PINARANGALAN ng National Commission on Culture and the Arts ang UST Singers, ang Tomasinong direktor na si Brillante Mendoza, at ang manunulat ng UST Publishing House na si Abdon Balde, Jr ng “Ani ng Dangal” bilang pagkilala sa kanilang pagkapanalo sa mga pangdaigdigang patimpalak.

Kinilala ang UST Singers matapos nilang iuwi ang mga unang gantimpala para sa mga kategoryang Required Pieces at Folk Competition sa 2009 California International Choral Festival Competition na ginanap mula Hunyo 26-28, 2009 sa San Luis Obispo, California.

Tinanggap naman ni Mendoza ang parangal para sa pagkakapanalo niya ng Best Director sa 62nd Cannes Film Festival para sa pelikulang Kinatay, habang si Balde naman ay kinilala dahil sa pagkapanalo niya sa South East Asian Writers Award sa Bangkok, Thailand noong Oktubre.

Si Mendoza ay nagtapos ng Advertising Arts sa College of Architecture and Fine Arts. Pitong katha naman ni Balde ang inilimbag ng publishing house. Tatlo dito— ang “Mayong,” “Hunyango sa Bato,” at “Calvary Road” ay nanalo sa National Book Awards noong taong 2003, 2004, at 2005. Mary Athena D. de Paz

READ
Pope Benedict proclaims new 'heroes of holiness'

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.