ISINALIN ng UST Sentro sa Salin at Araling Salin ang ilang kautusan ng gobyerno, kabilang na ang “emergency powers” ng Pangulong Duterte kaugnay sa coronavirus disease (Covid-19), upang lubusang maintindihan ng mga mamamayan.

“Sa gitna ng hamon sa pagtugon sa Covid-19, pangunahing wika ngayon ang mga wika ng medisina at batas. Kailangang malinaw na nauunawaan ng karaniwang mamamayan ang mga impormasyong medikal at legal para maging epektibo ang pagbabayanihan natin,” wika ni Wennielyn Fajilan, tagapag-ugnay ng Sentro, sa Varsitarian.

Pakibasa at pakipasa.EMERGENCY POWERS OF THE PRESIDENT(STATE OF HEALTH EMERGENCY/COVID-19) -Salin sa Filipino nina…

Posted by Wennie Fajilan on Thursday, March 26, 2020

Dagdag pa ni Fajilan, masasabing katuwang ng mga frontliners sa pagharap sa malupit na krisis ang mga tagasalin dahil susi sa bawat pagtugon ang malinaw, tuwiran at makabuluhang wika gaya ng pambansang wika at wikang katutubo.

Ilan sa mga isinalin ng Sentro ay ang mga kasulatan na isinangguni ni Rachel Minion-Bañares, abogado at bokal sa Sangguniang Panlalawigan ng Romblon.

Kabilang din sa isinalin ang enhanced community quarantine guidelines ng lokal na pamahalaan ng Famy sa Laguna bilang pagtugon sa hiling ng konsehal na si Wilfredo Valois, propesor sa Departamento ng Literatura sa UST.

Naatasan din sila ng Komisyon sa Wikang Filipino na magsalin ng impormasyon tungkol sa coronavirus Covid-19 para sa Kagawaran ng Kalusugan.

Nagsalin naman si Fajilan ng mga impormasyon para sa Research Institute for Tropical Medicine, na tumatanggap ng mga pasyente at gumagawa ng mga tests.

Nakatakdang isalin ng Sentro ang gabay tungo sa wastong nutrisyon bilang panlaban sa Covid-19 na inihanda ng Department of Nutrition and Dietetics ng Unibersidad.

Maaaring mabasa at makita ang isinalin ng UST Sentro sa Salin at Araling Salin sa link na ito: https://www.facebook.com/UST-Sentro-sa-Salin-at-Araling-Salin-100925444596768

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.