KINILALA ng European Union ang mga ambag ni Francisco Sionil Jose, isa sa mga “living literary treasures” ng bansa, na nagpapatibay ng ugnayan ng Europa at ng Filipinas sa pagdiriwang ng Europe Day noong ika-9 ng Mayo.
Kaugnay ng parangal ang pagsisimula ng 2018 European Year of Cultural Heritage.
Ayon kay Franz Jessen, embahador ng European Union sa Filipinas, naging lunsaran ang mga akda ni Jose upang mapalapit ang mga Filipino at mga Europeo.
“Jose has contributed significantly in bringing Filipinos and Europeans closer through his acclaimed writings, and he continues to bring hope and light to an increasingly complex world,” sabi ni Jessen.
Nagpasalamat, at nabanggit naman ni Jose ang iba pang mga manunulat na karapat-dapat din para sa parangal.
“I am not going to be coy about it…I know I deserve this award. It’s not only I who deserves it, however. There are others in my generation who do – Nick Joaquin and Salvador Lopez and beyond them – the Spanish writer of the early 1900s, Rafael Palma, to Marcelo del Pilar and most of all Jose Rizal,” paliwanag ni Jose.
Ayon pa sa kaniya, kasama sa talaan ang mga manunulat sa bernakular na naugat sa “profound humanist tradition” ng mga Kanluranin.
Binigyang-diin din ni Jose ang kahalagahan ng tradisiyong Asiyano na pagkakaisa at paggalang sa katayuan, habang rebolusiyon at kalayaan naman sa mga Kanluranin.
Dagdag pa niya: “I propose instead that we look deeply into our Western heritage, and perceive the strengths that have made Europe endure. Therein lies the answer to the many problems we face today and why this award should have more meaning, not only for me but to all my countrymen.”
Naisalin na ang karamihan sa mga nobela ni Jose sa mga wika ng Europa. Kabilang dito ang kaniyang serye ng limang nobela na “Po-on,” “The Pretenders,” “My Brother, My Executioner,” “Mass,” at “Tree.”
Ang dating patnugot ng Varsitarian ay ang nagtatag ng Philippine chapter ng International PEN (Poets & Playwrights, Essasyists, Novelists).