INAANTABAYANAN ng lahat

ang iyong pagdaan,

sabik na makita ang napiling paraluman

na siyang hinirang na tukod ng bayan

Makukulay, matitingkad,

nagniningning na pananamit

Mga samu’t saring pailaw

Nagpapasigla sa tarundon

Magagarbo’t magaganyak ng mga arko

mga palamuting iba’t ibang hugis at anyo

nagpapasigla ng bawat sandali

Bagaman ang tibok ng puso’y mabilis,

Mga paa’t kamay namamawis,

Nanalalambot,

Nanghinina,

Nanginginig

Taas-noo pa rin ang paglalakad

suot ang makinang na damit—

hinahangaan, pinaninibughuan.

Sa kabila ng yumi at kariktan

walang nakababatid

sa mapait na lihim

ng iyong nakaraan.

Kimberly Joy V. Naparan

READ
Congress eyes stricter law protecting student journos

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.