Friday, May 17, 2024

Tag: September 1, 2001

Pagsuko

NGAYON, katulad ng mga nagdaang gabi, muli na naman akong dinadalaw ng mga alaala ng aming pagtatagpo. Habang nakalapat ang hapo kong katawan sa aking kama, muli na naman niyang ginugulo ang aking isipan. At tulad ng madalas mangyari, ginagamit niya ang malawak at puting kisame ng aking kuwarto bilang salaming magbabalik ng mga alaala ng aking nakaraan.

***

Una siyang ipinakilala sa akin ni Lola Rosa.

Musikang Asyano

ISANG natatanging pagkakataon ang masaksihan ang mga piling kabataang Asyanong miyembro ng Asian Youth Orchestra (AYO) sa kanilang pagtatanghal ng kanluranin at klasikong musika sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ipinamalas ng AYO ang kanilang husay noong Agosto 17 at 18 sa Cultural Center of the Philippines Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater). Bahagi ng kanilang 2001 Southeast Asian at Japan Summer Concert Tour na nagsimula noong Agosto 11 sa Penang, Malaysia ang pagtatanghal.

Tunog at tinig Tomasino

SA NAKALIPAS na mga taon, hinangaan ang UST Symphony Orchestra na binububo ng mga mag-aaral ng UST Conservatory of Music sa kanilang mga pagtatanghal sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nitong Agosto 5, muli silang naghatid ng musika sa pamamagitan ng isang konsiyerto sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Itinampok rito ang mga komposisyon nina Wolfgang Amadeus Mozart, Peter Ilytch Tchaikovsky, Giacomo Puccini, Sergei Prokofief, Modest Mussorgsky, at Max Bruch.

Pagbabalik tanaw

HINDI na mawawala sa kasaysayan ng Pilipinas ang Unibersidad ng Santo Tomas . Hanggang ngayon, ito ang kinikilalang pinakamatandang unibersidad sa bansa at Asya, dating Colegio de Santissimo Rosario na itinatag noong Abril 11, 1611 ni P. Miguel de Benavides, O.P. Sa katunayan, matanda pa ito sa Unibersidad ng Harvard sa Estados Unidos nang humigit-kumulang na 20 taon.

Agham at Teknolohiya: patungo sa komersyalismo?

NANINIWALA ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) na ang matatag na pundasyon sa Agham at Teknolohiya (S&T) ay isa sa mga pinakamabisang susi para sa pambansang pag-unlad. Ito ang naging paksa ng talumpati ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbubukas ng ika-43 taunang pagdiriwang ng Pambansang Linggo ng Agham at Teknolohiya na ginanap noong nakaraang Hulyo 16 – 20 sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), Diliman, Quezon City.

Ang Varsitarian at si Jose Villa Panganiban

SA PAGSISIMULA ng Varsitarian noong taong akademiko 1928-1929, naluklok bilang katulong na patnugot ang tinaguriang “ama ng Varsitarian” na si Jose Villa Panganiban. Dahil siya ang pangulo ng UST Literary Society, si Pablo Anido, isang estudyante ng Medisina ang naging punong patnugot. Natalaga namang kauna-unahang tagapamahalang patnugot si Juan Cabildo.

Sa ilalim ng pamamahala ni Panganiban sumibol ang panitikang Tomasino. Naging patnugot ng panitikan si Paz Latorena, kilalang kontemporanyong kwentista noong dekada 30.

Internet para sa Pilipino

IDINAOS ng ABS-CBN Interactive, sa pakikipagtulungan ng UST Internet Society (UST-Isoc) Pinoycentral Rocks…On Campus sa UST noong Hulyo 26-27.

Dito rin inilunsad ng ABS-CBN ang kanilang pinakabagong handog para sa mga kabataan, ang College.Pinoycentral.com.

Ito ang pinakamalaking proyekto ng ABS-CBN Interactive na nagtataglay ng mga produkto, imahinasyon, at galing na akma sa panlasang Pinoy.

UST naghahanda para sa satellite campus sa Baguio

HANDA na ang mga plano para sa UST-Baguio.

Ayon kay Prop. Flora Hizon, tagapangulo ng proyektong pabahay ng Faculty Association of UST (FAUST), itatayo sa isang lupang may sukat na 50 ektarya sa Baguio ang binabalak ng Unibersidad na satellite campus.

“Kung ano’ng nakita mo sa UST, ganyan (din) doble lang ang laki ,” wika ni Hizon.

Ang kampus ay nasa Benguet at malapit sa Baguio, dagdag pa niya.

Ang asul na krus sa tuktok ng Main Building

MAIHAHALINTULAD sa isang maliwanag na tala ang asul na krus sa tuktok ng Main Building. Patuloy nitong hinihikayat ang libu-libong mag-aaral upang linangin ang kanilang kakayahan at palalimin ang paniniwala.

Noong 1963, ang asul na krus na ito ay siya ring nakatawag pansin sa apat na banyaga mula sa Kanlurang Alemanya upang sila’y gumawa ng dokumentaryo tungkol sa UST. Dala-dala ang kanilang mga tripods, movie cameras at flashbulbs, kinuhanan nila ang mga hardin ng Pharmacy, ang Main Building, mga klase sa Faculty of Medicine and Surgery, isang mock trial sa moot court at iba pang mga karaniwang eksena sa UST.

Ang bisita

NASA gitna kami ng isang masinsinang usapan ng aking kasama nang madama kong may kung anong sumampa sa akin. Isang bata. Nagitla kami sa bigla niyang pagsulpot sa bukana ng dyip. Pinili ko kasing umupo sa bukana ng dyip upang madaling makababa, kaya sa akin sumampa itong munting bata.

Madilim man ay malinaw na malinaw siya sa aking paningin—isang musmos na nasa pagitan ng lima hanggang pitong taon, patpatin, gula-gulanit ang damit, subalit di pangkaraniwan ang maamo nitong mukha.

LATEST