(Dibuho ni Jan Kristopher T. Esguerra/The Varsitarian)

SA PANAHON kung kailan naghari ang tiraniya at opresyon, ilang mga Tomasinong manunulat ang walang takot na nagpahayag ng katotohanan laban sa diktadura ng rehimeng Marcos.

Malaki ang ginampanan ng mga Tomasino gaya nina Nick Joaquin, Recah Trinidad, Eugenia Duran-Apostol, at Jose Diokno sa pagpapahayag sa mga katiwalian at sa pagbagsak ng diktadura.

Tinalakay sa librong “Press Freedom Under Siege: Reportage that Challenged the Marcos Dictatorship” na ang mga suliraning kinaharap ng ating bansa noong panahon ng Martial Law.

Ayon kay Ma. Ceres Doyo, patnugot ng libro, mahalagang mabasa ito ng kasalukuyang henerasyon nang matuklasan nila ang ipinaglaban ng mga mamamahayag gamit ang salita noong panahon ng diktadura.

This book is for the present and future generations, for them to appreciate the power of the written word and the importance of keeping watch in the night with their lamps trimmed while the battle rages between darkness and light,” wika ni Doyo sa pambungad na mensahe sa libro.

Binigyang-diin ng yumaong alagad ng sining na si Nick Joaquin sa kaniyang talumpating parte ng librong ito na “Writers in a Climate of Fear,” na nanaig pa rin ang takot sa mga manunulat noong panahon ng Martial Law.

But if it’s the press that creates the cultural climate today, and that climate is one of fear, then even the creative writer, however independent he may think himself to be, is actually also suffering from that make the newspaper writer so nervous,” wika niya.

Kinumpara naman ni Jose Diokno ang karahasang dinaranas ng mga mamamahayag noong panahon ng diktadurang Marcos sa mga dinanas ni Dr. Jose Rizal noong panahon ng mga Kastila sa “The Jose Rizal Lecture.”

We are not blind, mindless chess pieces moved about by higher powers, whether of history or of God. We are men and women and, in some measure masters of our fate and answerable, at least to our conscience, for what we make of it,” wika ng dating senador.

Tinalakay rin ng mga peryodista noong panahon ng Martial Law ang pagsasara ng mga media outlet, pag-aresto sa mga mamamahayag at kamatayan.
Inilabas ang librong ito noong ika- 23 ng Marso.

Tomasino Siya

Kabilang sa mga prominenteng pangalan sa larang ng peryodismo ang dating kolumnista ng Varsitarian na si Alice Villadolid.

Nagtapos siya bilang summa cum laude sa Fakultad ng Pilosopiya at Panitik, na kilala ngayon bilang Fakultad ng Sining at Panitik.

Naging guro rin si Villadolid sa fakultad na ito sa asignaturang Ethics at Advanced Composition. Kalaunan, nilisan niya ang akademya at tinahak ang larang ng peryodismo.

Nagsilbi siyang correspondent sa New York Times noong 1971 kung saan nakilala siya bilang isa sa mga peryodistang buong tapang na sumulat tungkol sa rehimeng Marcos, sa kabila ng panganib na dulot nito.

Pinarangalan si Villadolid bilang Outstanding Thomasian Alumni noong 2005 para sa kaniyang mga kontribusyon sa larang ng media-journalism.

Itinakda rin siya bilang press undersecretary at tagapagsalita ng dating presidente ng bansa na si Corry Aquino noong 1986.

Sa kasunod na taon, naging kasapi siya ng Philippine Press Institute kung saan nakiisa siya sa pagsulong ng “Filipino Journalist’s Code of Ethics.”

Hinirang din siya bilang ombudsman ng Philippine Daily Inquirer at commissioner for dissemination ng National Center for Culture and Arts.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.