Saturday, April 27, 2024

Filipino

Huling Araw

Tulad ng panahon, nag-iiba ang daloy

ng pag-iisip ng sangkatauhan.

Halimbawa,

ang unti-unting pag-ubos ng tinta

ng isipan sa paggawa

ng isang tula upang mapunan lamang

ang blankong papel sa pagbaha ng mga salitang

dapat sana’y kanina pa nabanggit.

Hanggang hindi na namamalayan na

ang mga salitang idinidikta ng

pag-iisip ay kung ano ang maaring

ihambing sa nararamdamang pananabik

sa muli nating pagkikita

at pag-asang maaari sanang nagpatigil

sa inyong pag-alis.

Bagong haligi ng Departamento ng Filipino

ANG DALAWANG taong gulang na tahanan ng wikang Filipino sa Unibersidad ay mayroong bagong ama na gagabay sa kaniya.

Sa ikalawang taon ng Departamento ng Filipino, mayroon itong bagong haligi sa katauhan ni Roberto Ampil, propesor ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters na siyang hinirang bilang bagong tagapangulo.

Noong nakaraang taon, muling binuhay ang departamento sa bisa ng vertical assimilation, kung saan nagkaroon ito ng sariling pondo, tagapangulo, at opisina.

Kurso sa paglilinang ng wika

KAHUSAYAN ng mga Tomasino sa iba’t ibang wika, ngayon ay malilinang na.

Sa taong pampaaraalan 2012-2013, ihahandog ng Faculty of Arts and Letters ang AB in Translation Studies and Practices, isang kurso sa pagsasalin ng isang wika tungo sa ibang wika.

Pamumunuan ni Imelda de Castro, dating tagapangulo ng Departamento ng Filipino, ang nasabing kurso na nakatuon sa print media, regional literature, at specialized disciplines.

Ang programang ito ay hindi na bago sa Unibersidad dahil noong 1970’s ay mayroon na nito, hindi lamang napangalagaan kaya’t natanggal noong simula ng 1980’s.

Gintong medalya, gintong pamana

GINTONG medalya para sa mga ginintuang ambag ng isang natatanging Tomasinong pambansang bayani.

Bilang paggunita sa ika-150 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Jose Rizal, maglalabas ng gintong commemorative medal sa Hunyo 19 ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ang disenyo ng medalya ay hango sa konsepto nina Emerson Abraham ng BSP at graphic designer na si Marilen Jacinto, apo ng kaisa-isang kapatid na lalaki ni Rizal na si Paciano. Matatagpuan sa harap ng medalya ang imahe at pangalan ni Rizal at mga petsa ng kaniyang kapanganakan at kamatayan. Sa likod naman ay makikita ang lagda ni Rizal at ang mga katagang “Adios Patria Adorada” na hango sa tula niyang “Mi Ultimo Adios.”

Ang bagong mundo ng mga nagsipagtapos

SA PAGTATAPOS ng bawat akademikong taon, libu-libong Tomasino ang tumatanggap ng mga diploma na hindi lamang sumisimbolo sa apat na taon o higit pang sakripisyo sa kolehiyo, kundi nagsisilbing pasaporte na rin sa pagkakaroon ng magandang trabaho.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi madali ang maghanap ng trabaho. Sa katunayan, ayon sa Labor Force Survey na isinagawa noong Enero, tinatayang 2.9 milyong Filipino ang walang trabaho. Hindi pa tiyak kung ano ang naghihintay sa mga Tomasinong nagsipagtapos sa taong ito, ngunit handa na nga ba ang bawat isa sa pagharap sa buhay sa labas ng apat na sulok ng Unibersidad?

Mahabang biyahe

MAUSOK, mabaho at magulo nang sumakay si Girlie sa bus. Hindi man lang niya namalayang pauwi na siya. Makasakay lang ng bus ang nasa isip niya.

Umupo siya sa may dulo ng bus para wala siyang katabi. Ganoon naman parati kapag sumasakay siya ng bus.

Umarangkada ang sasakyan sa kahabaan ng EDSA nang mapatunganga si Girlie sa sidewalk na tanaw niya mula sa pagkakaupo sa tabi ng bintana.

Sanay na siyang mamasahe pauwi dahil ayaw na ng tatay niyang umupa siya ng dorm malapit sa paaralan. Ngunit sa kasanayang ito, may sama pa rin ng loob si Girlie sa ama dahil maaari naman siyang mangupahan para hindi na niya kailanganing mamasahe lalo na’t maraming napababalitang akdisente at nakawan sa pagbibiyahe.

Nasyonalismo o Panatisismo?

SA PANAHON ngayon, hindi na asong kalye ang naiisip ng maraming Filipino sa tuwing naririnig nila ang salitang “askal.” Sa halip, ang agad pumapasok sa kanilang isip ay ang Philippine National Football Team na mas kilala sa tawag na “Azkals.”

Binansagang “Azkals” noong 2005, maihahambing sa mga “askal” ang mga naturang manlalaro dahil minsan na ring nagpalipat-lipat ng lugar ang mga ito dahil sa kawalan ng lugar para sa ensayo at kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan.

Bagong taon, bagong pera

MAKALIPAS ang mahigit dalawang dekada, muling natunghayan ng bansa ang pagpapalit ng disenyo ng mga pera na sinimulan noong Disyembre 2010, kung saan unang inilabas ang P20 at P50 perang papel, samantalang nakatakdang ilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong Enero lahat ng mga bagong disenyo.

Ang mga bagong disenyo ay gawa nina Diwa Gunigundo, BSP Deputy Governor, at Ambeth Ocampo, tagapangulo ng National Historical Institute.

Ang pagbabago ng mga salapi ay inianunsiyo noong 2009 ng BSP.

Ayon kay Fe Dela Cruz, tagapagsalita ng BSP, isa sa mga rason kung bakit pinalitan ang mga disenyo ng pera ngayon ay dahil madali na itong magaya ng mga namemeke.

Mga ina ng tula at dulaang Filipino pinarangalan sa ika-26 Gawad Ustetika

BILANG pagkilala sa mga natatanging ambag sa panitikan ng tinaguriang “Ina ng mga Tomasinong Manunulat,” ipinangalan kay Ophelia Alcantara Dimalanta ang gantimpalang Poet of the Year sa ika-26 Gawad Ustetika, ang taunang parangal pampanitikan ng Unibersidad, na ginanap noong ika-27 ng Nobyembre sa Plaza Mayor.

Saksi ang malalapit na kaibigan sa pagtanggap ng anak ni Dimalanta na si Al, propesor sa Faculty of Arts and Letters, sa commemorative front page ng Varsitarian, kung saan nakaguhit ang mukha ng kaniyang yumaong ina.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni nakababatang Dimalanta na ang pinakamagandang pagkilalang maibibigay ng mga nagmamahal sa kaniyang ina ay ang muling pagkabuhay ng UST Center for Creative Writing.

Pagpapasidhi ng nasyonalismo

SIMULA ngayong semestre, hindi lamang mga Tomasinong nasa mababa at mataas na paaralan ang magbibigay-pugay sa ating watawat matapos lumabas ang circular mula sa Office of the Secretary General na naglalayong magkaroon ng flag-raising ceremony tuwing Lunes ng umaga.

Gaganapin sa Arch of the Centuries, pangungunahan ng bawat kolehiyo ang programa na binubuo ng Quadricentennial prayer, pag-awit ng Lupang Hinirang, Panatang Makabayan, at University hymn.

Marami ang nagtataka kung bakit ngayon lamang ito ipinatupad sa Unibersidad. Sa Unibersidad ng Pilipinas, ang flag-raising ceremony ay ginagawa tuwing Lunes ng umaga para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, samantalang sa Ateneo de Manila University naman ay araw-araw itong ginagawa.

LATEST FILIPINO