BILANG pagpapatunay sa pangarap ng Unibersidad na magkaroon ng malinis at maayos na kapaligiran, pinasinayanan ng UST ang Sewage Treatment Plant nito noong Agosto 15 na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa pamahalaan ng Maynila, Metro Manila Development Authority (MMDA), at Laguna Lake Development Authority (LLDA). Ginagamit na simula pa noong Hunyo ang UST Sewage Treatment Plant.

Ginawa ang Sewege Treatment Plant upang magamit muli ang maruming tubig mula sa UST Hospital at sa iba’t ibang gusali ng Unibersidad para sa paglilinis at pagdidilig ng mga halaman.

Pinamunuan ni UST Rektor, P. Tamerlane Lana, O.P. ang misa at gayun din ang ceremonial ribbon cutting.

Samantala, nagbitiw naman ng pagpuri sa Unibersidad si MMDA chairman Bayani Fernando. Pinuri niya ang UST sa pagpapatayo ng ganitong pasilidad na magpapaunlad sa lokal na pamahalaan ng Maynila dahil makakatulong ito sa kalinisan sa loob ng Unibersidad at sa pagiging isang mahusay na halimbawa sa iba pang institusyon.

Pinuri rin ni Mayor Lito Atienza ng Maynila ang UST. Ayon sa kanya, makakatulong ang pasilidad sa proyektong tinaguriang “Buhayin ang Maynila” na naglalayong maibalik sa kaayusan at kalinisan ang lungsod.

Ayon naman kay Calixto Cataquiz, general manager ng LLDA na bahagi ng Department of Environment and Natural Resources, ang pagkakaroon ng Unibersidad ng ganitong proyekto ay nangangahulugan lamang na tumutugon ang UST sa pagpoprotekta sa kapaligiran.

Dinaluhan din ng mga dekano, mga namumuno sa bawat departamento, at mga pinuno ng mga organisasyong pang-estudyante ang okasyon.

Pinaliwanag naman ni P. Lana ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ganitong pasilidad.

READ
Journ Soc: SOCC 'trashed' exhibit

“Of course we are confided with this polluted water because the University has a big population and there is a big consumption of so much water and therefore we expect so much polluted water. This facility is needed in order to respond to the need for recycling the water in the University,” wika ni P. Lana. Ma. Cristina S. Lavapie

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.