Sunday, July 21, 2024

Tag: Setyembre 7, 2007

Sto. Domingo sa mga ukit at larawan

UPANG gunitain ang pista ni Santo Domingo de Guzman, ang tagapagtatag ng kongregrasyong Order of Preachers, inilunsad ng kumbento ng Santo Domingo ang Santo Domingo Exhibit kung saan makikikita ang mga antigong paglalarawan sa mga bagay at tauhan na nauugnay sa ama ng mga Dominikano.

Ayon kay P. Bienvenido Trinilla, O.P., prior ng kumbento ng Santo Domingo kung saan idinaos ang exhibit mula ika-22 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Agosto, layunin nitong ipakilala si Santo Domingo sa mga tao sa parokya at mga karatig lugar.

Pag-aaral ng etika, napapanahon pa ba?

SA MUNDO kung saan lahat ng bagay ay nabibigyan ng kahulugan ng siyensya, teknolohiya, pulitika, o maging ng pera, may lugar pa ba ang etika?

Ito ang katanungang sinagot ng mga eksperto mula sa UST Center for Ethics sa idinaos na colloquium na “Ethics at UST Revisited” noong Agosto 24 sa Thomas Aquinas Research Complex.

Muling pagtalima sa bulong ng Ama

IPINAGDIWANG ng Kardinal Gaudencio Rosales ang kanyang ika-75 kaarawan kasabay ang hiling ng Santo Papang manatili siya bilang pinuno ng Arkediyosesis ng Maynila.

Isa para sa lahat

MULA sa kaniyang pananaw bilang Pilipinang dayuhan sa ibang bansa na nangungulila sa kinagisnang wika at bansa, pinanday ni Elynia S. Mabanglo ang Mesa Para sa Isa (UST Publishing House, 2002), isang librong maaaring makapagbigay depinisyon sa makabagong Pilipino.

Sa mga piling tulang ito ni Mabanglo, ipinakikita ng makata ang tumitibok na diwa ng karanasan ng tao tulad ng mga karanasan niya habang nagtuturo ng Filipino at panitikang Filipino sa Unibersidad ng Hawaii-Manoa.

Pinagtagpi-tagping panitikan

HINDI na bago sa pandinig ang mga Pilipinong manunulat na naninirahan sa ibang bayan. Magmula kay Jose Rizal hanggang kay Jessica Hagedorn, makikita na patuloy na umuusbong ang panitikang Filipino sa ibang bansa. Ngunit nakabubuti nga ba ito sa ating bayan o nagpapahiwatig lamang ng lalong pagkakawatak-watak ng lahing Pilipino?

Sa isang panayam sa Varsitarian, pinatunayan nina Jose Wendell Capili, Marianne Villanueva at Ninotchka Rosca na ang pagiging makabayan ay hindi natatapos sa sandaling tumapak ang isang Pilipino sa lupaing banyaga.

Hinihikang wika

MALIBAN sa pagsusulat ng mga artikulong Filipino sa Varsitarian, lumipas na naman ang buwan ng Agosto nang hindi ko natatanto kung bakit ito tinaguriang buwan ng wika. Bukod sa mga manunulat at guro ng Filipino sa akademya, sino pa nga ba ang marunong magsalita ng diretsong Filipino? At lahat nga ba ay nakaaalam na ang Filipino, ang ating opisyal na wika, ay kaiba sa Tagalog, na isa lamang diyalekto sa Pilipinas?

Manindigan para sa kapaligiran

“Freedom from fear and injustice and oppression will be ours only in the measure that men who value such freedom are ready to sustain its possession - to defend it against every thrust from within or without.” – Dwight Eisenhower

 

***

Tulak ng bibig, kabig ng bisig

“I don’t want you to save my life. I want you to save my son’s memory of his father.” - hiling ni David Gale (Kevin Spacey) sa mamamahayag na si Bitsey Bloom (Kate Winslet), The Life Story of David Gale

***

MINSANG sinabi ng Tomasinong manunulat na si Immanoel J. de Pedro na ang hangganan ng teorya ay ang paghalik nito sa lupa.

Kultura ng tagumpay

AYON kay Colin Powell, walang lihim sa likod ng isang tagumpay. Para sa kanya, bunga ng paghihirap, dedikasyon, at paghahanda ang bawat panalong nakakamit ng tao sa kanyang buhay. Ang tagumpay, diumano, ay kultura ng mga magagaling at determinado.

Kamakailan lamang ay lumabas ang pinakahihintay na resulta ng nakaraang Nursing board exams noong Hunyo at ikinagagalak kong isulat na sa pagkakataong ito, nagtala ng 98 percent passing rate ang Kolehiyo ng Narsing.

Kapuri-puring panimula

NAKAHAIN na ang mga tungkulin, gawain, at hangarin para sa kinabukasan ng Unibersidad bago pa man umupo bilang ika-94 na rektor ng UST si Padre Ernesto Arceo, O.P. Hindi biro ang mga salik na ito sapagkat sa pagsasaganap sa mga ito, nakasalalay ang inaasahang pagkakamit ng UST ng pinapangarap nitong maging isa sa mga pinakatampok na unibersidad sa Asya pagpasok ng taong 2011.

LATEST