Literature senior Arielle Abrigo receives the coveted Rector's Literary Award at the 33rd Gawad Ustetika. Photo by Maria Charisse Ann G. Refuerzo

PATULOY ang pagpapayabong ng panitikang Tomasinong may kaugnayan sa mga usaping panlipunan sa katatapos na ika-33 Gawad Ustetika.

Ayon kay Eros Atalia, isang kuwentista at nobelista, hindi natigil ang paglikha ng mga akdang nagpapayaman sa diskusyong panlipunan.

“Hindi puwedeng ihiwalay ang personal sa lipunan at ang lipunan sa sarili,” sabi ni Atalia sa isang panayam.

Para naman kay Paolo Enrico Melendez, patnugot sa Rogue Magazine, hinikayat niya ang mga manunulat na ipagpatuloy ang paglahok sa mga gawaing pangkultural.

“In [the Fiction] category, there were more introspective, almost centripetal, entries. Kaya standout iyong isang nanalo dahil may ikinikilos ang akda sa konteksto ng lipunan,” paliwanag ni Melendez.

Sinang-ayunan ito ni Winona Sadia, tagapangulo ng Ustetika, na nagbigay-diin sa kakayahan ng mga manunulat na lumikha ng mga akdang hindi lamang nakapupukaw ng damdamin.

“Lalong nangangailangan ang Filipinas ng mga matatalinong mambabasa sa panahong laganap ang mga kasinungalingang naglalayong panatilihin sa kapangyarihan ang mga mukha sa likod ng mga ito,” wika ni Sadia sa Gabi ng Parangal ng Ustetika noong ika-10 ng Marso sa bulwagan ng gusaling Buenaventura Garcia Paredes, O.P.

Nakamit ni Arielle Abrigo, mag-aaral ng Fakultad ng Sining at Panitik, ang Rector’s Literary Award (RLA) sa kaniyang akdang “LAKÁSA” sa kategoryang Poetry, na tumatalakay sa kahulugan ng tahanan at bigat ng paglisan.

“For those who want to write maturely, you have to dedicate your time, shed effort, acquire skill. What comes into mind when you speak of value, is the work itself. I think that’s the most substantial part of your craft, the content of what you’re going to write in the future,” sabi ni Abrigo sa isang panayam sa Varsitarian.

READ
'Go back to the basics'

Binuo ang lupon ng inampalan ngayong taon nina Carlomar Daoana, Allan Justo Pastrana at Mookie Katigbak-Lacuesta (Poetry); Eric Melendez, Sarge Lacuesta at Augusto Antonio Aguila (Fiction); at Vim Nadera, Michael Coroza at Rebecca Añonuevo (Tula).

Kasama rin sina John Jack Wigley, Jose Wendell Capili at Shirley Lua (Essay); Chuckberry Pascual, Eros Atalia at Joselito de los Reyes (Katha); Gary Devilles, Oscar Campomanes at Beverly Siy (Sanaysay); at Jose Victor Torres, Jerry Gracio and Ralph Galan (One-Act Play/Dulang Isang Yugto).

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.