Saturday, April 27, 2024

Tag: Agosto 30

Sipa: Isang sulyap sa Kulturang Pilipino

ISA SA pinakalumang laro ng Muslimlandia at kinikilalang pambansang tradisyonal na laro ang sipa. Patuloy itong kinikilala hanggang ngayon. Lahat ng klase ng tao ay maaring makapaglaro nito. Kinakailangan lamang ang malusog na pisikal na pangangatawan at ang dalawang binti kung kaya’t karamihan sa mga Pilipino ay nagustuhan ito. Naging bahagi na din ito ng makasaysayang kultura ng mga Pilipino na siya din namang nakakuha ng atensyon ng mga turista.

Tigresses, babalik ng China

SA ISA pang pagkakataon, muling ibabandera ng University of Santo Tomas Growling Tigresses ang pangalan ng Unibersidad at ng bansa sa gaganaping Adidas Asian Streetball Finals 2002 na gagawin sa Shanghai, China mula Agosto 29 hanggang Setyembre 1. Matatandaang sila din ang ipinadala ng bansa noong nakaraang taon.

Unang talo para sa Tiger Spikers

NAANTALA ang pamamayagpag ng UST Tiger Spikers pagkatapos nitong matalo sa pumapangalawang UP Maroon Spikers sa limang dikdikang set, 25-18, 25-22, 24-26, 24-26, 7-15, sa pagsisimula ng ikalawang round ng UAAP Volleyball Tournament noong Agosto 25 sa UP-College of Human Kinetics gym.

UST Paddlers, handa nang bumawi

MATAPOS mabigong makuha ang kampeonato sa kabila ng isang impresibong kampanya noong nakaraang taon, handang–handa na ang mga UST Male Paddlers na bumawi at makabangon sa pagkalugmok sa kanilang pagsabak ngayong taon sa UAAP Table Tennis competitions simula Setyembre 14.

Dala ang matinding pagkauhaw at pagkagutom sa panalo, umaasa ang mga Tiger Paddlers na maiuwi ang kampeonatong maaaring naging kanila sana noong nakaraang taon.

Mabagsik na simula para sa UST Lady Spikers

BAGO pa man magsimula ang torneo ng 65th UAAP women’s volleyball, malaki na ang pag-asa ni Coach Augusto Santamaria sa kaniyang koponan na makuha ang kampeonato ngayong taon.

At sa ipinapakita ng UST Lady Spikers sa kasalukuyang torneo, malamang ay magiging katotohanan ito. Pagkatapos ng unang round, nasa solong ikalawang puwesto ngayon ang Tigresses, sa likod ng defending champion Far Eastern University na wala pang talo sa walong laro.

Nagmula sa Lady Tamaraws ang tanging talo ng Tigresses noong magharap sila sa unang araw ng kompetisyon.

Tigresses, bumagsak sa ika-anim na puwesto

PAGKATAPOS makuha ang kanilang unang panalo, nalugmok ang UST Tigresses sa ika-anim na puwesto sa pamamagitan ng tatlong sunod na pagkatalo sa torneo ng women’s basketball sa UAAP.

Tinapos ng Tigresses ang unang round ng eliminations na may kartadang 1-5 pagkatapos ng isang 49-43 na pagkatalo sa kamay ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles noong Agosto 11 sa UST Gym.

Tracksters, wagi sa Milo Marathon

DALAWANG Tomasino ang itinanghal na pinakamabilis sa kanilang mga dibisyon ng 26th Milo Marathon noong Agosto 4 sa Lipa.

Nakuha ng 21-taon na si Ricamunda ang unang pwesto matapos ma-diskwalipika ang orihinal na nagwagi na si Noel Bautista dahil sa kakulangan nito ng taon sa paninirahan.

“Kulang kasi siya ng local residency sa Region IV. Iyon kasi ang requirement dun sa tournament,” ani Ricamunda.

Baguio, nangunguna para sa UST

SA KASALUKUYANG torneo ng UAAP men’s seniors basketball, nasa solong ikatlong puwesto ang University of Santo Tomas Growling Tigers matapos ng isang makapigil-hiningang panalo kontra sa Adamson Falcons na umabot ng dalawang overtime period.

At isa sa pinakamalaking dahilan dito ay ang pagbabalik ng mahusay na shooting guard ng UST na si Cyrus Baguio.

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe