INAPRUBAHAN na ng Mababang Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukalang-batas patugtugin ang mga awiting Pilipino sa mga hotel, restaurant, tourist bus, at sa international flights patungo sa Filipinas.

Nakasaad sa House Bill 10305, na ipinasa nitong ika-29 ng Nobyembre, na kinakailangang mga awiting Filipino ang bubuo sa 50-porsiyento ng ipatutugtog sa mga tourist bus at mga international flight na patungo sa ating bansa, samantalang 25-porsiyento naman sa mga hotel, resort, at restaurant.

Ayon sa pangunahing may-akda ng panukalang-batas na si Lito Atienza, deputy speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Filipinas, ninais niyang isabatas ito upang makatulong sa pagpapakalat ng mga awiting Filipino.

“Upang ang lahat, both local tourist and specially foreign visitors may be exposed to Philippine arts, culture, songs, and music… para po naman mas higit nilang makilala ang ating pagkatao, ang ating kapuluan, ang ganda ng ating kapuluan,” wika ni Atienza sa isang panayam sa Varsitarian.

Bukod pa rito, nais din niyang magkaroon ng pagpapahalaga ang bawat mamamayan ng ating bansa sa kung ano ang mayroon tayo na maaari nating maipagmalaki sa buong mundo.

It’s also a way of orienting our young Filipinos to be more appreciative of who are we, ano ba ang Filipino… matututo ng ating kanta, ating tugtugin, mabuti po yan para sa edukasyon ng mga kabataan,” paliwanag niya.

Aniya, malaking tulong din ang panukalang-batas na ito sa industriya ng turismo dahil sinasalamin nito ang pagkatao ng isang Pilipino.

Nilinaw din ni Atienza na may karampatangang parusa ang mga mahuhulinh hindi susunod sa nasabing panukala.

We have to be proud and confident, meron tayong galing na dapat pinapalakpakan natin muna tapos papalakpakan din ng banyaga… pero kung tayo mismo hindi natin pinapalakpakan ang sarili natin, hindi tayo papalakpakan ng banyaga, so we have to start somewhere, this is the beginning,” diin ni Atienza.

Pagpapaunland sa larangan ng musika

Bukod sa magandang epekto ng panukalang-batas na ito sa turismo at kultura ng bansa, hindi maitatanggi na makikinabang din dito ang industriya ng musika.

Ayon kay Ma. Alexandra Chua, kawaksing dalubguro sa Conservatory of Music ng UST, magkakaroon ng magandang epekto ang batas na ito sa industriya ng musika ng bansa.

I am very positive with the effect of this. We really need exposure. If something is to sell, you need to advertise it, and if people do not play it, then people wouldn’t know it. So, malaking suporta na rin ito sa ating industriya,” wika ni Chua sa Varsitarian.

Binanggit din niya na matagal nang problema para mga musikerong Pilipino ang kakulangan ng exposure o pagkakalantad kaya’t nahihirapan kumita ang industriya.

“Alam niyo naman syempre ang mga musikero madalas yan, sariling sikap lang talaga lahat sila. Starving artists. So, napaka ganda ng magiging epekto nito sa ating industriya. Kasi, it’s not only we consume Filipino music but we will earn as well,” paliwanag niya.

Aniya, sa patuloy na pagsikat at pagpapakilala sa musikang Filipino, magkakaroon din ng positibong epekto ito sa iba pang kalakip na industriya katulad ng turismo, venue ng mga  konsiyerto, at mga piyesta.

Kinilala man sa tamang direksyon ang batas na ito, idiniin ni Chua na mayroon pang mga dapat tugonang issue ukol sa paglaganap ng musikang Filipino.

For film we have the Film Development Council of the Philippines, for books we have the National Book Development BoardBut we don’t even have a council for music. We have to have a conducive environment to foster creativity and innovation in music,” wika ni Chua.

Ang panukalang batas ay kasalukuyang nasa plenaryo ng Senado.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.