Nakalagpas ako sa napakahirap na panahon ng pagtatanghal ng tesis kamakailan. Sa kabila ng pagiging mag-aaral ng Pamamahayag, mas nangahas akong gumawa ng isang ambisyosong haka hinggil sa paborito kong makata. Aaminin kong hindi masyado nagtagumpay ang paghalukay sa haka, subalit ana nga ng matatanda, may mga aral na dulot ang bawat pagpupulot ng nagkabasag-basag na sarili sa sahig.

Aaminin ko ring sa lahat na napakaraming sasaliksikin, pinakanakababagot ang pagsasaliksik na pampanitikan. Datapwa’t ganito, di lamang matalinghaga, bagkus makula pa ang pagsasaliksik na ito sapagkat isa itong mahusay na uri ng pagtuklas. Ito ang hakang isa pa na aking napatunayan.

Ang dalawang bagay na kinapapaluoban ng gawaing ito –ang pagbabasa at pagsusulat –ay malaon nang bahagi ng ating buhay-paaralan. Kaya’t ang totoo, kung ika’y nagsusulat, at di naman salat sa kaalaman at kayamanan ng mga dakilang ambag at aklat, hindi naman magiging mahirap ang pagsasaliksik na ganito. Wala nang gaanong haharaping suliranin kung mapanuri na at palabasa ang mag-aaral. Ang itatanong na lamang ay kung nakapagpapahayag ba ito ng maayos, sa alin mang wika, lalo na kung pasulat.

Sa pagtalakay ng pananaliksik na pampanitikan, maaari rin nating himayin ang pag-aaral sa pamamagitan ng dalawang mahahalagang bahagi upang madaling maunawaan – ang manunulat at ang teksto.

Ang manunulat ang nagbibigay ng locus sa mambabasa. Sa pamamagitan ng kanyang mga akda, nakapagmumuni ang mambabasa/mananaliksik at nagiging mapanuri. Sa pagbabasa, hinihikayat ng manunulat ang mananaliksik na lalo pang maglakbay patungo sa puso ng akda at malunod sa lumiligwak nitong dakilang kaisipan.

Nakasalig sa teksto ang pagsasaliksik na pampanitikan. Sumangguni pa man ang mananaliksik sa manunulat, ang pag-aaral at katuturan ay nananahan sa sinasabi/ipinahahatid ng teksto. Karaniwan sa ating pag-aaral at pagbasa ng mga akda ang pagbabanggit ng kinapapaloobang panahon nh teksto. Binabanggit din ang totoong karanasan ng manunulat sa kasaysayan ng akda, upang lalong maunawaan ang katuturan ng obra. Marami pang pinapansin ang mga nagbabasa hinggil sa ganitong uri ng pagsasaliksik.

READ
USTH pushes for ISO certification

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.