Sunday, April 14, 2024

Tag: Agosto 30, 2008

Pharmacy inks pact with Malaysian university

THE UST Faculty of Pharmacy has sealed its first tie-up with a foreign university, signing a deal with a Malaysian university last July 29 to promote regular exchanges of students and faculty members, research, and the development of academic materials and develop research collaborations.

Pharmacy Dean Priscilla Torres, Assistant Dean Ma. Elena Manansala, and Faculty Regent Fr. Ronald Cortel, O.P. signed the Memorandum of Understanding with the University Sains Malaysia’s (USM) School of Pharmaceutical Sciences represented by Dean Azhar Syed Sulaiman. Sixteen other university representatives from Indonesia, Pakistan, Mexico, and the United States also signed deals with USM last month.

Wika tungo sa kapayapaan

BUWAN ng Agosto, panahon ng ating pambansang wika, kultura, at nasyonalismo, at heto tayong mga Pilipino, nagkakawatak-watak.

Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga nagaganap na kaguluhan sa ating bansa, mula sa Mindanao kung saan patuloy na nakikipagbakbakan ang mga puwersa ng militar sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF), hanggang sa ating Kongreso kung saan patuloy na nagtatalo ang mga kongresista ng oposisyon at ng administrasyon para sa pagbabago ng ating Saligang Batas.

Sa ganitong magulo at masalimuot na estado ng ating lipunan, may lugar pa ba ang pagdiriwang ng isang bagay na kumakatawan sa ating pagkakaisa – ang ating wika?

Bigat ng pangarap

Dibuho ni S.I.R. MacaisaKAHIT MINSAN, hindi sumagi sa isip ko na tumigil sa pag-aaral.

Sa isang estudyanteng katulad ko na kailangang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral upang matustusan ang sarili, hindi ko maiwasan na mainggit sa aking mga mapapalad na kamag-aral na hindi na kinakailangan pang magbanat ng buto upang magkaroon ng sapat na pera.

Nakakalungkot ding isipin na may mga kabataan na kailangan pang maging iskolar para lang makapag-aral o magpuyat gabi-gabi sa call center para magkaroon ng karagdagang kita upang makatulong kahit papaano sa kanilang mga pamilya. Sa aking pananaw, ang mga bagay na dapat gawin ng labingwalong taong gulang na tulad ko ay ang mag-aral lamang. Kapag nakatapos na sila sa kolehiyo, saka lamang sila dapat magtrabaho.

Serbisyo (?) mula sa subsidyo

Grapiks ni S.I.R. MacaisaDALAWANG buwan na ang nakakaraan simula nang tanggapin ni Elna Alunan-Bueno, 52-taong gulang, ang 500 pisong subsidyo mula sa “Katas ng VAT,” isang proyekto ng gobyerno na naglalayong tulungan ang mahihirap gamit ang nakokolektang buwis mula sa serbisyo’t produkto gaya ng kuryente, langis, at iba pa. Aniya, inabot siya ng tatlong oras sa pagpila bago makuha ang subsidyong ipinangako ng gobyerno.

Habang tinitiis ang init ng araw sa labas ng Landbank, isang bangkong pagmamayari ng gobyerno, napagtanto niya na mahirap palang kumuha ng sarili niyang pera na nagmula sa buwis na kanyang binabayaran.

“Gusto ko na nga sanang umuwi,” sabi ni Elna. “Kaso kapag umuwi ako, sayang ang perang makukuha ko.”

Kita sa VAT, saan nararapat?

Dibuho ni S.I.R. MacaisaSA GITNA ng matinding krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ngayon ng bansa at maging ng buong mundo, sinisikap ng bawat pamahalaan na makalikom ng karagdagang kita upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Sa Pilipinas, isa sa mga hakbang na isinagawa ng gobyerno ay ang pagastos ng koleksyon mula saValue Added Tax (VAT) upang tulungan umano ang mga mahihirap.

Litrato

Dibuho ni Carlo Patricio P. Franco

Ang hanap mo ay litrato:
ang pagsukat ng mga anggulo,
ang tamang timpla linaw at labo
ng elementong nakakulong
sa parisukat ng iyong camera–
nakasuspinde habangbuhay
sa pagtigil ng panahon
sa iisang sandaling
pinili mong kunin, paamuhin,
at idikit sa pader ng iyong kuwarto.

Ang hanap mo ay litrato,
hindi tao.

Pagod na ako

Dibuho ni Matthew Niel J. HebronaILANG hakbang na lang at makakapasok na ako sa kuwarto mo. Ilang hakbang na lang at makikita na kitang muli matapos akong kumawala sa mundo mo. Ngunit bago ko pa man naihahakbang ang aking mga paa, hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Hindi kita dapat iniwan.

Kung ibang pasyente lang sana ang nasa loob ng kuwarto, hindi na ako mag-aalinlangan pang pumasok. Bilang nars, responsibilidad kong siguraduhing maayos ang kalagayan ng pasyente ko. Pero bakit hindi ko magawang pumasok sa kuwarto mo para kamustahin ka? Kung hindi pa ako tinawagan ni Ate para sabihin na nasa ospital ka, hindi ko pa malalaman ang kalagayan mo.

“Kamusta na siya, Ate?” Agad kong itinanong sa kanya, paglabas niya sa kuwartong kinalalagyan mo.

Himagsik ng Lantik at Physics

Dibuho ni Carlo Patricio P. Franco “Nong ideal d8 mgsuicide?”

“Mya n lng, bc pa me.”

“Mr. Villalobos, keep your cellphone away. Exam, tapos nagte-text ka.”

Joey ni Francis

Dibuho ni Michelle Angelique E. Canoy“Dear J…” Ikatlong papel ko na ito.

“Dear Joey…” Mali na naman. Mapupuno na ng basura ang kuwarto ko pero hindi ko pa rin matapos-tapos ang pagsusulat ng liham na ito. Paano ba naman? Ang hirap-hirap ligawan nitong taong pagbibigyan ko! Aakalain mong napapaso siya sa tuwing didikit ako sa kanya.

Minsan iniisip ko kung ano ba ang ginawa ko at nagkaganito ang pagtrato niya sa akin. Aba, e parang hindi na nage-exist sa mundo ang lola mo.

LATEST