Wednesday, December 4, 2024

Tag: Agosto 19, 2012

Kahandaan sa kalamidad, sinuri ng UST

NAGSILBING aral sa Unibersidad ang pananalanta ng mga nakalipas na bagyo na lubos na tumatak sa bawat Tomasino.

Dalawang linggo na ang nakalilipas nang magdulot ng ilang araw na pagbaha at walang tigil na pag-ulan sa Kalakhang Maynila at karatig-probinsya ang hanging habagat na maihahalintulad sa pinsala ng bagyong Ondoy noong taong 2009.

Ngunit dahil sa maagang pagdeklara ng suspensyon ng klase, hindi gaanong naramdaman sa Unibersidad ang pananalantang ito.

“The Office of the Secretary General has been very prompt to announce suspension of classes,” ani sa Varsitarian ni Evelyn Songco, assistant to the rector for student affairs.

‘Prayer Power Rally’ nanawagang ibasura ang RH bill

SA KABILA ng malakas na ulan, nagtipun-tipon ang libu-libong katao sa EDSA Shrine noong Agosto 4 upang manawagan na “ibasura” ang Reproductive Health (RH) bill.

Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa “Prayer Power Rally versus the RH bill” na nararapat kilatisin ng mga kongresista ang mga agenda na nakapaloob sa panukalang batas.

“Bawat batas ay umuukit ng kultura. Bawat batas ay lumilikha ng mentalidad, humuhugis ng kung ano ang itinuturing na pinapayagan at hindi pinapayagan. Ang [panukalang] batas na iyan ay hindi tamang batas,” ani Tagle.

Ipinaalala ni Tagle na ang pagsasabatas o pagbabasura ng RH bill ay dapat pag-isipang mabuti dahil maaapektuhan nito ang mga susunod na henerasyon.

‘Hazing,’ kinondena ng mga fraternities sa Unibersidad

ANG UST ay kanlungan din ng mga hindi kinikilalang “kapatiran.”

Ito ang napag-alaman ng Varsitarian matapos ang pagpaslang sa alumnus na si Marc Andrei Marcos, na freshman sa San Beda College of Law, dulot umano ng hazing sa hindi kinikilalang fraternity sa naturang paaralan.

Idineklarang patay si Marcos, 21, sa De La Salle University Medical Center sa Dasmariñas, Cavite noong Hulyo 30, limang buwan matapos matagpuang patay si Marvin Reglos, isa ring alumnus at San Beda Law freshman, dahil din sa hazing.

Si Marcos ay nagtapos ng kursong Legal Management sa UST nito lamang Marso, samantalang nagtapos ng kursong Business Administration si Reglos noong 2010.

Gamilla, ilang dating opisyal, kinasuhan ng Faculty Union

PORMAL nang nagsampa ng kasong kriminal ang mga kasapi ng UST Faculty Union (USTFU) laban sa tatlo nitong dating opisyal at sa dalawa pang hinihinalang kasabwat sa isyu ng nawawalang P9.5 milyong pondo ng unyon.

Idinulog sa Manila City Prosecutor’s Office noong Hulyo 13 ni Noel Asiones, vice president for legal affairs ng USTFU, ang reklamong qualified theft laban sa dating pangulo ng unyon na si Gil Gamilla, dating bise presidente na si Gil Garcia, dating internal auditor na si Raymundo Melegrito, pangulo ng Saturn Resources, Inc. na si Mario Villamor, at chief financial officer ng Wise Capital Investment and Trust Company, Inc. (WISE CITCO) na si Ramoncito Modesto.

Antala sa sahod, idinaing ng unyon

INIREREKLAMO ng mga propesor ang pagkaantala ng suweldo kahit na ito ay natatanggap na sa pamamagitan ng automated teller machine (ATM).

Sa isang panayam ng Varsitarian kay Jose Ngo, UST Faculty Union (USTFU) vice president for legal affairs at kasalukuyang propesor sa AMV-College of Accountancy, hindi umano tumupad ang Treasurer’s Office sa napagkasunduan na dapat ay nasa ATM na sa huling banking day ang suweldo kung ang ikalabinlimang araw o katapusan ng buwan ay natapat sa isang non-banking day.

Pamunuan ng Simbahayan 400 at ComDev, pinagbuklod

NATAPOS man ang pagdiriwang ng ikaapat na siglo ng Unibersidad, patuloy pa rin ang adhikain nito sa pagtataguyod ng Simbahan, lipunan, at pamilya.

Pinagbuklod ang tanggapan ng UST Simbahayan 400, ang Quadricentennial Centerpiece project, at ang Office for Community Development (OCD) na tatawagin na ngayong “UST Simbahayan Community Development Office” noong Agosto 1.

Ayon kay Marielyn Quintana, dating tagapangasiwa ng UST Simbahayan 400, ang pag-iisa ng dalawang tanggapan ay isang hakbang upang mapaigting ang pagkakakilanlan ng mga Tomasino.

Kauna-unahang Filipino-German double degree program, inilunsad

MAAARI na ngayong makatanggap ng diploma mula sa Europa ang mga Tomasino nang hindi umaalis sa Pilipinas.

Nakipag-ugnayan ang College of Commerce and Business Administration sa International University of Cooperative Education (iUCE) ng Alemanya upang buuin ang kauna-unahang German-Filipino dual double bachelor program sa bansa.

Ang mga mag-aaral na mag-eenroll sa nasabing programa ay makatatanggap ng dalawang titulo: isang diploma ng Business Administration mula sa UST at isang diploma naman ng International Business Management mula sa iUCE.

Dalawang taon ang gugugulin ng isang mag-aaral para sa curriculum na inihanda ng UST, samantalang tatlo’t kalahating taon naman ang gugugulin para sa curriculum ng Alemanya at pagsusulat ng thesis.

Mecheline Zonia Manalastas; 56

PUMANAW na ang propesor at tagapangasiwa ng Office for Admissions (OFAD) na si Mecheline Zonia Intia-Manalastas noong Agosto 12. Siya ay 56 taong gulang.

Hiniling ni Manalastas na manatiling lingid sa kaalaman ng publiko ang tunay na sanhi ng kaniyang karamdaman, sinabi ng kaniyang pamilya sa Varsitarian.

Bilang isang beteranong opisyal ng UST, si Manalastas ay nagsilbing executive assistant ng Office of the Secretary General mula 2006 hanggang 2007, direktor ng UST Publishing House mula 1999 hanggang 2006, direktor ng Purchasing Office mula 1996 hanggang 1999, at coordinator ng Office for Student Affairs mula 1990 hanggang 1996.

Committee of Peers, kinasuhan ng libelo

NAGHAIN ng kasong libelo ang mga dating pinuno ng UST Faculty Union (USTFU) laban sa Committee of Peers (CoP), dalawang miyembro ng “Fidelity Group,” at sa isang office staff/bookkeeper ng unyon dahil sa mga “malisyosong” paratang at pagpapasiya sa ulat ng CoP.

Isinumite nina Gil Garcia, dating bise presidente at Raymundo Melegrito, dating internal auditor ang reklamo sa tanggapan ng Manila City Prosecutor’s Office noong Hunyo 18.

Nutrition, PT pumangalawa sa board exams

HINIRANG muli na second top- performing school ang Unibersidad matapos nitong mapanatili ang mataas na marka sa nakaraang nutritionist-dietitian at physical therapist licensure exams.

Ayon sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), pumasa ang 93 na Tomasino mula sa 99 na kumuha ng nutritionist-dietitian exams na idinaos noong Hulyo. Ito ay nangangahulugang 93.94-porsiyentong passing rate para sa UST.

Nakamit ni Hannah Paulyn Co ang unang puwesto matapos magtala ng 87 porsiyento, samantalang ang mga Tomasinong sina Patricia Alyanna Cardoza (85.05 porsiyento) at Kevin Carpio (84.95 porsiyento) ang nakakuha ng ikatlo at ikaapat na puwesto.

LATEST