Wednesday, May 8, 2024

Tag: Agosto 31, 2010

Gordon sa UST-RCYC: ‘Maging pinakamagaling’

HINIKAYAT ni dating Senador Richard Gordon ang mga Tomasinong miyembro ng Red Cross na maging “pinakamahusay” na Red Cross youth sa buong mundo. Naganap noong...

Graduate School at PSE magtutulungan

NAGSANIB-PUWERSA ang UST Graduate School at Philippine Stock Exchange sa programang PSE Certified Securities and Specialist Course (CSSC) na naglalayong mapaigitng ang edukasyon tungkol...

Igalang ang wika sa mga rehiyon

HABANG ipinagdiriwang natin ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa, kailangan din nating malaman na ang wikang Filipino ay isang wikang papausbong pa lamang at hindi dapat idikta bilang wikang dapat gamitin ng bawat Filipino.

Bago pa man naging Filipino ang Wikang Pambansa, mayroon ng sariling wika ang bawat rehiyon na ginagamit simula’t sapul. Ito ang kanilang wikang ginagamit sa kanilang pang-araw-araw na pumumuhay, at ang wikang nagbuklod sa kanila bilang isang komunidad at pamayanan.

Sa kasamaang palad, kagaya ng wikang “Pilipino” na halaw sa Tagalog, nilalamat na rin ang mga wikang pang-rehiyon dala ng globalisasyon.

Mandatory ROTC, hindi solusyon

Humigit-kumulang walong taon na ang nakalilipas mula nang ipasa ang batas na ginawang optional ang Reserved Officers Training Corps (ROTC), at halos siyam na taon na rin mula nang mabalita ang pagkamatay ng Tomasinong si Mark Welson Chua na diumano’y dahil sa military hazing, na naging daan din upang mabunyag ang mga katiwalian sa pamunuan ng UST-ROTC noon.

Kaya’t nangamba ako nang sumulpot ang mga balibalitang plano ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na gawing mandatory ang ROTC, hindi lamang dahil sa posibilidad ng pangalawang Mark Chua, kundi pati na rin ang maaaring paglaganap ng katiwalian at baluktot na kahulugan ng pagkamakabayan.

Ang kabiguan sa Student’s Code

ISA, DALAWA, tatlo, apat, lima, anim… pito?

Anim na taon na ang nakalilipas mula nang balangkasin ang tinawag na Magna Carta for Student Rights, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatamasa ng mga mag-aaral sa Unibersidad na ito ang magkaroon ng hanay ng mga patakarang magsisilbing proteksiyon nila laban sa mga di-makatuwiran at di-makatarungang alituntunin ng mga propesor at ng mismong Unibersidad.

Kung gaano karami ang mga buwan kung saan nanatiling nakabinbin ang ngayo’y tinawag nang Thomasian Student’s Code, marahil ganoon na rin karami ang mga naging opisyal ng Central Student Council (CSC) na nangasiwa at nagpatuloy sa pag-aasikaso nito, at tila ganoon na rin karami ang kabiguang dinanas ng mga mag-aaral dahil dito.

Tunay na nasyonalismo

ILANG linggo na ang nakararaan nang atasan kaming gumawa ng critique ng aming guro sa literary criticism. Maaari kaming mamili ng papaksain, kung ang Noli Me Tangere o El Filibusterismo ni Jose Rizal ba o ang Spoliarium ni Juan Luna. Pinili ko ang Noli Me Tangere, habang ang karamihan naman ay ang Spolarium. Isang kamag-aral ang nagsabi sa akin na kaya niya pinili ang huli ay dahil hindi niya naintindihan ang alin man sa dalawang nobela ni Rizal, bagay na nakabibigla gayong mandatory ang pagtuturo nito sa mataas na paaralan alinsunod sa kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Wikang Filipino sa UST

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nagtakda ng Proklamasyon Blg. 1041 para sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. Ang tema sa taong ito ay “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan,” na iniendorso naman ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Departamento ng Edukasyon bilang pakikiisa sa pagdiriwang. Nakapagtataka lamang na kailangan pa ng ganitong hakbang gayong sariling wika, na marapat lamang nating gamitin sa pang-araw-araw na pamumuhay, ang pinag-uusapan.

‘Di tulad ng mga mauunlad na bansa sa Asya gaya ng Japan at China, ang ating bansa ay patuloy pa rin sa paggamit ng wikang Ingles, na sa aking pananaw ay hindi lubusang pagpapahalaga sa sariling wika at sa sarili nating kultura.

‘Bagong RH Bill,’ bago nga ba?

MULING nabuhay sa Kongreso ang panukalang batas tungkol sa “reproductive health” or RH at tila may pagbabago sa ilang mga probisyon ng bill na inihain kamakailan ni Edcel Lagman, kinatawan ng Albay na pangunahing nagsusulong nito.

Ngunit kapansin-pansin man ang pagbabago gaya ng sa probisyong sex education mula sa ikalimang baitang ng elementarya, tutol pa rin ang Simbahan at ilang health practitioners dahil sa anila’y mga mapaniil na panukalang naglalayong pangalagaan ng batas ang kagustuhang kontrolin ang bilang ng mga anak sa anumang paraang “legal,” labag man sa Katolikong moralidad.

Gatas ni ina o gatas ng iba?

ANG GATAS ng ina ay nakabubuti sa sanggol hanggang edad dalawang taon.

Madalas itong ipinaaalala sa publiko sa pamamagitan ng mga patalastas na “breastmilk is still best for babies up to two years.” Taliwas sa paniniwala ng nakararami na hindi makaaapekto sa sanggol ang simpleng pagtimpla ng formula milk o tinitimplang gatas, may mga bagay na tanging breastmilk o gatas ng ina lamang ang makapagbibigay sa mga anak.

‘Best for babies’

Ayon kay Jocelyn Yu-Laygo, isang obstetrician-gynecologist sa UST Hospital, ang pagpapasuso ay isang proseso ng pagpapainom ng gatas mula sa ina na hindi gumagamit ng bote o formula milk.

Ang tahanan ng mga bayani

SIMULA nang maitatag ang Unibersidad ng Santo Tomas noong 1611, ‘di lamang ito naging saksi sa makulay na kasaysayan ng bansa. Naging tahanan rin ito ng mga taong sa kalaunan ay nagpasisimula ng pagbabago sa ating Inang Bayan.

Bahagi ng mahabang listahan ng matatagumpay na nagsipagtapos sa Unibersidad ang mga bayaning una nating nakilala sa mga aklat ng kasaysayan, at noong bata pa tayo’y inakala nating may-ari ng mga kalye’t daan na nakapangalan sa kanila, mga taong tinitingala at pinagkauutangan natin ng ating tinatamasang kalayaan.

Nakaukit sa kasaysayan

Isa sa mga pinakatanyag na Tomasino si Jose Rizal, na kumuha ng kursong Metaphysics (Pre-law) at Medisina matapos mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila.

LATEST