KASABAY ng ika-400 taong pagdiriwang ng Unibersidad ay isasagawa ng Pax Romana, ang isa sa mga pinakamatandang religious organization ng UST, ang isang alumni homecoming na pinamagatang “A Pax to Remember.”
Nakatakdang magsama-sama ang mga kasalukuyan at nakaraang kasapi ng Pax Romana sa ika- 2 ng Disyembre sa ganap na ika-6 ng gabi, sa Plaza Mayor.
Ilan sa tampok na gawain ng pagtitipon ay ang pagdiriwang ng banal na Eukaristiya, pagbabalik-tanaw sa mga napagdaanan ng organisasyon mula nang ito ay maitatag, pag-uulat ng mga kasalukuyang pinuno sa mga aktibidad na naisagawa, at pagtatanghal ng mga kasalukuyang kasapi.
Ang mga namumuno sa Pax Romana Central Coordinating Council, kasama ang mga nasa lokal na yunit, ay nagtulong-tulong upang maisaayos ang mga magaganap sa gabing iyon.
Ang malilikom mula sa registration fee na P1,000 kada tao ay gagamitin sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran ng mga lokal na yunit ng Pax Romana.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang Facebook event page at like page na “A Pax to Remember”.