HANGAD ng delegasyon ng Unibersidad ang banal na peregrinasyon sa nalalapit na World Youth Day (WYD) sa Cologne, Alemanya mula Agosto 16 hanggang 20.

Ayon kay P. Ramon Salibay, O.P., direktor ng Campus Ministry at pinuno ng delegasyon ng UST sa WYD, sabik na ang mga Tomasinong delegado na pumunta sa Alemanya.

“Inaasahan naming makita ang Santo Papa, makita ang iba’t ibang mga tao at kanilang mga kultura, at makita ang iba’t ibang lugar sa Alemanya,” ani Salibay. “Karamihan sa kanila (delegado), kasama na ako, ay hindi pa nakakalakbay sa labas ng bansa.”

“Magiging masaya ang WYD dahil magkakasama ang mga kalahok sa pagsamba sa Kanya,” ani Madula.

Lilipad ang delegasyon patunong Alemanya sa Agosto 14. Binubuo ang delegasyon ng 16 na estudyante at alumni, at sasamahan sila ng limang pari, kabilang sina Vice-Rector for Finance P. Melchor Saria, O.P. at College of Education Regent P. Romulo Rodriguez, O.P.

Magkakaroon din ng peregrinasyon ang grupo sa Lourdes, Pransya, at Roma, Italya. Inaasahang babalik ang grupo sa bansa sa Agosto 31.

Inaasahang maiiba ang pagdiriwang ng taunang okasyon sa pagpanaw ni Papa Juan Pablo II, ang nag-umpisa ng WYD.

Ginanap ang unang WYD sa Roma noong 1986. Simula noong, ipinagdiriwang ang WYD sa labas ng Roma sa bawat dalawang taon. Libu-libong kabataan mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang dumadalo. “We have come to worship Him (Mt.2:2)” ang tema ng ika-20 na WYD.

READ
Mga lumang kuwento sa bagong mundo

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.