AS THE decade comes to a close and a new decade begins, the Varsitarian looks back at the most popular stories of the past 10 years.

2010

Benigno Aquino III has just been named the country’s 15th president, Parokya ni Edgar has just released “Middle-Aged Juvenile Novelty Pop Rockers” and the Varsitarian Facebook page has just uploaded this photo of a Jollibee mascot reading an issue of the school paper.

The top stories are the following:

  1. ‘Ano ang mga panganib sakalusugan ng kakulangan sa pagtulog?’

NATANONG mo na ba sa iyong sarili kung bakit tila pagod na pagod ka kapag puyat ka?

Ayon kay Edilberto Gonzaga, isang propesor sa Department of Psychology ng College of Science, bukod sa panghihina ng katawan, may dalawang epekto ang kakulangan sa tulog. Ito ay pawang sikolohikal at pisyolohikal.

  1. ‘Paglalayag… sa Puso ng Isang Bata’

SI GENOVEVA Edroza-Matute, o mas kilala sa tawag na “Aling Bebang,” ay isa sa pinakadakilang manunulat at kuwentista ng panitikang Filipino. Nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in English, master’s, at doctorate degree sa UST, si Aling Bebang ay nagkamit ng iba’t ibang parangal tulad ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad Cultural Center of the Philippines para sa Sining (Panitikan), Republic Literary Awards ng National Commission for Culture and the Arts, at Lifetime Achievement Award para sa Panitikan na ginawad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang kuwento ay base sa katauhan ng isang batang lalaki na naging estudyante ni Matute dati. Nagwagi ang akdang ito ng Palanca noong 1955.

  1. ‘Bekimon: Ebolusyon ng salitang bakla’

NOONG una “jejemon,” ngayon “bekimon.”

Tunay ngang daynamiko ang wikang Filipino dahil sa pagsibol ng isa na namang panibagong terminong ginagamit na ng marami—ang “bekimon.”

2011

400 years! The University celebrated its Quadricentennial in 2011. The Varsitarian released a supplement that discussed events and festivities in the University during its 400th year.

The top stories are the following:

  1. ‘Rizal’s retraction: Truth vs Myth’

THE DEBATE continues.

Since Rizal’s retraction letter was discovered by Father Manuel Garcia, C.M. in 1935, its content has become a favorite subject of dispute among academicians and Catholics. The letter, dated December 29, 1896, was said to have been signed by the National Hero himself.

  1. Pagpapaunlad ng wika, nakatutulong sa ekonomiya

ANG PAGPAPAUNLAD ng isang bayan sa kaniyang sariling wika ay mayroong tiyak at malaking epekto sa kasalukuyang ekonomiya nito.

Ngunit ano nga ba ang kaugnayan ng wikang pambansa sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa?

  1. New UST logo draws cheers, jeers

UST HAS unveiled a new logo, but many Thomasians are not exactly excited about it.

The new design encloses the University seal in a circle set in yellow. The outer black ring contains the words “UNIVERSITY OF SANTO TOMAS” and “MANILA 1611″ in white color. The old shield-like seal is retained and placed at the center.

2012

Almost eight years have passed since the Varsitarian published what arguably is the most controversial editorial by a campus paper in the country.

The top stories are the following:

  1. Tungo ba sa kaunlaran?’

SA DARATING na taong pampaaralan, ipatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang “Mother Tongue-Based-Multilingual Education” (MTB-MLE) sa ilalim ng K+12 curriculum, kung saan gagamitin ang 12 pangunahing wika ng bansa (ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Hiligaynon, Cebuano, Waray, Tausug, Maguindanoan, Maranao, at Chabacano) bilang midyum ng pag-aaral mula kinder hanggang ikatlong baitang.

Ang mother tongue ay ang wikang ginagamit sa bahay ng isang mag-aaral. Naniniwala ang DepEd na ang paggamit ng mother tongue sa mga unang taon ng edukasyon ay makatutulong sa mas epektibo at mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral.

  1. Now and then: Is OPM going extinct?’

Original Pilipino Music (OPM) became a brand of music characterized by a unique Filipino flair. Through the years, OPM evolved and experimented with different music genre-styles. (And bands such as Orange and Lemons and IV of Spades have emerged.)

Undeniably, Filipinos had supported OPM since the inception of the Metropop. However, after years of hearing music from prominent Filipino artists who made their distinct marks in the music scene, the country’s music industry seems to settle for the production of second-rate songs and revivals. Is OPM really going downhill?

  1. ‘Kultura, sandigan ng kaunlaran ng sarili at sambayanan’

NANINDIGAN ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan na si Virgilio Almario na ang pagkilala sa sariling kultura ay susi sa pag-unlad ng sarili at bayan.

Mayroon tayong ipagmamalaking sariling kultura. ‘Yung kultura na ‘yon ay susi sa ating pag-unlad,” ani Almario. “Hindi tayo uunlad kung gaya-gaya tayo at hindi man lang natin natututunan ang atin. Ang pagmamalaki ng sarili nating kultura ay magpapasimula ng ating national creativity.”

2013

“Selfie” was Oxford’s word of the year. The K to 12 law or the Enhanced Basic Education Act of 2013 was signed this year, which added two years to secondary education. Super typhoon “Yolanda” also hit the country, claiming the lives of more than 6,000 people.

Pope Francis arrives at the Tacloban Airport to console with the victims of Typhoon Yolanda last Jan. 17, 2015,
(Photo by John Paul Autor/ The Varsitarian)

On the bright side, Megan Young became the first Filipina to be crowned Miss World.

The top stories are the following:

  1. ‘Pacucoa: UST is top university in country’

THE UNIVERSITY of Santo Tomas has been recognized as the institution with the highest number of programs accredited by the Philippine Association of Colleges and Universities’ Commission on Accreditation.

The University was also acknowledged for having the most number of Level III reaccredited programs, at 12 degree programs, and for being the top university in Metro Manila in terms of the number of accreditations.

  1. ‘Makabagong teknolohiya tungo sa kaunlaran’

SA TEMANG “Science, Technology and Innovation: The Road to a SmarTer Philippines,” ipinakita ng Department of Science and Technology ang aplikasyon ng makabagong teknolohiya sa paglutas ng mga suliraning maaaring humadlang sa patuloy na pagsulong ng bansa.

Isa sa mga suliraning binigyang-solusyon ay ang pagpapaunlad sa disaster risk reduction and management ng bansa kung saan tinalakay ang mga paraan na maaaring gamitin upang makaiwas sa banta ng mga delubyo.

  1. ‘Ang wikang Filipino sa araling akademiko’

IGINIIT ng ilang dalubhasa, kasama ang isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, na ang paggamit ng katutubong wika sa mga saliksik ang magpapaunlad sa akademiya sa bansa sa nakaraang ika-apat na edisyon ng “Hasaan.”

Ayon kay Clarence Batan, propesor sa sosyolohiya sa UST, ang kahalagahan ng paggamit ng lokal na wika hindi lamang sa lente ng sosyolohiya kundi pati na rin sa ibang larangan ng pananaliksik.

2014

The University was officially under the Philippine Dominican province and implemented a July-May Academic Calendar .

The top stories are the following:

  1. Pag-aalis ng Filipino sa Kurikulum ng kolehiyo tinutulan

TAHASANG tinutulan ng Unibersidad ang kautusan ng Commission on Higher Education (CHEd) na tanggalin ang Filipino sa kolehiyo bilang pakiki-ayon sa bagong curriculum ng K-12.

Bilang pagtugon sa kinakaharap na suliraning pangwika ng bansa hinggil sa pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo, nakiisa ang Unibersidad sa pangunguna ng Department of Filipino sa pagdiriwang ng “Buwan ng Wikang Pambansa: Wika ng Pagkakaisa” sa pamamagitan ng pagdaos nito ng Saliksikan 2014 at Tanggol Wika

  1. CHEd: Kontra-wika, kontra-kultura

NAGLABAS ang CHEd ng Memorandum Order No. 20 Series of 2013 na may titulong “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies,” na nagsasaad na alisin ang mga minor subject sa kurikulum ng kolehiyo sa taong 2016 upang magbigay daan sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga major o teknikal na kurso na may kaugnayan sa Agham at Teknolohiya., na siya namang naging dahilan sa pagtanggal ng English, Math, General Psychology, Economics at Filipino.

Ayon kay Herminio Coloma Jr., kalihim ng Presidential Communications Operations Office, bunsod ng kagustuhang gawing rasyonal ang curriculum ng bansa ang desisyong isama ang Filipino subject sa listahan ng mga aalising asignatura sa pagpapatupad ng programang K to 12 nang sa gayon, hindi maging paulit-ulit ang mga aralin sa grade 11 at 12.

3. ‘Harry Potter,’ ‘Twilight’ at iba pang mga kilalang nobela, isinalin sa wikang Filipino

MAS MAIINTINDIHAN na ng mga Filipinong mambabasa ang mga naging kilalang “Young Adult Fiction (YA)” na mga nobela na nasa wikang Ingles sa pamamagitan ng pagsasalin nito sa wikang Filipino.

Para kay Romula Baquiran, tagapangulo ng Filipinas Institute of Translation at isa ring manunulat, ang pangkariniwang ginagamit ang “pop translation” sa pagsasalin ng mga naturang YA ng mga nobela dahil ang mga naturang libro ay mas tinatangkilik ng mga kabataang mambabasa. with reports from Laurd Menhard Salen, Charm Ryanne C. Magpali and Camille Abiel H. Torres

PART 2: V looks back at the past decade

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.