Friday, April 26, 2024

Filipino

Wikang kinagisnan at ‘K to 12’

SA PAGLULUNSAD ng programang K to 12 sa mga paaralan noong nakaraang Hunyo, nilalayon din ng bagong kurikulum na turuan ang mga mag-aaral gamit ang kanilang katutubong wika.

Ayon kay Jose Laderas Santos, delegado ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang paggamit ng Mother Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) bilang medium of instruction ay makatutulong sa mga mag-aaral na maintindihan ang mga itinuturo sa kanila gamit ang kanilang kinagisnang wika.

“Malaki ang magiging tulong ng paggamit ng panrehiyong wika sa [pagtuturo sa mga] paaralan dahil mas maiintindihan at maisasapuso ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan,” ani Santos.

‘Eat Bulaga!’ patok sa Indonesia

ANG NATURAL na tuwa’t saya ng madlang Pilipino ay umabot na sa kalapit bansang Indonesia.

Ito ay matapos mabili ng Indonesia ang prangkisa ng pinakamahabang noon-time variety show sa Pilipinas at, ayon sa Guinness World Book of Records, sa buong mundo—ang Eat Bulaga!

Sa website ng Surya Citri Televisi (SCTV) Indonesia—ang television network na bumili sa format rights ng Eat Bulaga—ang pagkakatatag ng Eat Bulaga Indonesia ay may garantiyang tuwa at pag-asa para sa mga mamamayan nito, katulad din ng orihinal na Eat Bulaga.

Dahil dito, unti-unti nang nakikilala ng buong mundo ang tatak ng sayang Pilipino.

Panlasang Pinoy: Noon hanggang ngayon

IBA’T ibang dako, iba’t ibang diyalekto, iba’t ibang panlasa—iisang pagka-Pilipino.

Ang Pilipinas ay mayroong walong pangunahing wika mula sa mga sulok ng malalaking pulo na sumasakop dito. Sa bawat wika, ito ay may katumbas na patok na pagkain sa para mga nananahan dito. Iba’t iba man ang katawagan, sumasalamin ang bawat pagkain sa kulturang kinagisnan ng mga Pilipino.

Para kay Evangeline Timbang, puno ng Hospitality and Management Department ng College of Tourism and Hospitality Management, ang mga specialty food ay isang pagkakataon para mas makilala ng mga turista—at maging mga Pilipino—ang kultura ng bansa.

“Via specialty food and its traditions, tourists would know more about the culture of the community,” aniya.

Muling pagsisid ni Intoy

SA IKALAWANG pagkakataon, isang Intoy ang ipinakilala sa industriya ng independent films.

Ngunit ngayon, ang karakter na si Intoy ay ‘di na isang binatang patuloy na nalulunod sa mga alaala ni Jen, kundi sa mga tahong na kailangang sisirin sa dagat ng Kalye Marino.

Ang maikling kuwentong “Intoy Syokoy sa Kalye Marino” ni Eros Atalia, propesor ng Faculty of Arts and Letters, ay kasalukuyang ipinalalabas sa ika-walong Cinemalaya Independent Film Festival, ang taunang pagdiriwang at pagbibigay-parangal sa mga lokal na independent films.

Isa akong ‘Househusband’

ANG KATIBAYAN ng pagkalalaki ng isang tao ay hindi nababatay sa pagiging househusband, bagkus mas mahalaga ang pagsisilbi niya sa kaniyang pamilya.

Ayon sa Random House Dictionary (2012), ang househusband o stay-at-home-dad ay isang may asawang lalaki na siyang nananatili sa tahanan upang gampanan ang mga gawaing bahay.

Sa inilabas na survey ng Philippine Commission on Women noong Mayo, tumaas ng 49.7 na porsyento ang mga kababaihang nagtatrabaho sa bansa. Sa kasalukuyan, mayroong 14.2 milyong kababaihan na kumakayod at 61.6 na porsyento sa kanila ay mayroong mga asawa.

Ang naging pagsusuri ay isang indikasyon na may ilang ama na kinakailangang magpaiwan sa loob ng bahay upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Nasyon: Imahinasyon o ilusyon?

NASYONALISMO—malawak na kasaysayan, mas malawak na kahulugan.

Isang malaking usapin sa ating mga Pilipino ang sukatan ng pagiging makabayan. Ngunit lingid sa ating kaalaman, walang iisang batayan ang pagkamakabayan dahil sa mga umuusbong na mga kahulugan at paniniwala ukol dito.

“Iba na ang konsepto ng nasyonalismo ngayon. It is many different things to many different people depending on their orientation, where they live, their personal experience, religion, and language,” ani Maria Eloisa de Castro, propesor ng History sa Faculty of Arts and Letters.

Ayon sa akdang “Nationalism” (2009) ni Anthony Smith, dating propesor sa London School of Economics, ang mga kahulugan ng nasyonalismo ay maaaring nagmula sa pagkakaroon ng nasyon.

AB Translation nabinbin; sisimulan sa 2016

SA PAGBUBUKAS ng English Language Studies at History noong nakaraang taon, nananatili pa ring nakabinbin ang Translation Program sa Faculty of Arts and Letters.

Ayon kay Michael Anthony Vasco, dekano ng Artlets, aabutin pa ng tatlo hanggang apat na taon bago magbukas ng panibagong programa ang fakultad.

“Bago magdagdag ng programa, bukod sa istraktura ng kurikulum nito, tinitingnan din ang kakayanan ng fakultad sa pagpapanatili naturang programa,” ani Vasco.

Binanggit din ni Vasco na nararapat munang magkaroon ng tala ang unang dalawang kurso at hayaan munang mapagtibay ang mga ito sa fakultad.

Paano sasabihin?

IKINOKORDON na ang “Police line do not cross.” Nagkukumpulan ang mga tao sa labas habang labas-pasok ang mga pulis sa pintuan ng kuwarto. Nakasusulasok ang amoy ng mga bahid ng dugo na nagkalat sa sahig ng faculty room. Ang dating tahimik na opisina ay nagsusumisigaw ng misteryo at hustisiya.

Kabilang isla ng pangarap

NAKATAYONG pinagmamasdan ni Sela ang kabilang isla habang mahigpit siyang niyayapos ng malansang simoy ng hangin.

Papalapit sa pampang, pinailanlang niya ang kaniyang mga kamay at nagpaikot-ikot sa ilalim ng kalawakang unti-unti nang binabalot ng karimlan. Inindayog niya ang kaniyang katawan kasabay ng mga tikis na alon hanggang maabot niya ang pinong buhangin.

Bumangon siya at lumakad sa dagat. Sinalok ng nanginginig niyang kamay ang tubig at ininom ito. Pinahagod niya ito sa kaniyang lalamunan at tiniis ang alat. Bumungisngis siya at pumunta pa sa mas malayo at inisip na mas masarap ang tubig doon.

‘Di magkamayaw sa pagtingin sa dagat si Sela kahit na tinatakpan na ng hamog at ulan ang kabilang isla.

Mga makatang Tomasino, wagi sa Talaang Ginto

DALAWANG manunulang Tomasino ang kinilala sa naganap na pambansang patimpalak na Talaang Ginto.

Nagkamit ng karangalang-banggit sina Joselito de los Reyes, guro ng Filipino sa Faculty of Engineering, at Mariane Abuan, nagtapos ng Philosophy sa Faculty of Arts and Letters at Creative Writing sa Graduate School, noong ika-2 ng Abril sa Cherry Blossoms Hotel, Ermita, Manila.

Pinarangalan ang akdang Bugtong na Estasyon ni De los Reyes at ang Ati-Atihan: Isang Siglo, Isang Siklo ni Abuan noong araw ng kapanganakan ni Francisco “Balagtas” Baltazar na siyang inspirasyon ng 62 anyos na kumpetisyon.

LATEST FILIPINO