Monday, May 20, 2024

Tag: Vol. LXXIV

Tigers bow to Warriors

PLAYING their final game before the start of this season’s Final Four, the UST Growling Tigers blew their chances of forcing a play-off for the third seeding and avoiding an early showdown with defending champion De La Salle by dropping a 76-69 decision against the UE Red Warriors last September 15 at the Makati Coliseum.

The loss relegated UST to fourth place, giving the Tigers an unlucky draw by facing the Archers next round. A UST victory would have resulted in a play-off between the Tigers and the Warriors for the third spot.

Sipa: Isang sulyap sa Kulturang Pilipino

ISA SA pinakalumang laro ng Muslimlandia at kinikilalang pambansang tradisyonal na laro ang sipa. Patuloy itong kinikilala hanggang ngayon. Lahat ng klase ng tao ay maaring makapaglaro nito. Kinakailangan lamang ang malusog na pisikal na pangangatawan at ang dalawang binti kung kaya’t karamihan sa mga Pilipino ay nagustuhan ito. Naging bahagi na din ito ng makasaysayang kultura ng mga Pilipino na siya din namang nakakuha ng atensyon ng mga turista.

Tigresses, babalik ng China

SA ISA pang pagkakataon, muling ibabandera ng University of Santo Tomas Growling Tigresses ang pangalan ng Unibersidad at ng bansa sa gaganaping Adidas Asian Streetball Finals 2002 na gagawin sa Shanghai, China mula Agosto 29 hanggang Setyembre 1. Matatandaang sila din ang ipinadala ng bansa noong nakaraang taon.

Tiger Cubs, nagtala ng dalawang sunod na panalo

MABILIS na bumangon mula sa maagang pagkakadapa ang UST Tiger Cubs upang tisurin ang Adamson Baby Falcons, 79-76, para itala ang kanilang unang dalawang sunod na panalo sa UAAP juniors basketball tournament noong Agosto 25 sa Rizal Memorial Coliseum.

Unang talo para sa Tiger Spikers

NAANTALA ang pamamayagpag ng UST Tiger Spikers pagkatapos nitong matalo sa pumapangalawang UP Maroon Spikers sa limang dikdikang set, 25-18, 25-22, 24-26, 24-26, 7-15, sa pagsisimula ng ikalawang round ng UAAP Volleyball Tournament noong Agosto 25 sa UP-College of Human Kinetics gym.

Tiger Jins, nanaig sa torneo ng Milo

NAGMISTULANG mga mababangis na tigre ang mga UST Taekwondo Jins matapos nilang magpakitang-gilas sa ika-25 Milo Nationals Tournament noong Agosto 4 hanggang 5 sa Ninoy Aquino Memorial Stadium.

Naiuwi ng Tiger Jins ang kabuuang tatlong gintong medalya, apat na silver at apat na bronze sa individual competitions at natapos sa ikalawang puwesto sa team competitions sa likod ng koponan ng De La Salle University (DLSU) na nakakuha ng dalawang gintong medalya.

UST Paddlers, handa nang bumawi

MATAPOS mabigong makuha ang kampeonato sa kabila ng isang impresibong kampanya noong nakaraang taon, handang–handa na ang mga UST Male Paddlers na bumawi at makabangon sa pagkalugmok sa kanilang pagsabak ngayong taon sa UAAP Table Tennis competitions simula Setyembre 14.

Dala ang matinding pagkauhaw at pagkagutom sa panalo, umaasa ang mga Tiger Paddlers na maiuwi ang kampeonatong maaaring naging kanila sana noong nakaraang taon.

UST Male Woodpushers, lumalabo ang pag-asa sa kampeyonato

SA NALALAPIT na pagtatapos ng unang round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) chess tournament, 10 puntos pa lamang ang naitatala ng UST Male Woodpushers para makuha ang ika-anim na puwesto.

Bumagsak ang Tiger Woodpushers, 1.5-2.5, sa kamay ng University of the Philippines Woodpushers noong Agosto 25 sa UE briefing room.

Hindi nagawang makalusot ni National Master at UST Woodpusher Bob Jones Liwagon sa kalabang si Karl Espallardo ng UP.

Mabagsik na simula para sa UST Lady Spikers

BAGO pa man magsimula ang torneo ng 65th UAAP women’s volleyball, malaki na ang pag-asa ni Coach Augusto Santamaria sa kaniyang koponan na makuha ang kampeonato ngayong taon.

At sa ipinapakita ng UST Lady Spikers sa kasalukuyang torneo, malamang ay magiging katotohanan ito. Pagkatapos ng unang round, nasa solong ikalawang puwesto ngayon ang Tigresses, sa likod ng defending champion Far Eastern University na wala pang talo sa walong laro.

Nagmula sa Lady Tamaraws ang tanging talo ng Tigresses noong magharap sila sa unang araw ng kompetisyon.

Tigresses, bumagsak sa ika-anim na puwesto

PAGKATAPOS makuha ang kanilang unang panalo, nalugmok ang UST Tigresses sa ika-anim na puwesto sa pamamagitan ng tatlong sunod na pagkatalo sa torneo ng women’s basketball sa UAAP.

Tinapos ng Tigresses ang unang round ng eliminations na may kartadang 1-5 pagkatapos ng isang 49-43 na pagkatalo sa kamay ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles noong Agosto 11 sa UST Gym.

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe