Saturday, April 27, 2024

Tag: Agosto 31, 2010

Nawalang P9.5M ng USTFU sisiyasatin

INIREKLAMO na sa piskalya ni Dr. Gil Gamilla, pangulo ng UST Faculty Union, ang kumpanyang pinautang niya ng P9.5 milyon gamit ang pondo ng...

UST high schools humataw sa NAT

PASOK sa ikatlo at ika-apat na puwesto ang dalawang mataas na paaralan ng UST sa National Achievement Test (NAT), na kinuha ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng hayskul noong Marso.

Sa isinagawang pagsusulit ng Department of Education (DepEd) sa may 84 na pribadong paaralan sa Maynila, pangatlo ang UST Education High School na may markang 61.27 porsiyento at pang-apat naman ang UST High School na may 59.27 porsiyento.

Ang Samantabhadra Institute (66.33 porsiyento) at St. Jude Catholic School (64.26 porsiyento) naman ang nanguna at pumangalawa sa pagsusulit.

Mga Tomasino nanguna sa Occupational Therapy, Medicine

HUMATAW ang mga Tomasino sa katatapos lamang na physician at occupational therapist (OT) licensure exams, samantalang pasok din ang iba sa Top 10 sa pagsusulit para sa mga nurse, physical therapist (PT) at nutritionist-dietetician.

Pinangunahan ni Chitra Punjabi ang 1,597 na mga bagong manggagamot matapos siyang magtala ng markang 89.42 porsiyento.

Pasok naman sa Top 10 sina Nikka Doreen Angbue-Te sa ikatlong puwesto (88.33 porsiyento), Michael Conrad Tongol sa ika-anim (87.83 porsiyento), Kristianne Emmanuelle Bagaoisan sa ikasiyam (87.50 porsiyento) at Rozelle Jade Javier sa ikasampu (87.42 porsiyento).

UST admin, tinanggal na guro, ‘di nagkasundo

WALANG nabuong pakikipagkasundo sa pagitan ng UST at ng tatlong dating guro sa College of Fine Arts and Design (CFAD) na natanggal sa serbisyo...

Ched kinilalang ‘center of excellence’ ang Biology

GINAWARAN ng Center of Excellence (COE) status ang kursong Biology ng UST matapos itong sumailalaim sa inspeksiyon ng Commission on Higher Education (Ched) noong...

Dating dekano ng Science, tumanggap ng parangal

IPINAGKALOOB ang kauna-unahang Gawad Jose Villa Panganiban (Gawad JVP) sa isang Tomasino na nag-ambag sa pag-unlad ng wikang pambansa sa kaniyang pagtuturo ng kimika...

Mga Tomasinong musikero wagi sa Asya

WAGI sa iba’t ibang kompetisyon sa Asya ang ilan sa mga mag-aaral ng Conservatory of Music matapos makatanggap ng mga parangal sa iba’t ibang larangan ng musika.

Nakatanggap ang Coro Tomasino ng tatlong parangal sa kauna-unahang Institut Teknologi Bandung International Choir Competition sa Indonesia mula Hulyo 29 hanggang Agosto 1.

Nakuha nila ang isa sa mga silver awards sa Mixed Choirs – Historical Programs category, habang dalawa naman sa mga gintong parangal ang nasungkit ng Coro sa mga kategorya ng Mixed Choirs–Free Programs at Folksong Choir.

Tomasino, bagong hepe ng Tesda

ISA PANG Tomasino ang napabilang sa hanay ng mga opisyal sa pamahalaan ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Nanumpa noong Agosto 3 sa Malacañang si...

‘Simbahayan’ nagsimula na sa Hilagang Luzon

SINIMULAN sa Tuguegarao, Cagayan ang paglunsad ng proyektong “Simbahayan 400: Tomasino Para sa Simbahan, Tahanan, at Bayan” kung saan magtatayo ng 400 proyektong pang-komunidad ang Unibersidad para sa pagdiriwang ng ika-400 taon nito.

Ang nasabing proyekto ay “centerpiece” ng pagdiriwang ng isang taon na unang inilungsad sa Tuguegarao

Pinangunahan ito ng parada kasunod ng misa sa launching ng Simbahayan at dinaluhan ito ng ilang opisyal ng Unibersidad at ang obispo ng Tuguegarao na si Fr. Ricardo Baccay.

Ayon kay Marielyn Quintana, executive director ng Simbahayan, makatutulong ang paglulunsad sa Tuguegarao upang mapalawak ang proyektong pang-komunidad sa Hilagang Luzon.

Sunico, itinalagang isa sa mga direktor ng CCP

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III ang dekano ng Conservatory of Music na si Raul Sunico bilang isa sa mga bagong board members ng...

LATEST