Tag: Maria Koreena M. Eslava
‘Selfie’ hinirang bilang salita ng taon sa Sawikaan 2014
Hinirang na salita ng taon ang “selfie” sa Sawikaan 14, ang kumperensiya ng Filipinas Institute of Translation (FIT) bilang isang masinsinang talakyan na naglalayong maitanghal ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan sa nakalipas na taon. Idinaos ang kumperensiya noong ika-25 hanggang ika-27 ng Setyembre sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, University of the Philippines - Diliman.
Ang salita ay lahok nina Jose Javier Reyes, propesor sa De La Salle University, at Noel Ferrer, propesor sa Ateneo De Manila University, sa kanilang papel na pinamagatang “Selfie-selfie ‘Pag May Time: Ang Kultura ng Selfie, ang Selfie sa Kulturang Filipino.”
Maingat na paggamit ng wika, tinalakay sa Kapihang Wika
MALAKI ang maiaambag ng isang responsable at matalinong midya sa pagpapadulas ng wikang Filipino mula sa oral language tungo sa isang linang at alinsunod sa pamantayan na written language.
Ito ang binigyang-diin ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), sa idinaos na Kapihang Wika sa Filipino noong ika-30 ng Setyembre sa Bulwagang Romualdez, Gusaling Watson, Lungsod ng Maynila.
Mga samahang relihiyoso sa USTe
Noong 1928, inilunsad ang Order of Marian Crusaders (OMC).
Layunin ng OMC na maging tulay sa pagkakaroon ng mas malapit na ugnayan sa Panginoon ang bawat mag-aaral sa pamamagitan ng mga kumbokasyon at mga malalayang talakayan tungkol sa Bibliya gayundin ang pagsasagawa ng buwanang espirituwal na rekoleksyon sa kapilya ng Unibersidad.
Sa kabila ng adhikaing ito, hindi bukas sa lahat ang samahan. Bago maging isang opisyal na kasapi ng OMC, kinakailangang pagdaanan ng sinumang interesado ang apat na antas ng initiations depende sa kani-kaniyang kaalaman at pananampalataya.
Historian and ex-UST archivist receives Gintong Aklat award
Oct. 7, 2014, 8:52 p.m. - HISTORIAN and former UST archivist Fr. Fidel Villarroel, O.P. received the Gintong Aklat Award for his two-volume history of the University this morning at the Priory of St. Thomas Aquinas.
UST Publishing House Director John Jack Wigley, who accepted the award on behalf of Villarroel during the 2014 Gintong Aklat Awards ceremony last Sept. 17 at the SMX Convention Center, personally gave the trophy to the Spanish Dominican.
Villarroel was awarded for his book titled "A History of the University of Santo Tomas: Four Centuries of Higher Education in the Philippines.”
Pagtaguyod sa rehiyonal na panitikan bilang pambansang panitikan
MAHALAGA ang gampanin ng mga rehiyonal na panitikan sa pagpapayabong ng pambansang panitikan.
Ito ang naging sentro ng talakayan sa idinaos na taunang pambansang kumperensiya ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) na pinamagatang “Rehiyonal na Panitikan bilang Pambansang Panitikan” noong ika-28, 29, at 30 ng Agosto sa Communication Auditorium ng College of Mass Communication, University of the Philippines (UP) – Diliman.
Pagsasalaysay ni Rosario Lucero, propesor ng Filipino sa UP, nagsimula ang muling pagkabuhay ng interes sa rehiyonal na panitikan sa pangangailangan ng mga mag-aaral ng panitikang Filipino na bumabalik pa sa kanikanilang mga probinsiya upang humagilap ng mga lumang teksto at akda.
Biyaheng Panulat: Kakaibang palihan sa malikhaing pagsulat
INILUNSAD ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang “Biyaheng Panulat: Caravan Para sa Panulat na Naghahanap sa Bayan,” na isang malawakang proyekto na nagsusulong sa muling pagpapayabong ng panitikan sa bansa noong ika-24 ng Hulyo 2014 sa Claro M. Recto Hall, PUP Sta. Mesa, Manila.
Sa pangunguna ng Center for Creative Writing (CCW) ng PUP, idinaos ang Biyaheng Panulat bilang isang Education Campaign Program tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa ng mga libro at pagsusulat ng katha na dinaluhan ng mga premyado at respetadong manunulat sa Pilipinas gaya nina Eros Atalia, Ricky Lee, Manix Abrera, Lualhati Bautista, Bob Ong, Jun Cruz Reyes, at Lourd de Veyra.
Pagpapalawig sa kaalaman sa wika
BAGAMAN wika ng pangkalahatan, nakapagtataka na hirap pasukin ng wikang Filipino ang dominyo ng kapangyarihan sa ating mismong bayan gayong nagsisilbi naman itong instrumento upang higit na makapag-isip, maihayag, at maintindihan ng bawat mamamayang Filipino ang kani-kanilang saloobin nang walang pag-aalangan sa gramatika at ortograpiya ng dayuhang wika.
Ito ang argumentong naging sentro ng talakayan ni Roberto T. Añonuevo, batikang manunulat, sa kaniyang akdang “Filipino Sa Dominyo ng Kapangyarihan” (UST Publishing House, 2010).
Isa itong kalipunan ng mga sanaysay at diskurso patungkol sa mga isyung kinahaharap hindi lang ng wikang Filipino kung hindi pati ng mga ahensiya, kagawaran, at mga awtoridad na sangkot dito.