MAHALAGANG papel ang ginampanan ng Departamento ng Filipino sa Unibersidad sa pagtataguyod ng wikang Filipino.

Itinatag ni Jose Villa Panganiban ang Kagawaran ng Tagalog noong 1938. Hanggang sa tinawag na itong Kagawaran ng Pilipino noong 1967.

Taong 1979 nang isinama ito sa Departamento ng Wika, kasama ang mga wikang Ingles at Español.

Ipinaghiwalay ang Departamento ng Ingles at Filipino kasabay ang ikaapat na sentenaryo ng Unibersidad sa inisyatibo nina Marilu Madrunio, dating tagapangulo ng Departamento ng Wika, at Clarito Carillo, dating bise rektor ng mga Gawaing Pang-akademiko.

Isang pambansang kumprensiya rin ang sinimulan ng Departamento ng Filipino sa pangunguna ni Imelda de Castro, dating tagapangulo ng Departamento ng Filipino.

Nagbigay-daan ito sa pagpapaigting ng kasanayan at kakayahan ng mga guro sa Filipino sa larang ng pananaliksik.

Nagsilbing tatak ng UST Departamento ng Filipino ang pambansang kumperensiya na naging pamagat din dyornal pampananaliksik sa Filipino.

Taong 2011 nang magbukas ang Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon medyor sa Filipino sa Kolehiyo ng Edukasyon. Itinalagang tagapangulo si Roberto Ampil sa kaparehong taon at nanilbihan siya hanggang 2016.

Sa unang bahagi ng termino ni Ampil pumutok ang isyu tungkol sa resolusyon ng Commission on Higher Education na Memorandum Order No. 20 o ang pag-aalis ng 15 yunit ng kursong Filipino at Panitikan sa core subjects sa kolehiyo.

Mariin itong tinutulan ng ng mga dalubguro sa Unibersidad. Dahil dito, itinatag ang Tanggol Wika o Alyansa ng Mga Tagapagtangol ng Wikang Filipino sa pangunguna ng mga guro sa Unibersidad katuwang ang mga tagapagtaguyod ng wika mula sa ibang pamantasan.

Nanguna rin ang Departamento ng Filipino sa Unibersidad sa larang ng pagsasalin.

Inilunsad ang natatanging Sentro sa Salin at Araling Salin sa UST noong Agosto 2018 at ngayong taon, ganap na itong operasyonal.

Sa kasalukuyan, naging tapat at masigasig ang Departamento ng Filipino para sa pagyabong ng wika at kulturang Filipino hindi lamang sa loob maging sa labas ng Unibersidad.

Tomasino Siya

Isa si Lydia Tansinsin sa nagpabago ng pagtingin sa inhinyeriya na tanging lalaki lamang ang maaaring tumahak nito.

Nagtapos si Tansinsin ng kursong chemical engineering sa Unibersidad noong 1954.

Naku ha naman niya ang kaniyang mas- terado mula sa Tokyo Institute of Technology at doktorado sa Bulacan State University.

Isa rin siya sa gumawa ng planning manual para sa National Science Development Board at National Economic and Development Authority.

Nakamit ni Tansinsin ang Outstanding Alumni for Science and Technology mula sa UST noong 1984 at ang Thomasian Engineer Hall of Fame noong 1987.

Kilala siya sa mga kontribusyon niya sa larangan ng inhinyeriya at bilang isa sa mga tanyag na babaeng inhinyero.

Nagsilbi siyang dating tagapangulo ng Board of Chemical Engineers ng Professional Regulation Commission (PRC) mula 1985 hanggang 1995 at naging presidete ng National Convention of the Philippine Institute of Chemical Engineers noong 1978 hanggang 1980.

Pinarangalanga siyang Chartered President of the Philippine Technological Council and chartered Chairperson of the ASEAN Federation of Engineering Organizations.

Taong 2018, isa si Tansinsin sa mga retiradong guro na kinikilala ng Unibersidad para sa pagtagumpay sa kani-kanilang mga larang sa pagkadalubhasa kasabay ng ika-80 anibersaryo ng UST Graduate School.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.