PANGUNGUNAHAN ng isang journalism senior, journalism junior at isang Graduate School freshman ang Varsitarian, ang opisyal na pahayagang mag-aaral ng UST, sa ika-88 nitong taon.

Itinalagang punong patnugot si Kathryn Jedi Baylon, dating manunulat ng balita, habang ang dating manunulat ng seksiyong Filipino na si Bernadette Pamintuan ang bagong tagapamahalang patnugot. Kabilang rin sa Editorial Board si Daryl Angelo Baybado bilang katuwang na patnugot.

Samantala, ang journalism junior na si Alhex Adrea Peralta ang itinalaga bilang patnugot ng balita. Pangungunahan naman ni Delfin Ray Dioquino, isang journalism senior, ang Palakasan.

Hinirang ang political science junior na si Lea Mat Vicencio bilang patnugot ng Natatanging Ulat habang ang journalism juniors na sina Maria Corazon Inay at Amierielle Anne Bulan ang bagong mga patnugot ng Tampok at Mulinyo, ayon sa pagkakabanggit.

Pinangalanan ang journalism seniors na sina John Gabriel Agcaoili, Paul Xavier Jaehwa Bernardo at Kirsten Jamilla bilang mga bagong patnugot ng seksiyong Pintig (relihiyon), Online at Dibuho.

Tumatayong hepe ng Potograpiya ang Fine Arts senior na si Alvin Joseph Kasiban.

Ang mga bagong manunulat ng Balita ay mga mag-aaral ng journalism na sina Hannah Rhocellhynnia Cruz, Mia Arra Camacho, Christian Deiparine, Theodore Jason Patrick Ortiz at Maria Crisanta Paloma, at ang Graduate School freshman na si Roy Abrahmn Narra.

Kabilang naman sa Palakasan ang mga mag-aaral ng journalism na sina Jan Carlo Anolin, Philip Martin Matel, Randell Angelo Ritumalta, Ivan Ruiz Suing at Ralph Edwin Villanueva. Kasama nila ang Graduate School freshman na si Carlo Casingcasing.

Para sa Natatanging Ulat, kasapi ang mga estudyante ng journalism na sina Ma. Angela Christa Coloma, Ma. Consuelo Marquez at Neil Jayson Servallos, kabilang si John Paul Corpuz, estudyante ng Civil Engineering.

Kasama naman sa Tampok ang mga mag-aaral ng communication arts na sina Ma. Czarina Fernandez at Alyssa Carmina Gonzales. Kasama nila ang Fine Arts sophomore na si Daniella Cobarde.

Para sa Panitikan, kabilang ang medicine sophomore na si Paula Danika Binsol at mga mag-aaral ng literatura na sina Nikko Miguel Garcia at Cedric Allen Sta. Cruz.

Ang Filipino naman ay binubuo ng journalism juniors na sina Jolau Ocampo at Winona Sadia habang ang Pintig ay binubuo nina Fine Arts junior Joel Sebastian Cristobal at journalism juniors na sina Sigrid Garcia at Kathleen Therese Palapar.

Kabilang sa Agham at Teknolohiya ang accountancy sophomores na sina Karl Ben Arlegui at Dan Albert Besinal, kasama ang medical technology junior na si Edris Dominic Pua at ang food technology senior na si Julius Roman Tolop.

Para sa Mulinyo, kasapi ang journalism juniors na sina Audrie Julienne Bernas at Chelsey Mei Nadine Brazal, at ang marketing sophomore na si Klimier Nicole Adriano.

Ang Dibuho naman ay binubuo ng mga mag-aaral ng Fine Arts na sina Chinny Mae Basinang at Shaina Mae Santander, at mag-aaral ng Architecture na sina Seldon May Tagao at Iain Rafel Tyapon.

Kasapi naman sa Potograpiya ang mga mag-aaral ng Fine Arts na sina Maria Charisse Ann Refuerzo, Basilio Sepe at Jamillah Sta. Rosa, kasama ang sociology sophomore na si Deejae Dumlao at medical technology junior na si Miah Terrenz Provido.

Nananatiling tagapayo ng pahayagan ang patnugot sa Arts and Books ng Philippine Daily Inquirer Arts na si Joselito Zulueta, kasama pa rin ang propesor sa journalism at mamamahayag na si Felipe Salvosa II bilang katuwang na tagapayo.

Upang mapabilang sa pahayagan, nagdaan ang mga bagong manunulat sa matinding proseso ng pagpili na binubuo ng dalawang pagsusulit, isang panayam sa komite ng pagpili at iba’t ibang aktibidad.

Ang komite ay pinangunahan ni Christian Esguerra, mamamahayag ng ABS-CBN at dating punong patnugot ng Varsitarian. Kasama ni Esguerra sina Eldric Paul Peredo, abogado at propesor sa Commerce na dating punong patnugot ng Varsitarian, at Palanca awardee at dating katuwang na patnugot ng pahayagan na si Carlomar Daoana.

Kasama rin sa komite ang dekano ng Graduate School na si Marilu Madrunio at direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies na si Cristina Pantoja-Hidalgo.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.