking bagay pa rin ang iba’t ibang naililimbag na pag-aaral ng mga iskolar tungkol sa malawak na paksang decolonization, ngunit dinagdag na hindi dapat kalimutang ang konsepto nito.

“It’s good to think that a better world is possible, that is it is all about,” ani Veric. “[But] we should not turn our backs on things we do not understand.”

“The more complex the idea is, the more we should have patience because it is hard to think of the future, it is harder to think of a better life.”

Ayon sa kanya, ang mga Pilipinong nakararating sa ibang bansa at nakararanas ng kaibang pamumuhay doon ay ang mas nakaiintindi ng tunay na kahulugan ng dekolonisasyon. Sila ang nagkakaroon ng matinding paghahangad na pagtibayin pa ang nasyonalismo sa kapwa nilang mga Pilipino.

“What it means to be a Filipino is for you to define,” ani Veric. “How you will lead your life after this, that’s what it is to be a Filipino.”

Halimbawa ni Veric ang kalagayan ni Sison, ang nagtatag ng Communist Communist Party of the Philippines, isang “leftist” na samahan—malayo man ito sa Pilipinas at hindi man maganda ang kaniyang sinapit sa pakikipaglaban ng kaniyang mga pananaw ay patuloy pa rin ito sa pagsusulat upang mamulat ang mga tao sa nais niyang maiparating.

READ
Spanish Queen affirms cultural and heritage ties with UST

“Rest assured that I continue to work for decolonization,” ani Veric habang binabasa ang sulat sa kaniya ni Sison.

Si Sison ay isang exile at kasalukuyang nananahan sa Netherlands.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.