KAWALAN ng suporta sa pagsasalin at kakulangan sa pondo ang ilan sa mga pangunahing suliranin sa panitikan ng mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (Asean), ayon sa mga iskolar at mga propesor na dumalo sa Asean Literary Symposium sa Ateneo de Manila University mula ika-26 hanggang ika-28 ng Agosto.

“We love [the] English and American writers so much, we don’t know anything about our [Southeast Asian] neighbors. It’s always about translation,” ani Prop. Nor Faridah Binti Abdul Manaf ng International Islamic University Malaysia sa unang araw ng symposium.

Ani Manaf, ang kawalan ng pagtangkilik at pagsasalin ng mga akda mula sa rehiyong Asean ay sanhi ng kanluraning pag-iisip, o mataas na pagtingin sa mga akda ng kanluran.

“We are so busy understanding our own identity as Indonesian[s] and have no time to look at our neighbors,” pagsang-ayon ni Prop. Melani Budianta ng Universitas Indonesia.

Binigyang-diin ng dalawang propesor ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang maaaring mag-ugnay sa bawat miyembro ng rehiyong Asean.

“If we want to work as a group then there should be a unifying language. We [must] take the effort of learning [for example] Tagalog and Malay,” ani Manaf.

Liban sa kawalan ng wikang makapag-uugnay sa bawat bansa sa Asean, problema rin ang kawalan ng matatag na wikang pambansa sa kani-kaniyang bayan, ayon kay Prop. Loh Chin Ee ng Nanyang Technological University Singapore.

“We promote the ‘Speak Good English’ movement where we encourage everyone to use standard English. Singlish (pinaghalong Singaporean at Ingles) is not encouraged to be used in school,” ani Chin Ee.

READ
Thomasians dominate state boards anew

Dagdag pa niya, dahil sa mabilis na pag-unlad ng bansa, ginigiba ang mga institusiyong pangkasaysayan upang palitan ng mga istrukturang pangtransportasiyon na pangunahing dahilan kung kaya’t nalilimutan ng mga kabataan ang kanilang panitikan at kasaysayan.

Sang-ayon si Budianta na nagkikibit-balikat ang pamahalaan sa larangan ng panitikan na nahahayaan na lamang mabulok ang mga sinaunang manuskrito sa Indonesia na nakasulat sa Arabic, Javanese at Malay, dahil sa kawalan ng sapat na pondo.

Binigyang-pansin din ni Budianta ang katatasan ng mga akdang isinusulat sapagkat sa kaniyang bansa, unti-unti nang nawawala ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga akda o pagkakaroon ng literary criticism na nagtatakda at nagsusuri ng mga natatanging akda sa isang bansa.

“There’s no quality writing anymore. It has been a concern [in our country because there’s] very little literary criticism nowadays,” aniya. “We scholars focus only on research and teaching. Nobody wants to do literary criticism anymore.”

Isa ring suliranin ng mga bansang Asean—partikular na ng Pilipinas—ang kawalan ng interes sa mga kurso ng sining at panitikan dahil mas binibigyang pansin ang kulturang popular at mga araling ekonomiko at teknikal, ayon kay Prop. Michael Coroza, convenor ng symposium.

“Only few parents want to support their children’s love for arts and literature because they don’t find it practical compared to technical courses like engineering,” ani Chin Ee.

Pagsasalin

Dismayado ang mga Filipinong delegado sa kultura ng pagsasalin sa bansa kung saan nauuwi lamang sa mga textbook ang mga isinaling akda sa Filipino, imbes na naililimbag nang maayos at napababantog sa mga Filipinong mambabasa.

READ
Monochrome cities

Idiniin ni Mario Miclat, propesor ng Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas at isang ring tagapagsalin, na ang pagtingin sa wikang Filipino bilang isang mas nakabababang wika kumpara sa Ingles ang ugat ng suliranin sa ating kulturang pampanitikan.

“Filipinos would not admit that they read Filipino literature,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi lamang dapat mga akda sa Ingles ang isinasalin sa wikang Filipino kung hindi pati na rin ang mga akda ng mga karatig-bayan sa Asya na nasa wikang Indones, Lao o Malay.

Iginiit naman ni Danilo Francisco M. Reyes, assistant professor sa Department of English ng School of Humanities ng Ateneo, na nararapat parangalan ang mga Filipinong iskolar na nagsasalin ng mga akdang banyaga sa wikang Filipino at suportahan ng pamahalaan ang kanilang mga adhikain.

“We should reward translators and scholars. We should also protect them from piracies and unjust appropriations,” ani Reyes.

Layon ng tatlong araw na pagpupulong na makalikha ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa Asean kung saan maaaring magbahaginan ng kani-kaniyang panitikan.

Isa sa mga hakbangin ng simposiyum ang pagkakaroon ng cross-translation project kung saan isasalin sa wikang Filipino at gagamitin sa pagtuturo ang mga akda ng iba pang bansa sa Asean.

Anim lamang sa sampung bansa sa Asean ang may kinatawan sa tatlong araw na pagpupulong: Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Laos at Filipinas.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.