Mga manunulat, bigong makamit ang unang parangal sa kategoryang Sanaysay, Essay sa ika-33 Gawad Ustetika

0
3274
Literature senior Arielle Abrigo receives the coveted Rector's Literary Award at the 33rd Gawad Ustetika. Photo by Maria Charisse Ann G. Refuerzo

MULA sa pitong kategorya, tanging sa kategoryang Essay at Sanaysay walang nagkamit ng una at ikalawang parangal sa idinaos na ika-33 Gawad Ustetika, ang taunang palihan pampanitikan ng Unibersidad, noong ika-10 ng Marso sa bulwagan ng gusaling Buenaventura Garcia Paredes, O.P.

Ayon kay Oscar Campomanes, isa sa mga hurado para sa Sanaysay, muling lumitaw ang mga dating problema; hindi alam ng ibang manunulat ang pagkakaiba ng sanaysay sa maikling kuwento sa kanilang mga ipinasang akda.

“Pwede namang gamitin ang naratibo bilang pamamaraan ng paglalahad sa sanaysay, kaya lang sa mga nagpasa, nangingibabaw ang naratibo at nasasapawan ang anyo ng sanaysay,” diin ni Campomanes.

Dagdag pa niya, katulad ng mga nakaraang taon, mababaw ang mga paksang inilatag ng mga naipasang akda.

“Maraming mabibigat na usapin at bukas ang anyong sanaysay sa mga inobatibong lapit, ngunit mas pinipili ng mga lumalahok na talakayin ang mga pangkaraniwang tema na may kinalaman sa henerasyon nila. Bibihira ang nagtatangkang umigpaw sa ganitong sentimiyento,” wika pa niya.

Sinang-ayunan ito ni Gary Devilles, isa ring hurado. Ayon sa kaniya, kailangang mahigitan ang pagsusulat ng mga personal na isyu, bagkus, iugnay sa nakararami ang mga dinaranas ng may-akda o ng isang indibidwal.

“The essay is the most abused genre for egotism, as most essays we received are personal essays that fail to move beyond personal musings,” paliwanag ni Davilles. “Sanaysay primarily is about ‘saysay’ and ‘sanay’ an exercise on sense-making. Most of our essay writers have forgotten about this. They are deluded into thinking that what happened to them counts as essay.”

Iginiit ni John Wendell Capili, dalubguro sa Unibersidad ng Pilipinas at hurado sa kategoryang Essay, na halos magkakatulad ang temang tinatalakay ng mga akda tulad ng komentaryo sa mga suliraning politikal o panlipunan na kinahaharap ng bansa.

“Hinahanap naming [mga hurado] ang kakaibang anggulo sa mga naturang tema. Walang nakapapantay sa napakataas na antas ng mga sumali noon kung ikukumpara sa mga sumali ngayon,” sabi ni Capili.

Iginawad ang ikatlong gantimpala sa akdang pinamagatang “In Transit” ni Marianne Freya Nono habang nasungkit naman ng “Big and Small Dimensions” ni Leanne Claire Bellen ang karangalang banggit para sa kategoryang Essay.

Nakuha naman ni Christian Mendoza, sa kategoryang Sanaysay, ang ikatlong gantimpala para sa kaniyang akdang “Alas Nwebe Anwebe.”

Paggawad ng Rector’s Literary Award
Iginawad kay Arielle Abrigo, mula sa AB Literature, ang prestihiyosong “Rector’s Literary Award” (RLA) para sa kaniyang akda na “LAKÁSA” sa kategoryang Poetry.

Ibinibigay ang RLA sa akdang umangat sa pagpapamalas ng adhikaing Kristiyano, mula sa lahat ng mga akdang nagkamit ng unang gantimpala.

“Lakása is the Ilocano term for baúl, meaning wooden chest in English. It caters another definition: the literal sense of the word, the chest itself,” paglalahad ni Abrigo. “The primary intention was for the collection to imitate the gesture of a lakása, the opening to reveal things contained inside it. Objects and residues. The exposure of their fragmentary nature, and how the impermanence of such is desperately sustained by those who value it, myself included.”

Pumapatungkol din ang koleksiyong ito sa kahulugan ng tahanan, bigat ng paglisan at kahalagahan ng wika.

“It was definitely unanticipated, winning the Rector’s Literary Award. Referring to the letter written by the Rector, to be able to reach that standard—‘to stir people’s feelings and emotions, and elevate the spirit by bringing out moral values’—of what is expected of aspiring writers, like myself, is beyond me,” wika ni Abrigo.

Naging lahok din si Abrigo sa ika-13 Creative Writing Workshop sa parehong kategorya noong Oktubre at kasalukuyang tumatayong bise-presidente ng Public Relations sa Thomasian Writers Guild.

Hinangaan ni Allan Pastrana, isang makata at isa sa mga hurado sa kategoryang Poetry, ang akda ni Abrigo.

“Arielle’s collection is the most consistent. The wording in her work helps one understand a small part of the human condition, a brief section of human experience. And that specificity is as valuable as any universal one,” wika niya. “But a reader is surprised as well by the self-reflexive dimension of the poems. They are not only about events; they are also about language, the directness and simplicity of which, as used in her poems, convey sincere beauty and thoughtful intelligence.”

Tumanggap ang mga nagwagi sa timpalak ng sertipiko, tropeyo at cash prize na nagkahahalaga ng P10,000 para sa unang parangal, P7,000 sa nagkamit ng ikawalang puwesto, P5,000 naman sa ikatlong parangal at P3,000 sa karangalang banggit.

Kabilang sa mga kumilates sa mga inilahok ngayong taon sina: Carlomar Daoana, Allan Justo Pastrana at Mookie Katigbak-Lacuesta (Poetry); Eric Melendez, Sarge Lacuesta at Augusto Antonio Aguila (Fiction); Vim Nadera, Michael Coroza at Rebecca Añonuevo (Tula); John Jack Wigley, Jose Wendell Capili at Shirley Lua (Essay); Chuckberry Pascual, Eros Atalia at Joselito Delos Reyes (Katha); Gary Devilles, Oscar Campomanes at Beverly Siy (Sanaysay); at Jose Victor Torres, Jerry Gracio and Ralph Galan (One-Act Play/Dulang Isang Yugto).

Taong 1984, sa pangunguna ni Vim Nadera, nang unang pinag-alab ang panitikan sa pamamagitan ng pagkilala ng kahusayan ng mga Tomasinong mag-aaral sa malikhaing pagsusulat sa patimpalak na Gawad Ustetika.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.