BINALIKAN ng ilang Tomasino ang mga alaala ng kanilang buhay-kolehiyo sa pakikipanayam ng Varsitarian sa loob ng Unibersidad. Sa kanilang nalalapit na paglisan, ibinahagi nila ang ilan sa mga aral at pangyayari na tiyak na tangan nila sa paglabas sa makasaysayang arko.

 

Sa una mong pagtuntong sa Unibersidad, naaalala mo ba kung ano ang ipinangako mo sa iyong sarili?

May (College of Fine Arts and Design): Hindi ako papayag na hindi ako makapagtatapos kahit wala akong mga magulang. Pumasok ako ng college na ako lang ‘yong naghanap ng sarili kong school at ako lang ‘yong nagbabayad ng entrance exams ko.

Ysa (Faculty of Arts and Letters): Before I entered college, I promised myself that I would focus on my studies as I aim to have a higher degree in the future. I never planned these before I entered college, but I realized that the ABSC was where I was meant to grow.

Krisandra (College of Architecture): Naranasan kong bumagsak, maghabol, makiusap, umasa, pumasa, sumuko at magtagumpay. Ang tanging dala [ko] lang ay ang kagustuhang mag-drawing.

Rikki (College of Commerce): Ako ’yong masaya, mapangarap, at may tiwala sa sarili noong nakaraang apat na taon. [Ninais kong] magawang mapagsabay na hubugin ang pagiging anak, kapatid, kasintahan, estudyante, [at] lider.”

 

Kung mayroon kang pinagsisisihan sa iyong buhay-kolehiyo, ano ito at bakit?

May: Nagkaroon ang aking dating kasintahan ng ibang babae na nasa kapareho kong kolehiyo. Pagkatapos noon, nagkaroon ako ng trust issues sa mga tao

Krisanda: Wala pa naman akong alam noon pagdating sa arkitektura. Mayroong fear na baka i-judge ako ng mga kaklase ko. Sana mas nag-aral pa ako [nang mabuti dahil] ‘yong performance mo kasi sa college, dadalhin mo na buong buhay mo sa paghahanap ng work.

Rikki: Dapat mas pinagbutihin pa ang pag-aaral upang maibalik sa mga magulang ang kanilang pagod at sakripisyo.

Ysa: Wala naman akong pinagsisisihan. I think that everything that happened was made to happen at the right time and place.

 

Kung mabibigyan ka ng pagkakataong payuhan ang iyong sarili sa unang taon mo sa kolehiyo, ano ang sasabihin mo sa kaniya?

Ysa: Always be strong and hold on to those that matter.

Krisandra: Tiwala lang. Sa lahat ng pagdadaanan mo sa college life at sa buong buhay man, lahat ng ‘yan [ay] may dahilan. ‘Wag kang mawawalan ng pag-asa. Iiyak mo ‘yan if needed pero ‘wag kang titigil bumangon ulit dahil ga-graduate ka kahit anong mangyari.

Rikki: Ang mensahe ko lang siguro sa aking freshman self ay tamang ituloy ang mga bagay basta magtiwala ka sa sarili at kakayahan mo. Gaya rin ng palagi kong sinasabi, tamang takot lang para may pagkakataon pa rin tayong matuto at sumunod sa ilang mga bagay. Maging mas masipag at disiplinahin ang sarili lalo na sa paglalaan ng oras sa iba’t ibang mga kailangan lalo na rin sa oras ng paggising.

May: Mas malawak [na ang] mundo mo sa college kaysa high school, so maraming darating na challenges diyan. Marami ring darating na kalokohan. Kahit anong dumating na challenges, trials sa college life mo, tuloy pa rin ‘yan. Gawin mo lahat para makatapos ka.

 

Sa iyong palagay, naging “sulit” ba ang pamamalagi mo sa Unibersidad?

May: Oo naman. Nakilala ko ‘yong friends ko sa CFAD. Sobrang nakaka-proud maging Thomasian.

Ysa: Yes, I learned so much that I can’t put my feelings in writing. Philosophy taught me what it means to live. ABSC taught me to be strong. It is also during my college years that I fell in love.

Krisandra: Hindi nga eh kasi ang layo kasi ng building din namin sa kabihasnan. Napupunta at nae-experience lang namin yung ibang buildings at ‘yong mga library ‘pag ni-require kami. Ang layo-layo kasi sa amin eh. Pati Main Building, pupunta lang doon ‘pag magbabayad tuition. Iyon, hindi ko nasulit masyado ang UST.

Rikki: Bilang isang mag-aaral, masasabi kong sapat at napakasulit na ang aking pamamalagi sa Unibersidad. Wala nga naman talagang kapantay ang “Thomasian experience” mula sa Thomasian Welcome Walk, sa Baccalaureate Mass, hanggang sa aming pagtatapos. Napakaraming aral, lungkot at saya ang naihandog sa amin ng kolehiyong ito, mapupuno na siguro nito ang isang buong dyaryo kung iisa-isahin ko.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.