Ang pagtitig nila sa akin ay puno ng pagsinta,

pagtawag nila’y natatangi at sa pandinig pari’y halina.

Sa talampakan ma’y pasakit, baiwang nilang pumapalya na,

gulugod pa rin ay iniuunat matapos kalingain ng silya.

Aking mga paa, gamìt at maugat man,

ay kalahati pa lang ng buhay ang nalalakaran;

pagtindig ng mga ito’y sa kanila lamang natutuhan-

ang pagbagal nila ngayo’y pagsulong ko ang dahilan.

Sadyang kay sarap tanawin ng kalangitan sa umaga,

papawiring ‘di ko magigisnan kung ‘di sa akin pinatingala;

ipinid ko man ngayon at isara’ng aking mga mata,

yao’y ‘di ko gano’n matitignan sa kanlungan ng iba.

READ
Union hits 13th-month pay computation

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.