2 Agosto 2014, 8:28 a.m. – NAGTALA ang Unibersidad ng mababang passing rate sa nakaraang off-season licensure examinations noong Hulyo para sa mga Certified Public Accountant, kung saan 65 Tomasino lamang ang nakapasa mula sa163 kumuha ng pagsusulit.

Ayon sa datos mula sa Professional Regulation Commission (PRC), nakakuha ang UST ng 39.88-percent passing rate ngayong taon, higit na mas mababa kumpara sa 50 percent o 52 na pumasa mula sa 104 na kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon.

Wala ring Tomasinong nakapasok sa listahan ng sampung nanguna sa pagsusulit.

Samantala, tanging ang De La Salle University lamang ang itinanghal na top-performing school matapos makakuha ng 90.67-percent passing rate o katumbas ng 68 pasadong estudyante mula sa 78 kumuha ng pagsusulit. Kailangan ng 80 percent o mas mataas na passing rate at 50 o mahigit na estudyanteng kumuha ng pagsusulit upang ma-ideklarang top performing school ng PRC.

Bumaba rin ang national passing rate sa 19.98 percent o 1,107 na pumasa mula sa 5,540 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 27.41 percent noong nakaraang taon.

READ
UST admin cuts tuition hike

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.