ANG TUNGGALIAN ng kasarian ay isang isyu na kinakaharap ng mga kababaihan lalo na sa panitikan kung saan nangingibabaw ang mga kalalakihan, ayon sa isang Tomasinong makata.

Ayon kay Paul Castillo, dalubguro sa Department of Literature at programang Creative Writing sa ilalim ng Faculty of Arts and Letters, si Leona Florentino ang unang biktima ng diskriminasyon noong panahon ng Kastila.

“[D]ini-discourage na mag-aral ang mga kababaihan. Siya, at the age of 10 years old, sumusulat na siya ng tula,” wika niya sa isang panayam sa Varsitarian.

“[D]ahil ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga tula, hindi siya ina-appreciate nu’ng family niya or pinatalikod nu’ng asawa niya ‘yung mga anak niya sa kanya. That’s the tragedy of being a writer back then…kino-consider siya bilang unang Pilipinang makata na feminist.”

Isinaad din ni Castillo ang isyu ng makatang si Angela Manalang-Gloria laban kay Jose Garcia Villa.

“Nagkasabay sila sa Commonwealth Literary prize noong panahon ng mga Amerikano…Pero hindi siya nanalo. Napaka-obvious na mga lalaki ‘yung bumubuo sa panel of judges.”

“[Primarily, dominated ng mga lalaki ang panitikan, that means na ‘yung mga editor ng mga magazine, editor ng mga libro ay mga lalaki.”

Paliwanag ni Castillo, ang mga isyung ito ang nagpamulat sa publiko sa kakayahan ng mga kababaihan sa mga sumunod na henerasyon.

“Dahil nga itong mga mas naunang babaeng makata ay guro rin by profession…nakapaghikayat sila.”

“Si Ma’am Ophelia Alcantara Dimalanta, Edith Tiempo, Trinidad Tarrosa-Subido…they were also teachers and professors, and I think that the importance of their work is not only seen through their creatives but also sa kanilang mentorship,” dagdag niya.

Hindi kalaunan, unti-unting nakilala ang mga kababaihan sa kasalukuyang panahon kahit nangingibabaw pa rin ang kulturang “macho.”

“[N]gayon ang dami nang movements, information na nasasagap ng mga babae ngayon na ginagamit nila sa pang araw-araw na pakikipagsabayan sa society sa mga lalaki,” ani Castillo.

Idiniin pa ni Castillo, natamasa na ng mga kababaihan ang mga posisyon at gantimpala na dating hawak ng mga kalalakihan.

“[S]ila Crista Dela Cruz at saka si Louise Lopez…nandoon sila sa level na kaya nilang makipagtagisan not only with the men-writers ngayon.They can reach the level of writings that came before them.”

“[W]e have sa Anvil at that time si Karina Bolasco. […] Sa Ateneo, […] si Rica Bolipata …Itong isang publisher na ito, Visprint, we have Nida Ramirez.”

Ayon kay Castillo, sumasabay din ang Unibersidad sa pagkilala sa mga kababaihang manunulat.

“[G]aya nina Nerisa Guevara na nagtuturo sa atin sa UST…sa [UST Publishing House] we have Ailil Alvarez as our director.”

Naniniwala si Castillo na mabuti ang dulot ng pagbabagong ito sa kalidad at pananaw ng mga mambabasa at manunulat.

Feeling ko, in the next few years, mas maraming babae pa na maglalathala ng gawa nila, na hindi paisa-isang works, pero parang publication galore na ng libro.” 

Hinikayat ni Castillo ang mga mambabasa na magbabad sa mga literaturang likha ng mga kababaihan.

I think proper education is key in this kind of endeavor para hindi ma-marginalize ‘yung nais sabihin ng babaeng manunulat.”

Ipinagdiriwang ang Buwan ng Kasaysayan ng mga Kababaihan sa Marso upang alalahanin ang mga dakilang gawa ng mga babae sa kultura, pulitika, siyensya, panitikan at lipunan.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.