Dibuho ni Carlo Patricio P. Franco

Ang hanap mo ay litrato:
ang pagsukat ng mga anggulo,
ang tamang timpla linaw at labo
ng elementong nakakulong
sa parisukat ng iyong camera–
nakasuspinde habangbuhay
sa pagtigil ng panahon
sa iisang sandaling
pinili mong kunin, paamuhin,
at idikit sa pader ng iyong kuwarto.

Ang hanap mo ay litrato,
hindi tao.

READ
Rice substitutes: Can Filipinos stomach the change?

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.