11 Agosto, 2015, 9:40 p.m.  ITINANGHAL ang UST bilang kaisa-isang top-performing
school
 sa katatapos lamang na occupational therapy (OT) licensure
examinations
, habang pangatlo naman sa physical therapy (PT).

Nagtala ang Unibersidad ng 80.33 bahagdan na passing rate sa OT board
exams
 kung saan 49 na Tomasino ang pumasa mula sa 61 na kumuha ng
pagsusulit. Ito ay mas mataas sa 65.52 porsyento na natamo ng UST noong
nakaraang taon.

Dalawang Tomasino ang napabilang sa limang nakakuha ng pinakamatataas na marka para sa OT board
exams. Naghati sa ikalimang pwesto sina Mark Timothy Arroz at Edmund John
Cayanong na parehong nakakuha ng gradong 80, kasama si Alexis Katrina Miole ng
Velez College.

Samantala, nagtala naman ang UST ng passing rate na 88.76
bahagdan sa PT licensure
examinations kung saan 79
na Tomasino ang nakapasa mula sa 89 na kumuha ng pagsusulit. Bahagya itong mas
mababa kumpara sa 91.74 porsyento noong nakaraang taon, kung saan 100 ang
pumasa mula sa 109 na kumuha ng pagsusulit.

Pumangalawa ang Tomasinong si Ma. Jessica Sarah Isaac (markang
85.75) sa listahan ng 10 na nakakuha ng pinakamatataas na marka para sa PT
licensure exams, kasama sina Jigo Domiel Salvador ng Our Lady of Fatima
University-Valenzuela at John Amber Abellanida ng Velez College.

Nanguna ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na may passing rate
na 94.23 porsyento, kasunod ang Velez College na nagtamo ng 92.19 bahagdan na
passing rate.

Ayon sa pamantayan ng PRC, kailangan ng 80 porsyento na passing
rate pataas at 50 o mahigit na estudyanteng kumuha ng pagsusulit upang
ideklarang top-performing school para sa PT, at 80 porsyentong passing
rate pataas at 15 o mahigit na estudyanteng kumuha ng pagsusulit naman para sa
OT.

Tumaas ang pambansang
passing rate ng OT board exams sa 62.94 bahagdan o 107 na pumasa
mula sa 170 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 57.06 porsyento noong
nakaraang taon. Ganoon din sa PT, kung saan 63.36 bahagdan o 550 ang
pumasa mula sa 868 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 58.47 bahagdan noong
nakaraang taon. Dayanara T. Cudal 

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.