ISANG mas nagkakaisang Philippine Medical Association (PMA) ang hangad ng bagong halal nitong pangulo na isang Tomasino matapos maganap ang PMA Annual Convention sa lungsod ng Vigan, Ilocos Sur, noong ika-23 ng Mayo.

Si Maria Minerva Calimag, MD, Ph.D., isang propesor mula sa Faculty of Medicine and Surgery, ang ika-93 pangulo at ikapitong babaeng pangulo ng PMA.

Bukod sa mas nagkakaisang PMA, hangad din ni Calimag na ayusin ang pamamahala sa kanilang institusyon.

“Bilang isang organisasyon, nararapat lamang na bigyan natin ng [mas maayos na] sistema ang [ating] pamamalakad,” ani Calimag. “Magpapakalat kami ng mga makabuluhang impormasyon sa lahat ng antas at aayusin ang daloy ng trabaho sa loob [ng PMA].”

Kabilang sa mga plano ni Calimag ang pagpapadala ng mga Pilipinong doktor sa iba’t ibang lugar sa bansa na hindi ganoong nabibigyang pansin upang makatulong sa mga mamamayang higit na nangangailangan. Layunin din niya ang pagbuo ng mas maayos na proseso ng pagtanggap ng mga pasyente sa mga pagamutan, at ang pagpapatuloy sa kaniyang adbokasiya na pagtuturo sa mga paaralang nag-aalok ng mga kursong pang-medisina na online.

“Para ito sa mga estudyanteng nahihirapang makapasok sa mga paaralan dahil nakatira sila sa mga lalawigan,” paliwanag ni Calimag.

Dagdag pa rito, kasalukuyang isinusulong ni Calimag ang Physicians’ Act na naglalayong palitan ang Medical Act ng 1959 upang lalong mapangasiwaan ang edukasyong pang-medikal at ang pamamahala sa pagsasanay ng medisina sa bansa.

Hamon ng integrasyon

Nananatiling bukas ang pananaw ni Calimag sa mga pagbabagong dala ng nalalapit na regional integration ng mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa larangan ng medisina simula 2015.

READ
Search for perfect happiness

Sa pamamagitan ng ASEAN Economic Community (AEC), makabubuo ng mas nagkakaisang komunidad na pang-ekonomiya ang mga bansang kabilang sa ASEAN na magpapalakas sa kanilang sosyo-kultural, pulitikal at ekonomikal na relasyon sa tulong ng malawakang integrasyon.

Ito ang nagtulak kay Calimag na bumalangkas ng isang bill na naglalayong mapabilang sa PMA ang lahat ng mga doktor at mga organisasyong pang-medikal sa bansa.

“Kailangan nating maipakita na Ani Calimag, maaaring mabawasan ang mga negatibong epekto ng AEC sa tulong ng mas maayos na paghahanda sa pamamagitan ng pagtulong sa mga manggagamot na makabuo ng mas matitibay na relasyong pampropesyunal sa isa’t isa, at unawain ang mga pamantayang pang-medikal maging ang kultura ng ibang mga bansang maaaring makaapekto sa kanilang panggagamot.

Maging sa usapin ng kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Act, o Reproductive Act 10354, ipinaliwanag ni Calimag na iisang paksa lamang ang nais isulong ng PMA—na ang buhay ay nagsisimula sa conception—na siyang pinaniniwalaan din ni Calimag.

Nakasaad sa Section 23 ng RH Act ang mga hindi maaaring gawin ng mga manggagamot, mga opisyal ng gobyerno, mga pribadong kompanya at mga karaniwang Filipino na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa reproduktibong kalusugan ng kanilang kapwa.

Ang paragraph (a) naman ng Section 23 ang talata na nagsasaad ng mga hindi maaaring gawin ng mga manggagamot na pwedeng magkaroon ng mga negatibong epekto sa reproduktibong kalusugan ng kanilang mga pasyente.

Nakasaad naman sa subparagraph (3) ng paragraph (a) na maaaring tumanggi ang mga manggagamot at mga institusyong pang-medikal na gawin ang contraception, contraceptive sterilization at artificial reproduction sa kanilang mga pasyente dahil ito ay kontrobersyal sa moralidad ng mga tao.

READ
The inner voice

Ang contraception ay ang paggamit ng mga condom at birth control pills upang maiwasan ang pagbubuntis kahit na nagtatalik ang isang lalaki at babae. Ang contraceptive sterilization naman ay ang permanenteng klase ng contraception na kung saan, aalisin sa katawan ang kakayahan nitong makapag-fertilize, o makapagsama ng sex cells—sperm cell ng lalaki at egg cell ng babae—sa pamamagitan ng surgery.

Ipinaliwanag ni Calimag na bagamatnpinapayagang humingi ng serbisyo ang mga pasyente na tumatalakay sa kanilang reproduktibong kalusugan, binibigyan ng mga probisyong ito ng pagkakataon ang mga manggagamot na tumanggi sa pagbigay ng nasabing mga serbisyo dahil sa tinatawag na conscientious objection. Ito ay ginagawa kung sa tingin nila ay maaaring maging immoral o labag sa kanilang konsensya, at basehang etikal ang ginagawa nila.

Nagtapos si Calimag ng kaniyang espesiyalisasyon sa Clinical Epidemiology sa College of Medicine ng Unibersidad ng Pilipinas noong 2003, at nakuha ang kaniyang Doctor of Philosophy para sa Education, Major in Educational Management sa UST Graduate School noong 2010.

Si Calimag din ang naging pangulo ng Philippine Society of Anesthesiologists ng dalawang termino mula 2010 hanggang 2011 at ng Manila Surgeons Alliance noong 2002.

Naglingkod siya ng 31 taon sa organized medicine at 27 sa akademya.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.