Friday, May 3, 2024

Filipino

‘Di wala ang panitikang Waray

ANG PANITIKAN ay ang masining na pagsasalaysay ng mayamang kasaysayan ng isang bansa.

Alinsunod sa layuning muling ibangon ang iba’t ibang panitikan sa bawat rehiyon, pinangunahan ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Umpil) ang pagdaraos ng isang seryeng panayam tungkol sa kalagayan ng panitikang Waray na ginanap sa Ateneo de Manila University noong ika-17 ng Mayo.

Ayon kay Romulo Baquiran, Jr., ingat-yaman ng Umpil, ang pagbigay ng angkop sa lugar upang mapag-usapan ang mga katangian at suliranin sa panitikan ang layon ng samahan.

“Layunin ng Umpilan na palaganapin ang pagpapahalaga sa literaturang Filipino, kabilang na ang panitikang Waray,” ani Baquiran.

Posters ni mayor

ALAS-SAIS.

Oras na para magpahinga; oras na para maglatag.

Simula nang mawalay ako kay Inay, ito ang oras na palagi kong inaabangan dahil ito ang nag-iisang pagkakataon kung kailan may pag-asa kaming magkasama… sa panaginip.

Ramdam ng likod ko ang mainit na singaw ng semento sa likod ng barangay hall. Pakiramdam ko’y katas ng basurang nakatambak sa malapit na basketball court ang pawis ko. Ang alinsangan, buti na lang mayroon akong pamaypay.

Sana may telebisyon ako para mapanood ko ang cartoons na nakaguhit sa dyip. Sana rin, may cellphone ako para ma-text ‘yung crush kong nakatira sa subdivision na kinakalapan ko ng bakal at bote.

Hinagpis ni Maria

SABAY tayong nangarap sa ilalim ng araw at ng buwan—ang ating kamusmusan,

Sabay tayong naligaw, nagkatagpo, sumuko’t muling naligaw.

Sabay tayong humakbang, naglakad, tumakbo’t lumundag.

Kulang na lang, pumagaspas nang marating na ang mga pangarap.

Sabay tayong nagdasal sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo,

Humingi ng gabay… ‘di ko inasahang sa Kaniya mo itutuloy ang paglalakbay.

Sa bawat taon na lumisan ang pagkabata, gumuhit ang pagnanais lumaya,

Tumanda ang isip at dumunong ang puso… ang bukas lamang ang nanatiling bubot.

Ikaw ang pumuno sa dapat punan, ikaw ang lumiban sa bawat puwang.

Sabay tayong nasaktan, pumiglas, lumuha at naiwanan ng tadhana,

Uwian

IPINAGPALIBAN muna niya

Ang pagsipat sa pagtatalik ng silahis sa dilim

Bago mag-ala singko

Kailangang marating ang España

Kundi baka walang masakyang FX

Baka abutin pa ng hatinggabi kahihintay

Nakipagbunuan sa mga estudyante sa Morayta

Pinasok ang lagusan papuntang Quiapo

Bumalik na lang muli sa España

Saka nakakita ng FX na may bakante

Hinawi niya ang unang dapat sasakay

Nang nakaupo na’t napadungaw sa bintana

Naakit siya sa alindog ng dagitab

Naibunyag ang ikinukubling kariktan ng Maynila.

Alinsunod nga ba sa balarilang Pinoy?

BAHAGI NA ng pamumuhay ng mga Pilipino ang panonood ng telebisyon. Ang mga umaatikabong balitaan at mga nagpapaiyak sa ating mga telenovela ay ilan lamang sa mga libangang nagbibigkis sa lipunang ating ginagalawan. Ngunit paano nga ba sumasalamin ang mga ito sa ating kultura?

Wikang Filipino sa pamamahayag

Sinasabi na ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pamamahayag ay ang pinakaepektibong paraan upang mas maunawaan ng mga tao hindi lamang ang mga balita kundi pati na rin ang mga kasalukuyang isyung kinahaharap ng bansa.

Ang ‘Soli’ sa panahon ng mga Kastila

BINALIKAN ni Jose Victor Torres, professorial chair for Rizaliana-studies ng De La Salle University, ang kasaysayan ng La Solidaridad o ‘Soli’ sa pagbabahagi ng kaniyang saliksik na “Our Little Newspaper: The La Solidaridad and Philippine Journalism in Spain (1889-1895)” noong ika-7 ng Marso sa DLSU, Maynila.

Ayon kay Torres, malaki ang ginampanan ng Soli sa kasaysayan ng Pilipinas, ngunit hindi buo ang kuwento ng pahayagan kaya’t napili niyang pag-aralan ang pinagmulan, katapusan, at lahat ng nakapagitna sa buhay ng pahayagang nagbigay boses sa mga Pilipinong naghangad ng pagbabago noong panahong sakop tayo ng mga Espanyol.

Saksi sa pag-alab ng panitikang Tomasino

ISANG estudyante ng Graduate School ang ginawaran ng Rector’s Literary Award (RLA) sa ginanap na ika-28 Gawad Ustetika noong ika-9 ng Pebrero sa Plaza Mayor ng Unibersidad.

Si Paul Castillo, 25, mula sa kursong Creative Writing ay nagkamit ng RLA para sa kaniyang tulang “Sa Panahon na Walang Panahon.” Ang RLA ay iginagawad ng Rektor ng Unibersidad sa akdang umangat sa pagpapamalas ng Christian values, mula sa lahat ng mga akdang nagkamit ng unang gantimpala.

“Kahit sinong gustong magsulat at kung alam niya kung paano isusulat, factor na ‘yun... ‘Yung view ng mambabasa wala talaga sa edad [ng manunulat],” ani Castillo.

Nang mag- ‘I do’ ang mga Tomasino

SAKSI ang Unibersidad hindi lamang sa kasaysayan, kundi pati na rin sa mga kuwento ng mga magsing-irog na Tomasino.

Sa nagdaang mga buwan, napabalita ang iba’t ibang marriage proposals sa loob ng UST. Ngunit ‘di tulad ng mga nakagawiang pagtatapat kung saan luluhod ang isang lalaki sa isang babae at magyayaya ng kasal, ang mga proposal ngayo’y may kani-kaniya nang “gimik” makuha lamang ang matamis na “oo” ng iniibig.

Ayon kay Froilan Alipao, isang propesor ng Sociology sa Faculty of Arts and Letters, iba-iba ang porma ng marriage proposals—mayroong dumaraan pa sa tradisyunal na pamamanhikan at mayroon ding makabagong marriage proposal na ginagawa sa pampublikong mga lugar o kaya naman sa isang pagdiriwang.

Dibuho at panulat: Makabagong Pinoy komiks

SA PAGLALAYONG mas maipakilala sa mga Tomasinong manunulat ang mga uri ng sining, isinagawa ang isang seryeng diskusyon kung saan tinalakay ang kahalagahan ng sequential art bilang isang epektibong midyum ng komunikasyon.

Naganap ang kauna-unahang “Sequential Art Project” noong ika-12 ng Enero sa audio visual room ng gusaling Beato Angelico, sa pangunguna ng Thomasians’ Writers Guild, samahan ng mga manunulat sa Unibersidad.

Ayon kay Jon Zamar, ang lumikha ng “Codename: Bathala,” ang komiks ay sumisimbulo sa malayang ekspresyon na hindi natatakot kumawala sa kumbensiyonal na pagguhit.

“Hindi nangangahulugan kung ano ang sikat at pinapaboran ay ayun na rin ang gagawin mo,” ani Zamar.

Paghubog sa bagong imahe ni Bonifacio

KUMUSTA na nga ba ang pagkakakilanlan ni Andres Bonifacio sa makabagong henerasyon?

Nararapat na muling kilalanin, unawain, at mahalin si Bonifacio—ito ang panukala ni Virgilio Almario, pambansang alagad ng sining, sa kaniyang aklat na “Ang Pag-ibig sa Bayan ni Andres Bonifacio” (UST Publishing House, 2012) na inilunsad kasabay sa pagdiriwang nang kamatayan ni Bonifacio noong ika-30 ng Nobyembre 2012.

Matutunghayan sa akda hindi lamang ang mga paniniwala ni Almario ukol sa kay Bonifacio bilang bayani, kundi makababasa rin ng iba’t ibang pananaw at saliksik ng mga historyador ukol dito.

LATEST FILIPINO