Panukalang batas sa pagbisita sa mga makasaysayang lugar, isinulong

0
3489

ISINULONG sa Kongreso ang panukalang-batas ukol sa pagbisita ng mga mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa iba’t ibang makasaysayang lugar, bantayog at museo sa Filipinas.

Pinangunahan ni Lito Atienza, dating alkalde ng Maynila at isa sa mga tumatayong kinatawan ng BUHAY party-list, ang pagpapanukala ng Resolusyon Blg. 1757 na inaprubahan ng Kongreso noong ika-3 ng Abril.

Sinang-ayunan naman ito ng punongguro ng UST Education High School (EHS) na si Leonila Wilhelmina Baltazar at nagwikang tulay ang mga gawaing kagaya ng lakbay-aral sa paghubog ng pagiging makabayan ng mga mag-aaral.

“At EHS, we recognize the importance of inculcating a sense of nationalism among students through exposure trip activites. In fact, a visit to historical sites and museums has always been part of the itinerary in our annual fieldtrips,” wika ni Baltazar sa isang panayam sa Varsitarian.

Dagdag pa niya, “The educational trips conducted serve to deepen the students’ understanding and appreciation of particular topics discussed in the classroom across subject areas, being one of their many learning experiences.”

Sinang-ayunan din ni Baltazar ang nakasaad sa resolusiyon na magsisilbing lunsaran ang gawaing ito upang mas maipakilala ang kabuluhan ng mga bantayog at lugar na sinubok ng panahon at kalamidad.

Pagmulat ng mga kabataan
Nakasaad sa resolusiyon ang kahalagahan ng mga kabataang matutuhan, maranasan at makilahok sa likas na kasaysayan ng bansa at maipahinuha sa kanila ang pagmamalaki at responsibilidad ng paggunita at pag-alaga ng sariling kultura.

Naniniwala si Katrina Tugas, dating mag-aaral ng EHS, na nakatutulong ang mga lakbay-aral sa pagbuo ng identidad bilang Filipino.

“During my last year in high school, from resorts, [the school] opted for different museums… those bits of information will help a person know his/her national roots/history that could contribute to building a sense of national identity and instill a sense of patriotism among them too,” kuwento ni Tugas.

Dagdag pa niya, hindi kasiyahan ang pangunahing layunin ng mga gawaing ito bagkus kung may nakuha o natutuhan ba ang mga mag-aaral.

Sang-ayon dito si Kristienne Magsanoc, ang pangulo ng konseho ng EHS sa susunod na panuruang taon, na nagsabing mas lalawak at lalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kultura, heritage, at tradisiyon ng Filipinas.

Paliwanag pa ni Magsanoc, “Nagpapabugso ito sa ating damdaming pagka-Filipino at mas maiintindihan natin kung ano ang humubog sa ating kasalukuyan…It’s also a way of preserving, promoting and appreciating our history at saka ‘yong mga matututuhan pong aral dito ay puwedeng ma-i-apply ngayon at sa future.”

Para naman kay Christine Francisco, dating mag-aaral ng JHS, kapaki-pakinabang ang lakbay-aral dahil mas napahahalagahan nito ang pag-aaralan sa loob ng silid-aralan.
“I think, it’s worth it considering na hindi na lang ito yung nababasa ko sa books. It’s actually here and I got to see it on my own…you get to appreciate what you’re learning outside of the classroom,” paglalahad ni Francisco.

“As a Filipino student you appreciate those things kasi you realize how rich your culture is and it goes beyond yung malaman mo lang ‘yong facts. Later you’ll realize why things happen in certain ways sa society and by knowing history you have answers,” dagdag pa niya.

Ibinatay din ang resolusiyon sa Artikulo XIV, Seksiyon 18 (2) ng Konstitusyon kung saan hinihikayat ang paghimok at pagsuporta sa mga pananaliksik at pag-aaral na may kaugnayan sa sining at kultura.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.