Friday, May 3, 2024

Filipino

Kagawaran ng Filipino, kailan ba talaga?

PAIKOT-IKOT.

Ganito mailalarawan ang naging kalagayan ng wikang Filipino sa UST magmula nang buwagin noong 1979 ang dating Kagawaran ng Filipino at ipagsanib ito sa isang departamentong binubuo ng iba pang itinuturong wika sa Unibersidad. Nang maglaon, binuwag rin ang kagawaran ng wika at pinalitan ng isang departamento para sa mga asignaturang general education.

Mula noon, makailang ulit nang nailathala sa Varsitarian ang hinaing ng mga guro ng Filipino sa UST na ibalik ang sariling kagawaran na tutugon sa mga pangangailangan ng displina.

Ayon na rin kasi kay Marilu Madrunio, tagapangulo ng Department of Languages, may iba’t ibang pangangailangan ang bawat sangay ng departamento na matutugunan lamang ng maayos kung ang pokus ng namamahala ay doon lang.

Balik-tanaw

1938 – Sa pagpupursige ni Jose Villa Panganiban na itinuturing na Ama ng Varsitarian at dating tagapangulo ng Surian sa Wikang Pambansa, itinatag ang magkahiwalay na Kagawaran ng Tagalog at Ingles sa UST.

1948 – Itinatag ang Institute of Spanish upang magsanay ng mga guro sa wikang Espanyol.

1967 – Bumuo naman ng Speech Department para sa mga guro sa Ingles.

1971-1978 – Ginintuang panahon ng wikang Filipino sa UST dahil sa pag-usbong ng pangalan ng mga manunulat sa Filipino.

1979-1982 – Binuo ang Department of Languages sa utos ng Rektor P. Frederik Fermin kung saan pinagsanib sa isang kagawaran ang mga itinuturong wika sa UST tulad ng Filipino, Ingles, Espanyol, Pranses, Aleman, at Nippongo. Kasama rin dito ang Panitikan.

‘Idealistang nangarap ng magandang daigdig’

NABABALOT man sa kontrobersiya ang paghirang sa mga bagong Pambansang Alagad ng Sining noong Hulyo, natatangi naman ang posthumous na pagkilala kay Lazaro Francisco sa larangan ng panitikan. Mula sa pitong mga hinirang, isa si Francisco sa tatlong orihinal na pinili ng seleksiyon upang bigyan ng parangal.

Kinilala si Francisco bilang isa sa mga pangunahing nobelista sa wikang Filipino dahil sa kaniyang mga realistang paniniwala na makikita sa kaniyang mga nobela.

“When the history of the Filipino novel is written, Lazaro Francisco is likely to occupy an eminent position in it. Already in Tagalog literature, he ranks among the finest novelists since the beginning of the 20th century,” ani Bienvenido Lumbera, isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.

Oras

TILA malalakas na hataw ng tambol ang tibok ng aking puso sa kaba. Malamig ang panahon pero pinagpapawisan ako at maging ang mga kamay ko ay walang tigil sa panginginig. Para bang bumabaliktad ang aking sikmura at masusuka ako.

Lalong bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ko ang mahabang kamay ng orasan na papalapit sa numerong 12. Limang minuto na lang pala bago mag alas-otso.

Umalingawngaw ang tunog ng bell sa buong koridor. Habang nagsisipasukan na sa kanilang silid-aralan ang ibang estudyante, nanatili akong nakatayo sa labas ng aming kuwarto.

“Tan, tara na. Magsisimula na ang eksam,” sabi ng matalik kong kaibigang si Bert.

Bago pumasok ay bumulong muna ako ng maikling panalangin. Bahala na, sabi ko sa sarili ko. Suntok sa buwan ang gagawin kong pagpasok sa loob.

Digmaan

Kagabi’y sumuko ako sa pag-irog.

Nagtatakbuhan ang mga binatilyo

Na hinahabol ng tabak at balisong,

Magkahawak-kamay tayo.

Sinisinta ang kumikislap na liwanag

Ng mga bituing nakasilip sa langit,

Nilalasap ang ating katahimikan

Matapos malagpasan ang hinihintay

Na pag-uusig sa pintig ng damdamin,

Sa tapang ng dibdib at pananalig.

Nabalisa ang aking buong pagkatao,

Napahawak nang husto sa kamay mo.

Sa kanto, nakatakda nang lumipad

Ang mga ipinukol na kahoy at bato,

Ang ‘di masawatang pagbigkas

Ng malulutong na mura at sumpa

Ng sindak, ng ganti, ng kamatayan.

Nahaharap tayo sa gulo at galaw

Ng isang kakatwang munting digmaan

Ay ganap na ganap ang aking pagsuko—

Hindi pagkatalo ang nais ipabatid

Kung hindi lubos na pagpapaubaya.

Si Jose Rizal bilang isang Tomasino

“KINAMUMUHIAN ni Dr. Jose Rizal ang UST.”

Ito ang palasak na paniniwalang sinikap baguhin ni P. Fidel Villarroel, O,P., katuwang na archivist ng UST sa kanyang akdang "Rizal and the University of Santo Tomas" (UST Press, 1984).

Nag-ugat ang perspektibong ito sa isang kabanata ng "El Filibusterismo" ni Rizal kung saan ipinakita ang paglayas ni Placido Penitente, esudyante ng UST, sa isang klase sa Pisika matapos siyang pag-initan ng kanyang propesor na si Padre Millon.

Ayon kay Villarroel, bagaman malalim ang pinaghuhugutan ng El Filibusterismo sa kasaysayan, kailangang alalahanin na isinulat ni Rizal ang nobela sa panahon kung kailan ang mga paring Dominikano ay pilit na kinukuha ang kanilang lupa sa Calamba, Laguna.

Salikutan

INAYA ako ng magaling kong Ate sa Quiapo dahil magkikita raw sila ng mga kabarkada niya. Bukod sa libreng pamasahe at pagkain, bibigyan niya pa raw ako ng pera at siya pa ang gagawa ng mga takdang-aralin ko. Dahil sa mga magandang pangako niya, nagpauto naman ako.

Takaw-tingin

ALAM MONG may atraksiyon na agad sa sandaling magtama ang mga mata ninyo.

Maingat kang naglalakad noon sa Quiapo nang makita mo siya sa gitna ng aligagang kalikasan ng lugar. Pauwi ka na noong mga panahong iyon kaya hindi ka na nagmamadali, kaya naman naisipan mong aliwin ang sarili mo sa pamamagitan ng pagmamatyag sa lahat ng taong nasa paligid.

Abalang-abala ka sa pagmamasid sa mga tao nang magkasalubong kayo at nahuli niya ang atensiyon mo. Tiningnan mo siya ulit, at ngayon ay nahuli na ninyo ang tingin ng isa’t isa. Bagama’t hindi na magkanda-ugaga ang madla sa pagmamadali nila, lumutang ang maaliwalas at maamo niyang mukha. 

Tinitigan mo nang mabuti ang pogi niyang mukha - ang kanyang malagong buhok, mga bilugan niyang mata, ang kanyang matangos na ilong at ang kanyang manipis na labi. Binigyan ka niya ng isang makahulugang ngiti, at lumutang ang kanyang mga dimples. At kinilig ka naman.

Bitag na binyag

TANGHALING tapat. Mataimtim na nakatitig sa akin si Bo. Kahit na kasama pa niya ‘ko, hindi maipagkakailang nanginginig ang kanyang mga tuhod.

“Noni, hindi ko yata kaya. Hindi ko kaya.”

Sinuklian ko lamang siya ng isang malalim na buntong-hininga. Sunog na ang mga balat naming dati nang kulay Narra, ngunit nakapagtatakang wala pa ring bakas, ni anino, ng mga walang hiyang nagsipaghamon.

Para sa kanila, isa itong espesyal na seremonya. Walang nakatatakas dito, lalo na kung kabilang ka sa lupong itinuturing na mga manok na hindi marunong magsipagtilaok. Ito ang ritwal na hindi nais na maranasan ng mga batang tulad namin. Hangga’t hindi naalpasan ang hamong ito, wala kang karapatang maging haligi ng isang tahanan.

“Ang tagal naman yata nila,” usal ko kay Bo, na nagsimula nang maglakad pabalik-balik.

“Noni, kailangan ba talaga nating gawin ito?”

“Basta, kahit anong mangyari, ‘wag mong ipahahalatang natatakot ka,” bulong ko kay Bo.

Sampayan

Kakaiba ang kadiliman sa gabing ito: walang buwan at wala ring mga bituin. Puro ulap ang naghahari kasabay ang malamig at malakas na ihip ng hangin. Bihira kasi ang ganitong pagkakataon sa tuwing tag-init.

Dapat sana sinasamantala ko ang lamig ng gabing ito. Gusto ko na ngang mahiga sa kama at ipikit ang aking mga mata. Kaya lang hindi pupuwede kasi nandito ako ngayon sa terasa namin, nagsasampay kasama ni Mama.

Kung bakit kasi pumayag pa akong tulungan siyang ipanik dito ang mga labahin. Ang paki-usap niya lang kasi kanina ay tulungan ko siyang maglaba. Kaso nadaya na naman niya ako. Kaya heto, no choice na ako. Tinutulungan ko na rin siyang magsampay.

LATEST FILIPINO