Tungo sa Filipinisasiyon ng Unibersidad

0
1086

PROTESTA mula sa mga estudyante at mga propesor ang sumalubong sa dating administrasyon upang isakatuparan ang Filipinisasiyon ng Unibersidad.

Ang Filipinisasiyon ay paglilipat ng administrasiyon ng mga institusiyon sa pamamahala ng mga Filipino.

Sa isyu ng Varsitarian noong 1970, iginiit na marapat lamang na mga Filipinong Dominiko at dekano, hindi Espanyol, ang namumuno sa Unibesidad, lalo na sa Academic Senate. Ito ay upang lalong maintindihan at matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Mungkahi ni Rodelo Ilagan sa kaniyang kolum, ang Filipinisayon ay pagpapamalas ng nasyonalismo. Dapat Filipino ang magtuturo at huhubog sa mga susunod na henerasyon.

Dagdag pa ni Ilagan, ang mga mag-aaral na Filipino o Tomasino ang may tunay na kakayahang tumugon at umunawa sa problemang panlipunan gaya ng kahirapan at kawalan ng katarungan sa Filipinas.

Ayon naman sa mga grupong Kilusang Rebolusyonario ng Kabataang Pilipino at UST Nationalist Commission, nakasentro dapat sa pagiging Filipino ang dapat itinuturo sa Unibersidad.

Tomasino siya
Sa loob ng higit 10 na taon, nagbigay ng trauma intervention si Padre Edgardo de Jesus sa mga Pilipinong biktima ng trahedya sa Maguindanao, North Cotabato at Kidapawan.

Sa ganitong paraan niya ginamit ang tinapos niyang doktorado sa guidance and counseling sa UST Graduate School noong 2008.

Nagkamit din siya ng diploma sa eye movement desensitization and reprocessing therapy sa American Academy of Experts in Traumatic Stress noong 2014.

Mula 2008, naging miyembro siya ng Philippine Guidance Counselors Association, American Academy of Experts in Traumatic Stress at nagsilbi bilang kasangguni ng UST Psychotrauma Clinic.

Pinangunahan rin ni de Jesus ang pagpapatayo ng St. Bernadette Parochial Mission School noong 2008 at Escuela de Santo Padre Pio noong 2012, sa probinsiya ng Bulacan.
Ginawaran siya ng The Thomasian Outstanding Alumni Awards ngayong taon sa kategorya na Community Service.

Tomasalitaan
Balátbat (png) – malapit nang matapos
Hal.: Ilang buwan na lamang at balátbat na ng semestre; nawa’y makamit ng mga estudyante ang kanilang mithiin upang maging maligaya ang kanilang pasko!

Mga Sanggunian:
A History of the University of Santo Tomas Vol. II
The Outstanding Thomasian Alumni Awards 2018
UP Diksiyonaryong Filipino

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.