NAGKAENGKUWENTRO ang dalawa sa malalaking fraternities ng Faculty of Civil Law noong Agosto 6 sa loob ng Main Building bandang ika-3 ng hapon.

Ayon sa affidavit na isinumite sa UST Security Affairs ni Eugene Riego, miyembro ng Suprema Lex, kasama raw niya ang isa sa mga “brod” niya sa fraternity, nang bigla na lamang siyang sinuntok ni Diosanos Castillo Jr., miyembro ng Gamma Delta Epsilon, sa kaliwang mata.

Salungat naman ito sa affidavit ni Castillo. Ayon sa kanya, nakaupo siya malapit sa isang vending machine nang bigla na lamang siyang nilapitan ng mahigi’t-kumulang na 20 miyembro ng Gamma.

Isang nangangalang “Dagudag” ang diumano’y nagtanong sa kanya kung nasaan na ang iba pa niyang “brod.”

Sumagot si Castillo na hindi niya alam.

Nang paalis na si Castillo, hinarang diumano siya ng isang Dalevert Go, kasama ang iba pang miyembro ng Gamma at bigla na lamang daw siyang pinagsusuntok.

Ayun naman sa di nagpakilalang nakasaksi, bandang 3:45 ng hapon, 8 hanggng 10 kalalakihan ang lumapit sa isang lalaking nakaupo malapit sa isang vending machine at bigla na lamang daw itong pinagtulungan.

Bago pa man ang insidente, nagkainitan na diumano ang dalawang fraternity noong gabi ng Agosto 5.

Ayon kay Keneth Yambao, lider ng Suprema, nagpatawag siya ng pagpupulong bandang ika-9 ng gabi sa isang kubo sa Colayco Park, na siyang madalas na tagpuan ng grupo.

Kasalukuyan silang nagpupulong nang 10 hanggang 13 miyembro ng Gamma ang dumating at nang-asar sila diumano.

Pinakiusapan ni Yambao ang mga ito na umalis dahil nagpupulong ang kanyang grupo.

READ
Kairalang moral

Ngunit hindi raw umalis ang mga ito kaya minabuti na lamang ng kanyang grupo na lumipat ng lugar.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng UST Security Affairs (UST-SA) ang insidente, ayon kay UST-SA detachment commander Romeo Naldo.

Dagdag pa niya, matagal na umanong may hidwaan ang dalawang fraternity at maaring nagkaasaran lamang ang mga ito kaya nagkaroon ng kaguluhan. Ma. Cristina S. Lavapie

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.