SAPAGKAT nagsimula bilang isang maliit na institusiyon, madalas na napagkakamalang kapilya ang simbahan ng Unibersidad sa Intramuros noong dekada ’30.
Sa isyu ng Varsitarian noong 1933, nilinaw ni Padre Francisco del Rio, kura paroko noon ng simbahan ng Unibersidad, na hindi ito dapat tawaging kapilya sapagkat nagtataglay ito ng mga katangiang pansimbahan. Malawak ito at kayang patuluyin ang lahat ng Tomasino noon sa isang pagtitipon, dagdag pa niya.
Ayon sa ilang mag-aaral, tinawag nilang kapilya ang simbahan sapagkat bahagi lamang ito ng seminaryo. Tila maliit din daw ang nasasakupan nito kung titingnan mula sa labas.
Noong pormal na itong pinasinayaan noong 1933, ikinagulat ng karamihan na may kalawakan nga ito at hindi katulad ng mga kapilya na limitado lamang ang espasyo.
Upang tuldukan ang nasabing pagkalito sa pagitan ng mga mag-aaral, isinangguni ni Del Rio sa Varsitarian ang paglilinaw, na natutuhan naman kalaunan ng mga Tomasino noon.
Sa kasalukuyan, tinatawag nang Parokya ng Santissimo Rosario ang dating simbahan ng Unibersidad na itinatag bilang parokya noong 1942 sa pangunguna ni Msgr. Miguel O’Doherty, arsobispo ng Maynila noon.
Tomasino siya
Patunay si Carmela Centeno na kayang makipagsabayan ng mga kababaihan sa larangan ng inhinyeriya.
Taong 1992 nang magtapos siya ng kursong chemical engineering sa Unibersidad. Kalaunan, nagtamo siya ng masterado sa environmental engineering sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at doktorado naman ng chemical engineering sa De La Salle University. Nagsilbi rin siyang dalubguro sa Fakultad ng Inhinyeriya sa Unibersidad.
Isa si Centeno sa mga pinarangalan sa The Outstanding Thomasian Alumni Awards noong nakaraang taon.
Noong 2008, napili siya ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) na maging bahagi ng 50 Men and Women of Science kasabay ng pagdiriwang nito ng ika-50 anibersaryo. Iginawad ng DOST ang naturang pagkilala sa mga piling dalub-agham na Filipino na may makabuluhang ambag sa kanilang departamento at sa pagpapayaman ng iba’t ibang sangay ng agham.
Bukod pa rito, pinarangalan ng DOST ang pananaliksik ni Centeno tungkol sa persistent organic pollutants bilang “Outstanding Scientific Paper in Engineering and Technology.”
Sa kasalukuyan, nagsisilbing industrial development officer si Centeno sa Stockholm Convention Unit ng United Nations Industrial Development Organization.
Tomasalitaan:
Kalawilihan (pang-uri)– pagkakaroon ng pagkakaisa o pagkakasundo sa isang pangkat.
Hal.: Magiging maginhawa ang daan tungo sa kapayapaan kung magkakaroon ng kalawilihan sa pagitan ng mga pinuno ng bansa.
Mga Sanggunian:
The Outstanding Thomasian Alumni Awards
The Varsitarian Tomo VII Blg. II, Disyembre 1, 1933 p. 142, 1933-1940
Plano inclusive televisor bens desde queimação de gorduras
atribuídas a ele, tornando nosso metabolismo agilizar bem como, desta maneira,
abronzear melhor excesso de peso. Assim mesmo, adaptado junto a sua personalidade anti-inflamatória, favorece que as porções comiseração nosso corpo que são capazes
de ficar inchadas curado melhoradas no entanto ganha uma ar mais
plástica. Acolá dentre suas bens desde aniquilamento com ascendência, slimcaps oferece muitas pessoas
mais benefícios que arrogante a partir de a diminuição dentre complicações respiratórios com finalidade de
contribuir a proteger-se o cancro de casca. http://www.happypdx.com/doku.php?id=profile_robecidalila