Sunday, June 2, 2024

News

Delegasyon para sa World Youth Day, handa na

HANGAD ng delegasyon ng Unibersidad ang banal na peregrinasyon sa nalalapit na World Youth Day (WYD) sa Cologne, Alemanya mula Agosto 16 hanggang 20.

Ayon kay P. Ramon Salibay, O.P., direktor ng Campus Ministry at pinuno ng delegasyon ng UST sa WYD, sabik na ang mga Tomasinong delegado na pumunta sa Alemanya.

Halamang lunas sa kanser, matatagpuan sa Unibersidad

MATATAGPUAN sa Colayco Park at Botanical garden ang isang halaman na napag-alamang may potensyal na pigilin ang pagkalat ng cancer cells.

Nakita ang kakayahan ng bunga ng Barringtonia asiatica(Linn) Kurz o Botong na pigilin ang metastasis o pagkalat ng tumor.

Ayon sa unang pananaliksik na isinagawa ni Hannah Vergara, alumna ng College of Science, kasama ang tagapayong si Dr. Gloria de Castro-Bernas, ginagamit ang Botong sa Iloilo bilang gamot sa mga bukol. Pinaniniwalaang nakakatulong ang pagpahid ng extract ng bunga nito upang mawala ang bukol.

UST nakipag-ugnayan sa European Union

HIGIT pa sa pagpirma ng mga academic memorandum of agreements, nakapaghain ng proposal ang Unibersidad kasama ang iba pang mga pamantasan sa labas ng bansa sa European Union (EU) Asia Link program upang magsama-sama sa isang pananaliksik.

Ayon kay Dr. Armando de Jesus, Vice-Rector for Academic Affairs, mapagtitibay pa lalo ng Unibersidad ang pakikipag-ugnayan nito sa mga kasaping pamantasan sa tulong ng saliksik na pinamagatang “Scientific Culture for Global Citizenship.”

Mga Tomasino sa media, pinag-isa

IKINAGALAK ng mga Tomasinong mamamahayag nang muli silang naimbitahan ni Rektor P. Tamerlane Lana, O.P. upang magsama-sama muli sa ikalawang pagtitipon ng Thomasian Media Circle (TMC) noong Hulyo 20.

Ipinakita ng mga mamamahayag na alumni ang kanilang suporta sa ikalawang pagtitipon ng TMC mula nong 2002.

“Kung minsan nakawiwiling bumalik-balik kasi tunay nga na nakakabata ang ganitong mga sandali,” ani Arnold Clavio, kilalang brodkaster sa radio at telebisyon. “Sana mas maging madalas pa ang mga ganitong pagtitipon.”

Law student, nasaktan

NAGSAMPA ng kasong pagnanakaw ang isang Civil Law freshman laban sa dalawang lalaki na nagtangkang agawin ang kanyang bag sa P. Noval St. noong Hunyo 23.

Ayon sa biktimang si Michelle Louella Legaspi, naglalakad siya kasama ang kanyang mga kaklase sa kahabaan ng P. Noval St. nang tinangkang hablutin ang kanyang bag ng dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo, dakong ika-siyam ng gabi.

Nabagok ang ulo ni Legaspi at nagtamo siya ng mga sugat sa kanang braso at balakang sa pagkadulas at pagbagsak niya sa semento sanhi ng paghatak ng bag ng mga salarin.

Tomasinong mananaliksik, kinilala

KINILALA ang isang mananaliksik ng Research Center for Natural Sciences (RCNS) bilang isa sa mga magagaling na baguhang siyentipiko sa buong bansa noong Hulyo 13 hanggang 14 sa ika-27 Annual Scientific Meeting sa Manila Hotel.

Napili si Dr. John Donnie Ramos, associate professor sa Department of Biological Sciences ng College of Science, bilang Outstanding Young Scientist ng National Academy of Science and Technology (NAST) dahil sa kanyang masusing pag-aaral at pananaliksik sa larangan ng molecular biology.

UST, bumandera sa board exams

MULING namayagpag ang mga Tomasino sa Nursing, Nutrition, at Pharmacy licensure examinations noong Hunyo at Hulyo.

Sa 388 na estudyante mula sa Unibersidad na kumuha ng Nursing exams, 372 ang pumasa. Mula sa 95 porsiyento noong isang taon, nakakuha ang UST ng 95.87 porsiyentong antas ng pagpasa.

A sunday musical treat

SALUTING the country’s cultural heritage, the Philippine Research for Developing Instrumental Soloists (Predis) Children’s Orchestra held a free concert to capoff the 107th anniversary celebration of Philippine Independence.

Under conductor Mary Grace Martinez of the Manila Symphonic Orchestra, the Predis Orchestra, composed of 13 to 16 year olds, performed a wide selection of musical ensemble dominated mostly by the violin, viola, cello, and double bass. The effect was a classy yet all-too-familiar Sunday atmosphere around the Rizal Park Open-Air Auditorium.

Faith and history remembered

LOCATED within the historic walls of Intramuros, the San Agustin Church is picturesque with its red-bricked glory. One of the few surviving Baroque buildings in the country, the old stone structure comes to life with two new exhibits, Transformation through Religious Experience and Sailors, Monks, and Church Builders.

Immoral bill

THE PROPOSED Anti-Discrimination Act of 2005 (House Bill 634) has received flak from pro-life groups. The Catholic Bishops Conference of the Philippines has called it “immoral.”

“If same-sex unions were to be legalized, the concept of marriage would be shattered, to the detriment of the common good,” CBCP warned, echoeing the Vatican’s stand on the issue.

LATEST NEWS

POPULAR POSTS

MY FAVORITES

I'M SOCIAL

0FansLike
6,974FollowersFollow
61,786FollowersFollow
18,672SubscribersSubscribe