TANDA ng pagiging isang tunay na gurong Tomasino ay ang mga bertud gaya ng pagkilala at pasasalamat sa lahat ng kaniyang mga nakamit at karanasan sa nagdaaang mga taon.

Ito ang pinatunayan nina Armando de Jesus, dating dekano ng Faculty of Arts and Letters (AB); Narita Ellar, propesor ng Sikoholiya sa AB; at Crispulo Acuña, propesor ng Teolohiya sa AB, sa programang “Pagpupugay sa mga Maniningning na Bituin ng Fakultad ng Sining at Panitik,” isang pagpaparangal sa mga nalalapit na magretirong guro ng AB noong ikapito ng Pebrero sa Faculty of Arts and Letters Lecture Hall.

Sinabi ni De Jesus na ang kaniyang paglagi sa AB ay hindi isang aksidente, bagkus, ito ay mula sa isang misteryosong gawain ng taong tunay na nagmamahal sa kaniya at nakaaalam kung ano’ng makabubuti para sa kaniya—ang Panginoon.

Para kay De Jesus, ang temang bituin ng parangal ay hindi tungkol sa kanila, kundi sa mga taong naging daan upang makamit niya ang kaniyang kasalukuyang tinatamasa.

“Stars do not shine on their own; they merely reflect the light of the sun. Somewhere along the way, we meet a little light, it is not because of us, it is because we meet people and students that form us,” ani De Jesus.

Sa kaniyang pagtatapos, ibinahagi ni De Jesus na ang pagreretiro ay hindi nangangahulugang pagtigil ng pagkamalikhain ng isang tao.

“Retirement, as in ‘to put out of use’ (dictionary meaning). The other conception of retirement is the one we find in the book of Genesis: God rested, He retired. God’s creativity did not stop in his rest, God’s rest was one might call a creative retirement—the point I want to make is that creativity and retirement is not necessarily incompatible,” aniya.

READ
CINEMALAYA 7: See the unseen

Ibinahagi naman ni John Manuel Kliathcko, isang propesor sa AB, ang paghanga kay Ellar, ang ikalawang tumanggap ng parangal. Ginunita niya ang noo’y tawag sa kanila noong sila’y mga mag-aaral pa lamang—ang “Ellar babies.”

“Tinawag namin ang aming mga sarili noon na ‘Ellar babies’ dahil siya ang aming guro sa apat na asignatura pati sa thesis. Para sa amin sa 'Bes' (Behavioral Science), hindi lamang siya guro, kundi isang ina rin. Kami ay mayroong ina na tunay na kumalinga sa aming mga problema. Siya ay parehong ‘mentor’ at ‘tormentor,’ ngunit alam niya kung paano ito balansehin,” kuwento ni Kliathcko.

Pinasalamatan niya si Ellar sa lahat ng kaniyang naitulong sa mga bagong henerasyon ng mga propesyonal at sa nalalapit na pagretiro ni Ellar, bagaman may kahalong lungkot, naniniwala si Kliathcko na magpapatuloy pa rin ang impluwensiya ni Ellar sa nakararami.

“No matter where life leads you Ma’am, whether within or beyond UST, your star will surely never lose its luster. You will continue to shine In the persons of the thousands of Thomasian students whose lives you have molded with your caring hands and your abounding love,” ani Kliathcko.

Malugod namang tinanggap ni Ellar ang parangal at sinabing hindi lubos niyang akalain na siya’y magiging isang guro.

“Ni sa guni-guni, hindi ko nakita ang sarili ko bilang guro. Ngunit matapos basahin ang The Purpose Driven Life, naisip ko na hindi lamang ito pagkakataon, ngunit ito’y ginusto ng Panginoon,” ani Ellar, na noo’y nagtuturo sa College of Science.

Aniya, ang tunay na dahilan ng pamamalagi niya sa AB ay ang mga kasamahang patuloy na sumusuporta sa kaniya.

READ
Edit(ed)

“Nanatili ako dahil sa mga tao sa paligid ko. Masayang-masaya ako sa AB. Naging matulungin ang mga senior faculty members,” ani Ellar.

Binanggit din ni Ellar ang kaniyang pagkakasakit noong mga nakaraang taon na akala niya’y hindi niya malalagpasan, ngunit hindi siya pinabayaan ng mga Artlets.

“Alam kong ito na ang huli ngunit alam kong ito’y kagustuhan ng Diyos. Kung ano man ang kaniyang rason, naging matulungin sa akin ang buong faculty—financially, spiritually, morally—at alam kong ang kanilang mga panalangin ang nagligtas sa akin,” aniya.

Ang huling pinarangalan ay si Acuña, na ipinakilala naman ni Agui Jalin, isa ring propesor ng Teolohiya sa AB.

“Maraming atleta natin ang kaniyang natulungan lalo na ang mga hirap sa buhay. Ibinibigay ni Sir Cris sa missionaries ang kaniyang rice subsidy. Tuwing bakasyon ay nanghihingi ng mga test papers si Sir Cris upang ipunin at ipamigay sa mga mag-aaral na inampon at pinag-aaral ng mga madre ng missionaries—ang mga gamit na papel ang ginagamit ng mga mag-aaral sa missionaries bilang scratch paper,” patunay ni Jalin.

Labis ang tuwa ni Acuña—na mula 1967 ay nagsimula nang magturo sa iba’t ibang paaralan hanggang sa tuluyang maging full-time na propesor sa Unibersidad—sa pagkilala at sa parangal na natanggap,.

“Dito (Faculty of Arts and Letters) ko nakita ang mga tao from different walks of life at natutuhan ang iba't ibang mga ugali. Natutunan kong maging matapang, maging malikhain, at makasalamuha ang mga matatalinong tao. Natutunan ko rin dito ang kapatiran—madalas kaming kumain at manood ng sine,” aniya.

Pinasalamatan ni Acuña ang mga kapwa propesor, na siyang naggawad sa kaniya ng kaniyang kauna-unahang parangal.

READ
Architecture alumni win in house design tilt

“Maraming salamat sa suporta—morally, spiritually, and financially—at sa lahat ng tulong. Sa mga organizers, kasi I have never been honored before,” ani Acuna.

Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ang Faculty Association secretary na si Roy Randy Briones ng kaniyang huling pagbati sa mga tumanggap ng parangal.

“Now, for us who are looking with admiration at their exploits, your zeal, and your love for UST, we will surely emulate the very characteristics that we have exhibited through the years because you have definitely shown just how it's like to be a Thomasian educator,” ani Briones.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.