Kilalanin ang mga nagwagi sa ika-38 Gawad Ustetika

0
3912

MULING isinilang ang panitikang Tomasino dahil sa angking-galing na ipinamalas ng mga Tomasino sa pagpapahayag ng kanilang mga damdamin at karanasan sa katatapos lang na ika-38 Gawad Ustetika, ang pinakamahabang taunang patimpalak pampanitikan sa bansa, na inoorganisa ng Varsitarian.

Umabot sa 73 na kalahok ang nagsumite ng mga akda na tumalakay sa iba’t ibang kuwentong sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino.

Ang mga pangalang nabanggit ang nagwagi sa mga sumusunod na kategorya:

Poetry

Unang Gantimpala: Sometimes Full of Holes” ni Justin Andrew Cruzana (Ika-apat na taon, A.B. Literature)

Ikalawang Gantimpala: The Small World in Seconds” ni Francine Anne Belen (Ika-apat na taon, A.B. Creative Writing)

Ikatlong Gantimpala: Fracture and other Bodily Poems” ni Hailord Narag Lavarias (Ika-apat na taon, LL.B., Civil Law)

Fiction

Unang Gantimpala: My Other Half” ni Claire Arianne Sundiang (Ika-apat na taon, A.B. Creative Writing)

Pangalawang Gantimpala: Into the Doorway of our Lady” ni Justin Andrew Cruzana (Ika-apat na taon, A.B. Literature)

Ikatlong Gantimpala: Relics” ni Aleia Marie Anies (Ika-apat na taon, A.B. Creative Writing)

Essay

Unang Gantimpala: Grief is Found Within the ‘Phantom’” ni Patrick Miguel (Ika-apat na taon, A.B. Literature)

Pangalawang Gantimpala: Somewhere I Wake with Manila in my Mouth” ni Justin Andrew Cruzana (Ika-apat na taon, A.B. Literature)

Ikatlong Gantimpala: “Celine, The Pretty Little Liar” ni Gabriell Christel Galang (Ika-apat na taon, A.B. Creative Writing)

Tula

Unang Gantimpala: “Doon, Diyan, Dito” ni Jericho Christian Lopez (Ikatlong taon, A.B. Creative Writing)

Ikalawang Gantimpala: “Liwanag ng Ala-Ala: Mga Tula” ni Paolo Alejandrino (Ikatlong taon, A.B. Communication)

Ikatlong Gantimpala: “Sa Kaibuturan ng Sarili ay Daigdig” ni Hailord Narag Lavarias (Ika-apat na taon, LL.B., Civil Law)

Honorable Mention: “Mga Bubog ng Tanglaw sa Gitna ng Lagim” ni Abdel Rasheed Alpad (Unang taon, B.S. Civil Engineering)

Katha

Unang Gantimpala: “Ikebana” ni Noji Bajet (Unang taon, M.A. Communication)

Ikalawang Gantimpala: “Resibo” ni Hailord Narag Lavarias (Ika-apat na taon, LL.B., Civil Law)

Ikatlong Gantimpala: “Ang Resident White Lady ng Balete Drive” ni Isabelle Laurente (Ika-apat na taon, A.B. Creative Writing)

Honorable Mention: “Kahon” ni Jericho Christian Lopez (Ikatlong taon, A.B. Creative Writing)

Sanaysay

Unang Gantimpala: “Sirena” ni Kim Cheska Diaz (Ika-apat na taon, A.B. Creative Writing)

Honorable Mention: “Holy Trinity: Sa Ngalan ng PNR, ng MRT-3, at ng LRT-1 at 2” ni Aedan Jefferson Tropa (Ikatlong taon, A.B. Creative Writing) 

Dulang May Isang Yugto o One-Act Play

Ikatlong Gantimpala: “Emergency Room” ni Jericho Christian Lopez (Ikatlong taon, A.B. Creative Writing)

Honorable Mentions: “Tanggal Angas” ni Ophalain Margaux Serrano (Ika-apat na taon, A.B. Creative Writing) at “Despedida” ni Marie Claire Lagrisola (Ikatlong taon, A.B. Creative Writing)

Tumanggap ng papremyong P15,000 ang mga nagkamit ng unang gantimpala, P10,000 para sa ikalawang gantimpala, P5,000 para sa ikatlong gantimpala at P3,000 para sa mga honorable mention.

Ipinagkaloob naman ang Parangal Hagbong, posthumous, kay Padre Gilbert Luis Centina III, ang pinakaunang seminarista na naging patnugot ng panitikan ng Varsitarian noong 1969 at isa sa mga nangungunang boses ng Kristiyanismo sa kontemporaryong panitikan ayon sa mga kritiko.

Ilan sa mga nasungkit ni Centina sa kaniyang limang-dekadang karera ang Rector’s Literary Prize mula sa Unibersidad, ang ikalawang gantimpala para sa English Poetry mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards – ang pinakamataas na parangal sa mundo ng panitikang Filipino – noong 1974 para sa akdang “Glass of Liquid Truths,” at ang Catholic Authors Award mula sa Asian Catholic Publishers na pinamunuan ni noo’y Arsobispo ng Maynila Jaime Kardinal Sin.

Isang Agustinong prayle, pumanaw si Padre Centina sa edad na 73 dahil sa Covid-19 noong ika-1 ng Mayo 2020 sa Leon, Espanya.

Dalawampu’t isang manunulat, akademiko at kritiko ang bumuo sa mga lupon ng inampalan na namili sa mga nagwaging lathalain mula sa pitong kategorya.

Kinilatis ang mga kalahok sa kategoryang Poetry nina Jose Wendell Capili, pangalawang pangulo para sa ugnayang pampubliko ng Unibersidad ng Pilipinas (UP); Nerisa Guevara, resident fellow ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies (CCWLS); at Ramil Digal Gulle, dalawang beses na nagwagi ng Palanca.

Ang mga naghusga naman sa kategoryang Tula ay sina Romulo Baquiran Jr., guro ng malikhaing pagsulat sa UP; Michael Coroza, kawaksing propesor ng panitikang Filipino, malikhaing pagsulat at pagsasalin ng mga akda sa Pamantasan ng Ateneo de Manila; at Vim Nadera, ang nagtatag ng Gawad Ustetika noong 1985.

Sina Prop. Augusto Aguila at Jenny Ortuoste, co-director at resident fellow ng CCWLS, ayon sa pagkakabanggit, at Charlson Ong, kawaksi ng UP Institute of Creative Writing, ang nagsilbing mga hurado para sa kategoryang Fiction.

Sinuri nina Eros Atalia, kawaksing propesor at lecturer sa Pamantasan ng De La Salle; Prop. Joselito delos Reyes, koordineytor ng programang Malikhaing Pagsulat sa Fakultad ng Sining at Panitik; at Chuckberry Pascual, isang resident fellow ng CCWLS, ang mga isinumite sa kategoryang Katha.

Parte naman sina Oscar Campomanes, propesor ng American Studies sa Ateneo; Nestor Cuartero, kolumnista ng Manila Bulletin; at John Jack Wigley, tagapangulo ng Departmento ng Literatura sa UST, ng lupon ng inampalan para sa kategoryang Essay.

Pinili naman ang mga nagwagi sa kategoryang Sanaysay nina Paul Castillo, resident fellow ng CCWLS; Gary Devilles, kawaksing propesor ng Sensory Studies, Urban Studies at Film and Media Studies sa Ateneo; at Beverly “Bebang” Siy, kilalang tagapagsalin at copyright advocate.

At ineksamen nina Ralph Galan, katuwang na direktor ng CCWLS; Glenn Sevilla Mas, katuwang na propesor ng Fine Arts sa Ateneo; at Jose Victor Torres, historyador at kawaksing propesor ng Departamento ng Kasaysayan sa La Salle, ang mga isinumite sa kategoryang Dulang may Isang Yugto o One-Act Play.

Ito ang ikatlong birtwal na edisyon ng Gawad Ustetika kung saan inanunsiyo ang mga nagwagi sa programang ipinalabas sa Facebook page ng Varsitarian noong ika-20 ng Mayo. M.A. Agustin

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.